Chapter 29
Nagising ako kasi pakiramdam ko ay kanina pa may nakatingin sa akin. The moment I open my eyes, I saw a pair of cute eyes staring at me.
" Little Cassidy? Anong ginagawa mo rito."
Nagtatakang tanong ko sa bata kaya napasimangot ito. Lalo tuloy lumabas ang kakyutan nito.
" It's my Dad's company."
Biglang pumasok sa ala-ala ko ang nangyari kagabi. Napatampal ako sa noo ko dahil sa katangahan. Nandito nga Pala ako sa kompanya niya. I can't help but to hide my face with my palms.
Bacause of my emotion I did something
embarrassing." His shirt looks good in you."
Napatingin ako sa suot ko. Napalunok ako ng maalala ang ginawa niya kagabi.
" Do you love my father?" Masungit na tanong ng bata na agad namang ikinagulat at ikinapula ng pisngi ko.
" Hindi ah, ang issue mo." But why do I feel like, it's so wrong. Am I inlove with him?
Iniiwasan ko ang mapanuring tingin nito Saka dali-daling tumakbo papunta sa pinto.
"Ay! Palaka." Napatalon ako sa gulat ng pagbukas ko ng pinto ay mukha agad ni Denver ang bumungad sa akin.
" A-anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ko sa kaniya ngunit nilampasan niya lang ako at nagtungo na sa anak niya. Napapikit naman ako sa kahihiyan ng maalalang kompanya niya pala ito, hays tanga.
" Son, we should go now." Walang emosyong wika nito ngunit mahahalata sa mata nito ang matingding pagmamahal sa anak. I can't help but to stare at them, nakakatunaw ng puso.
Wala namang emosyon itong bumaling ng tingin sa ama saka tumingin ulit sa akin. Kahit hindi sila magkamukha ay malalaman mo talagang mag-ama sila. Hindi ko nakaya ang titig ng bata sa akin, I feel a lot of emotions while looking at those ayes, kaya tumalikod na lamang ako.
" I want to have breakfast with you Mom."
Napatigil ako sa paglalakad at hinarap sila. Hindi ko naman maiwasang mapalunok dahil sa klase ng tingin na binibigay nila sa akin.
" Hindi na, marami pa akong gagawin ngayon eh." Umiiling na sambit ko, kaya biglang nagbago ang ekspresyon ng bata at para itong naiiyak na tumingin sa ama.
" Dad I won't eat forever." Naiiyak na sambit nito, nalungkot naman ako sa nasaksihan.
Ngunit agad din itong napalitan ng takot ng makita ko ang malamig na tingin ni Denver sa akin.
" Have breakfast with us and I'll give you the payment, if you won't then forget about it "
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. No I can't lose it.
" Oo na, oo na, nabi ko nga eh."
Ngumiti pa ako ng pekeng peke sa kaniya. Hindi ko alam pero na bi-buwisit talaga ako sa kaniya, nakakairita siya.
Napangiti naman ang bata saka lumapit sa akin at hinawakan ang isa kong kamay. Seeing him like this make my heart jump, marami na akong nakasamang bata ngunit iba talaga ang pakiramdam ko kapag kasama ko siya.
Nagsimula na kaming maglakad when Denver said "stop" kaya napalingon ako sa kaniya.
May kinuha siyang tsinelas sa gilid kaya nagtaka ako. Lumapit siya sa amin at lumuhod sa harapan ko. Kaya bigla akong nagulat.
"Hoy! Hindi kita sasagutin no, itigil mo yan!." Gulat na wika ko.
Nagtaka ako ng humagikhik. si Cade sa tabi ko kaya napatingin ako sa kaniya.