Chapter Sixty-Two

761 25 0
                                    


ROCKET sipped her coffee as she watched the CCTVs around the block from her laptop. It's been two days since their plan commenced but there are still no signs of Regan. Hindi niya naman maiwasan na hindi kabahan dahil pagtapos ng madaming taon ay ngayon na lang ulit siya sasabak sa isang delikadong trabaho. She doesn't know anything about the man Regan is with but according to the source they got Vito Marchesi is more dangerous than Regan. Kung noon nga'y hindi na niya kayang kalabanin ang lalaki, paano pa kaya itong si Vito na hindi siya pamilyar?

Gusto nang matapos ni Rocket ang laban na ito dahil gusto na niyang makasama si Rogue. Seamus sent her a picture of his son and Rogue is already studying in the Philippines. Mukha namang maayos ang lagay ng anak niya kaya hindi siya nagaalala pero bilang ina ay gusto pa din niyang nasa tabi siya nito. Konting panahon pa'y magiging tahimik na din ang kanilang buhay na magkakasama. Rocket will make sure that the first thing she'll do after this is fly back to the Philippines to get his son.

Hindi pa din malinaw sa kanya kung bakit hindi puwedeng patayin ng Syndicate International si Regan. Kung siya lamang ang masusunod ay hindi na niya bibigyan ang lalaki ng matagal na oras sa mundong ito at diretso na lang itong patayin pero dahil hindi naman siya ang nagsagawa ng plano ay hindi niya ito puwedeng gawin. Rocket respects Ramones because she wouldn't be free like this if it wasn't for them. That's why she'll do the plan that they discussed and after that she'll get the revenge that she wants.

"Targets are spotted riding a black Mercedes coming to the fourth block to where the apartment is." Saad ng boses sa earpiece na suot niya na agad niyang kinagulat.

"Copy that." Sagot niya bago ibinaba ang basong hawak at nagsimulang magtipa sa laptop. She traced the route that Regan would take and after a few minutes, she had already found them. "Bingo."

Nakita niyang pumarada ang sasakyan 'di kalayuan sa apartment na kinaroroonan at bumaba ang isang lalaki na sa tingin niya ay si Vito. The man leaned on the car hood and lighted a cigarette and looked around. Rocket zoomed in the camera and saw two black vans parked in front of her apartment and on the back. Hindi niya makita ang loob ng sasakyan dahil dark tinted ang salamin ng mga 'to.

"There are two black vans in front of the apartment and on the back. No one is coming out yet." Saad niya at muling nagtipa sa laptop bago inikot ang camera palayo sa kinaroroonan ng van upang hindi mahalata na pinagmamasdan ang mga 'to. Binalik naman niya ang tingin sa kotse nila Regan at nakita niyang nakababa na ito ng sasakyan.

Rocket felt the tension as she stared at him from the screen and she couldn't help but to clenched her fists. Calm down. Kailangan niyang pigilan ang sarili na gumawa ng maling hakbang na ikakasira ng kanilang plano. Pulido at maayos na itong nasabi sa kanya at hindi siya puwedeng magkamali kahit na madaming back-up plan na sinabi si Seamus sa kanya. She wants to do this once and finish it immediately.

"Snipers are in position." Muling saad ng boses sa earpiece.

"I'm ready to move." She answered and stood up from her seat. Pinatay niya ang lahat ng laptop na ginagamit niya bago inilagay sa kanyang purse ang isang 45 calibre na Smith and Wesson. She's wearing a bright yellow dress, cream colored blazer, a two inches heels and she covered her face with a red scarf before wearing her sunglasses.

"We'll be on stand-by," Seamus said. "No one will shoot unless you're in danger Rocket but I believe in you. Just follow the plan and we're on the back-up."

"I will." sagot niya bago tuluyang nilisan ang kanyang apartment.

Paglabas ni Rocket mula sa building ay pasimple niyang tiningnan ang kinaroroonan nila Regan bago lumakad papunta sa kanan upang madadaanan niya ang lugar kung saan ang mga 'to nakaparada. They're on the other side of the road and she's a hundred percent sure that the man Regan is with turned his gaze to her direction.

REGAN ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon