Chapter Fifty

1K 17 3
                                        


HINDI mapakali si Rocket habang pinapanood ang kanyang mga anak na lumangoy sa pool kasama si Regan. Gusto n'yang tawagin at paahunin ang mga 'to dahil pakiramdam n'ya ay may hindi magandang mangyayari sa kambal. She's been walking back and forth while glancing at them and her hands are shivering in cold sweat. She's becoming more and more restless as minutes pass by. Tila merong bumubulong sa kanyang isipan na ilayo sina Rogue at Rebel kay Regan dahil papatayin ito ng lalaki.

Nang makita niyang nilubog ng mga bata ang kanilang ulo sa tubig ay agad nag-panic sa Rocket at patakbong tumalon sa pool para sagipin ang mga 'to. Ramdam n'ya ang malakas na pagtibok ng puso n'ya at ang takot na unti-unting sumasakop sa sistema n'ya. Rocket immediately pulled Rebel and Rogue to the pool stairs and hold into their faces to check them.

"A-are you okay?!" she screamed and hugged them tight.

"Mama?" puno ng pagtatakang tiningnan siya ni Rebel bago kumalas sa pagkakayakap n'ya. "Mama, what's wrong?"

"Can you both go inside the house?"

"But—"

"Just listen to me, all right? This is dangerous for both of you. Regan will harm you, so you need to get away from him as soon as possible. Go, go find tito Evo and hide!" aniya at pilit pinagtulakan ang kanyang mga anak palabas ng pool. Nang masigurong nakapasok na ang dalawa ay doon n'ya lang nilingon si Regan na walang emosyon na nakatingin sa kanya. "You're trying to kill them..." she accused and stepped away from him. "Hindi ka pa ba titigil sa kagustuhan mong patayin ang mga anak ko?!"

"What are you talking about, Rocket?"

"No. You will stay away from them, Regan." tugon n'ya at mabilis na umahon sa pool bago patakbong pumasok sa loob ng bahay. Nakasalubong n'ya si Uriel at gano'n na lang ang panlalaki ng mata n'ya nang makitang duguan ang suot nitong damit habang may hawak na baril. Rocket panicked and looked around the house to look for her children. "A-anong ginawa mo?"

"Huh? I don't understand." Uriel asked before putting the gun back to his jeans. "Are you all right?"

"What did you do to my sons?!" she screamed and attacked Uriel. Hindi n'ya napigilan ang luhang pumatak sa kanyang mga mata at takot na takot itong pinaulanan ng mga suntok at sipa. Uriel tried stopping her but Rocket's mind was all blank and the only thought she has right now is that her kids are in danger. "You hurt them! Why can't you all just leave my sons alone?! I'm here! Do what you want to me but not my sons!"

"What?!" nang mahuli ni Uriel ang mga braso n'ya ay doon lamang siya napatitig sa mata nito na puno ng pagtataka. "What are you talking about? I did nothing to the twins!"

"Liar!"

"Mama!" agad napalingon si Rocket nang marinig n'ya ang kanyang mga anak na tinawag siya. They are standing on the last step of the stairs while looking at her and Rocket immediately ran towards them. Hinila niya ang dalawa paakyat ng kuwarto bago sinara ang pinto at ini-lock 'yun.

"Are you both all right? Did they hurt you?" she asked them. "No, mama." Rogue answered.

"Mama, why are you fighting Uriel?" tanong ni Rebel na kinatingin n'ya dito. "Are you mad at him?"

"Mga anak, you need to stay away from them, okay? Especially Regan. Don't you ever try to talk to him again or he will hurt you."

"But mister is a good person."

"No!" agad niyang sagot na kinagulat ng kambal. "No, no, no. He's not a good person, Rebel. He'll hurt you, use you and he'll do something that will take everything away from you. I don't want that to happen to you and Rogue that's why you need to listen to me. Do you understand Mama?"

REGAN ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon