Chapter Fifty Seven

948 17 8
                                    


THREE days. Tatlong araw na mula nang mawalay si Rogue kay Rocket at hanggang ngayon ay hindi pa din natatahimik ang kanyang isipan sa pagaalala sa kanyang anak. Hindi na din naubos ang luha sa kanyang mga mata dahil sa tuwing pumapasok sa isip niya na patay na si Rogue ay kusang pumapatak ang mga luha niya. She could feel the fear for his son's life and Regan's voice kept on lingering in her mind telling her that he'll kill her son. Tila isang sirang plaka ang boses ng lalaki sa kanyang isipan at paulit-ulit niyang naririnig ang mga pagbabanta nito para sa buhay ng kanyang mga anak.

Mula din ng magising si Rocket mula sa pagkawala ng malay noong tumakas siya ay pilit siyang kinakausap ng lalaking may asul na mata. He's not yet telling his name and it's like he's trying to give her the space she needed because only the maids are entering the room where they took her and Rebel. She doesn't trust anyone anymore because she feels like they'll use her again for their own benefit and she was being defensive to the people around her because they might take Rebel away from her.

Kanina pa din hindi mapakali si Rocket habang palakad-lakad sa loob ng kuwarto.

Pakiramdam niya ay mababaliw na siya sa pagiisip sa kalagayan ni Rogue ngayon. Hindi niya alam kung nasaang lupalop na sila ng mundo ngunit sumakay sila ng eroplano at dinala sa isang malaking bahay. Tuloy ay mas lalo siyang hindi matatahimik dahil mas naging malayo ang anak niya sa kanya.

"Mama?" tawag ni Rebel na kinagulat niya. She immediately ran towards her son to hug him and covered his head.

"Shh! They will get us!" she whispered and looked around the room. "Who will get us, Mama?"

"Rebel, keep quiet!" sita niya bago tinakpan ang bibig nito. "We need to escape from here or else Regan will get us! I-I have to find your brother!" Rocket said before gasping. "N- no...no. Rogue, he's in danger. Papatayin siya ni Regan. Kailangan ko siyang hanapin!"

"Mama..."

Nagsimulang humagulgol si Rocket bago siya tumayo at napasabunot sa sariling buhok. Nanginginig ang kanyang katawan sa takot at pakiramdam niya ay malapit na siyang mahanap ni Regan. The anxiety she's feeling is making her restless and it feels like she's not safe in that place. Pasilip-silip din siya sa bintana dahil baka dumating si Regan at saktan siya pati na din ang anak niya.

Agad siyang napasigaw nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang lalaking may asul na mata. Rocket immediately carried Rebel and stood in the corner of the room as she started shaking her head because of the thought that this man will hurt them.

"No, please, don't hurt my son. Don't take him away from me." Umiiyak niyang pakiusap at mas yumakap sa kanyang anak. "Please, I don't want Regan to hurt my son. Please..."

"Hey, I won't do anything to you." malumanay na saad nito at tinaas ang dalawang kamay na tila pinapatigil siya sa pagsasalita. "I'm not here to hurt you and your son. I just want to talk to you Rocket."

"Stay away!" she screamed when the man stepped a little closer to her. "Don't come near us! I know you're going to take my son away from me! I know you're saying that to make me trust you! Stay away from us!"

"Okay, okay. Calm down, Rocket." anito at muling umatras. Hindi naman umimik si Rocket habang tinititigan ang lalaki na tumayo malapit sa pintuan. He was observing her for a minute before he sighed and stared at her intently. "I just want to say that your son Rogue is safe."

Nanlaki naman ang mata ni Rocket dahil sa sinabi nito kaya naibaba niya ang kanyang anak nang 'di oras. "R-Rogue? Where is he?! I need to see my son!"

"He's in the Philippines." Anito kaya natigilan siya. "Regan brought your son to his family there and he's safe. I'm assuring you that no one can harm Rogue, all right? You have to relax and listen to my words, Rocket. I am not telling you to trust me but I will make sure that no one will hurt you and your sons."

REGAN ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon