IT'S been thirty eight days since Rocket was imprisoned in Regan's house. After being released from the hospital a week ago, the cast in her leg was already removed and she can now walk again a little. Sa isang buwan na 'yun ay magkabilang hita niya na ang binali ni Regan dahil sa galit nito at pakiramdam ni Rocket ay makakaya na niyang makatanggap ng mas masakit pang parusa na mula dito. Her body feels numb with all the pain that he gave and if ever Regan will hurt her again, Rocket doesn't want to struggle from it anymore.
Aminado naman siyang nakakapagod na kalaban si Regan dahil tila wala itong kapaguran sa pagpapahirap sa kanya. She doesn't understand his attitude too as he was constantly changing every day and Rocket couldn't follow his temper as days went by. Nitong mga nakaraang araw ay madalas din itong wala sa bahay at tanging si Evo ang palagi niyang kasama. Wala din naman pakialam ang lalaki sa kanya kaya naman malaya niyang nagagawa ang gusto niya maliban na lang sa paglabas ng mansyon.
Ang daming pumapasok sa isip ni Rocket habang nananatili siya dito. Kahit naman na kinalimutan na ng kanyang superior ang hustisya na nararapat ay susubukan pa din niyang patayin si Regan kahit na ibuwis niya pa ang buhay niya. Of course she wouldn't just try and kill him persistently like how he told her to do before. She needs a plan. She needs to keep her mind working and be alert. Kailangan niyang malaman ang kahinaan ng lalaki at gamitin ito laban dito. She knows that it would be impossible to find that weakness because Regan is a murderer and there is no remorse in him at all.
Pero lahat ng tao ay may kahinaan at 'yun ang gusto niyang malaman.
Matapos ang tanghalian ay nagpalipas naman ng oras si Rocket sa pamamagitan ng pagiikot sa buong bahay. The mansion was big and she hadn't still looked around it because Regan was always present to annoy her.
Nang makaakyat si Rocket sa second floor ay isa-isa niyang pinasok ang mga kuwarto ngunit wala naman ditong kakaiba. Sa pinakadulong kuwarto ay alam niyang doon natutulog si Regan kaya naman dali-dali siyang lumapit doon at binuksan. She immediately inhaled the manly, seductive scent coming from inside and it smelled so good. Nilibot niya ang paningin sa kuwarto at malinis ang loob no‟n. The black silk sheets are neatly tucked in the mattress, the floor is sparkling clean and the room was different from what she imagined. The interior was very manly with the combination of black furniture and walls painted in gray.
Dumiretso si Rocket sa banyo at agad niyang napansin ang basag na salamin doon na may bahid ng tuyong dugo. It was shattered before and still has not been fixed. Malinis din naman ang loob ng banyo at sa ibabaw ng marble sink ay nakalagay ang iba't-ibang produkto na panglalaki. The walk-in closet was huge and there are no different colors in the clothes aside from black and gray.
Muling lumabas si Rocket at naupo sa malambot na kama. Regan is still a mystery to her.
He is good at everything. He fights well, he's not scared to die and his emotions are only restricted to being cold and arrogant. There are times that Regan was being nice to her but Rocket wouldn't even categorize that attitude being nice. She wonders how he managed to build a huge criminal organization that's large enough to be called powerful. Other than what he shows her lately and that night when he suddenly went mad, there is no difference with him at all.
Wala naman din nakita si Rocket sa kuwarto ni Regan kaya napagpasyahan niyang lumabas ng kuwarto at muling bumaba. Nandoon pa din si Evo na nanonood ng TV sa salas habang kumakain ng kung ano. Hindi naman din siya tumigil sa pagiikot sa bahay hanggang sa mapunta siya sa pinalikod nito. She looked around and there was nothing in the hallway aside from the door on the left side.
Napalingon muna siya sa kanyang likod bago pinihit ang pinto at pumasok doon. Napa- ubo siya sa alikabok na sumalubong sa kanya at mga sapot ng gagamba na nasa paligid. Hinawi naman niya ang mga 'yun bago binuksan ang ilaw. Agad niyang napansin ang malaking portrait ng isang binata sa taong 1994. Kunot ang noong pinakatitigan niya ang painting at hindi naman ito kamukha ni Regan.