ROCKET couldn't say anything as they walked in a shopping mall with Regan. Hawak niya ang kanyang mga anak habang ang lalaki naman ay nasa harapan niya. Hindi niya alam kung anong gagawin niya nang biglang sabihin ni Uriel na si Regan ang tatay ng kambal at dahil nga din sa matagal nang pagnanais ni Rebel na makilala ang ama ay walang humpay ito sa kakatanong sa kanya ngayon kung si Regan ba talaga ang kanilang tatay na hindi niya sinasagot.
Hindi din mawala sa kanyang isip ang sinabi ni Regan sa kanya kanina bago ito magwalk out pati na din ang hitsura nito. There was coldness and anger in his emotion as she was staring back at him. She couldn't understand why he's giving him that kind of response with what she said to Rebel but Rocket knows him better. Ngayon lang naman 'yun. Ngayon lang niya maririnig ang gano'ng salita mula sa lalaki dahil sa oras na bumalik na sila sa bahay nito ay babalik na naman ito sa pananakot sa mga anak niya.
Nang pumasok si Regan sa isang department store ay sumunod sila sa kanya at naabutan niya itong may kinakausap na lalaki. The middle-aged man smiled and nodded at Regan and asked the salesladies to close the whole shop for them. Regan then walked towards her and sighed before looking around.
"Buy anything you want." Saad nito bago tumingin sa kambal. "And the things they want as well."
"No need."
"I insist."
"No—"
"Just...just obey me this time, Rocket." putol nito sa sinasabi niya at tinitigan siya ng diretso sa mata. "I'm not going to tell you this twice and if you won't buy the things that you need, I will buy everything inside this store."
"I want an airplane, Papa!" singit ni Rebel na agad niyang pinigilan.
"Rebel, what did I tell you? He's not your Papa and we're not here to buy an airplane." Tugon niya at muling bumaling ang tingin kay Regan nang lumuhod ito para pantayan ng tingin si Rebel.
"You'll get your airplane later, all right?" he said softly before turning his gaze to Rogue. "How 'bout you, Rogue? What toys do you want?"
"N-no..." bulong ng bata at nagtago sa likod niya. Napahinga nang malalim si Regan bago muling tumuwid ng tayo at namulsa.
"Just go buy them anything." He told her but Rocket stared at him blankly. "Uriel, Wolf." "Yes, boss." Sagot ng dalawa at iginaya siya ni Uriel papunta sa women section ng mga damit habang si Wolf naman ay binitbit si Rogue at Rebel papunta sa kid's section.
"Just obey the boss today, Rocket." bulong ni Uriel sa kanya. Marahas naman niyang binawi ang braso niya mula sa lalaki at bahagyang lumayo dito. "You never change, don't ya? Still acting like a queen bitch."
"Leave me alone."
"All right but if you ain't buying anything for yourself, I'm gonna do that for you. I'm just preventing boss to get mad because he's really in the mood today." Kumindat ito sa kanya. "Cain's words of wisdom to me, tell him the things that he want but couldn't admit and you'll get his good side."
Nang iwan siya ni Uriel ay napahinga siya nang malalim bago nagtingin ng mga damit sa paligid. Funny, but she remembered how Regan forced her to buy expensive clothes when she came to his house five years ago. Ang dami na pala niyang pinagdaanan at pakiramdam niya ay noong isang buwan lang 'yun lahat nangyari. All those hardships she overcame made her even stronger and just a little more time, Rocket will start make a desperate move so they can get away from Regan.
Ilang oras din silang nanatili sa loob ng department store at sa huli ay si Uriel din ang kumuha ng mga damit na para sa kanya. Ayaw niyang sumunod sa kahit anong sinasabi ni Regan kaya hindi siya kumuha ng mga gamit para sa kanya. Yes, call it conceited but Rocket doesn't want to owe Regan anything anymore.