Chapter Three

988 31 4
                                    




KASALUKUYANG nageensayo sila Rocket para sa performance nila mamayang gabi. Stripper's Night daw ngayon ayon sa kanilang manager na si Renalia at madaming customer ang darating. Ayon pa dito ay kailangan mas maganda ang pagsayaw nila ngayon kung gusto nilang madaming kitain na pera. Saglit siyang nagpahinga sa gilid dahil sa ilang oras na pagkakatayo at pagsasayaw sa stage. Nananakit na din ang paa niya dahil sa suot na six inches heels.

Dalawang araw na ngunit hindi pa din niya muling nakikita ang boss nila. Rocket was secretly observing the surroundings when she performs and there are men around who simply watches them every night. Sa pagoobserba niya ay apat na lalaki ang pare-parehong nasa whore club tuwing gabi. Ayaw naman niyang magtanong kanila Maureen dahil ayaw niyang makahalata ang mga ito sa pagiging interesado niya sa mga lalaking nasa paligid.

And Rocket was sure that those men were members of La Cosa Nostra.

"Uy, nandyan si sir Cain!" bulungan ng mga kapwa stripper niya na tila kinikilig.

Sinundan naman niya ang tinitingnan ng mga ito at nakita ang isang bagong dating na lalaki na dumiretso sa bar counter. She observed him for a while but since he was standing sideways, she couldn't really see what he looked like. Nang bumaling ang tingin nito sa puwesto nila ay agad iniwas ni Rocket ang tingin.

"Ang pogi niya talaga 'no? At saka bet na bet ko „yung blue na mata niya. Idagdag mo pa na sobrang approachable niya." Kinikilig na usapan ng mga babae sa gilid niya. Hindi naman din maalala ni Rocket ang mga pangalan nito at ang tanging kilala lang niya ay si Glaiza at Maureen.

"Ang pogi niya ano?"

Napatingin siya nang lumapit sa kanya ang mga kaibigan. Glaiza handed her a bottle of juice and smiled before sitting beside her. "Thanks. Hmm, pogi nga ba? Hindi ko naman gaanong makita hitsura niya dahil medyo malayo siya."

"Pogi 'yan, promise! At saka tropa niya ni boss kaya madalas mo silang makikita na magkasama."

"Bakit nga ba hindi ko gaanong nakikita si boss?"

Umikot naman ang mata ni Maureen na pinagtakha niya. "Pupunta lang naman kasi si boss dito para kumuha ng babae at magparaos." Tugon nito na tila naiinis. "Bakit ba hindi ko pa natitikman 'yun? Ilang taon na ko dito oh."

Natawa naman si Glaiza. "Hindi ka na nga kasi virgin 'di ba?"

"Does it matter?" Maureen disappointedly said and pouted.

"Iwas sakit 'yun si boss, pa'no iba-ibang babae tinitira araw-araw."

"That's gross." Rocket answered and shook her head. "At saka hindi ka sure na hindi magkakasakit 'yun kahit iba-ibang babaeng virgin ang tinitira niya 'no."

"Bakit naman?"

"I don't know." She said and they all laughed.

"Rocky, puwede ba kitang utusan?" singit sa kanila ni Renalia na siyang tumatayong manager ng whore club. Lumapit naman ang babae sa kanya at may pinakita na folder. "Pakidala naman ito sa opisina ni boss. Weekly income ito ng club."

Agad naman siyang napatayo. "Sige po."

Taking the folder from her, Rocket grabbed the opportunity to find information about the La Cosa Nostra in Regan‟s office. Ito na ang chance niyang mapasok ang loob ng opisinang pinagbabawal silang pasukin. Tinanggal niya ang suot na heels at nagpalit ng tsinelas bago siya lumakad palabas ng club. She glanced at the men in the bar counter and saw them looking back at her making her smile to them.

I need to finish this mission. I'm sorry ninong but I think I will stay in this place a little longer.

Huminga nang malalim si Rocket nang makarating siya sa dulo ng hallway sa dormitory

REGAN ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon