Dear, Rocket
If you're reading this, I'm probably gone now. I know you successfully became stronger and I know you have a lot of questions in your mind as you read this. I want to tell you that I'm sorry for leaving you so early, for leaving you all the burdens that I made and for hurting you because I'm too weak to protect my own family. I'm sorry if I couldn't give you the things that I promised and I'm sorry if after I left, you have to face the consequences of my sins. I'm sorry if I kept everything a secret from you and your mother. Masyado ka pang bata noong mga panahon na 'yun at alam kong hindi mo din maiintindihan ang mga bagay kahit na sabihin ko sa'yo ang lahat. We have different beliefs, and I don't know what you're going to feel once you've read everything that I will tell you in this letter but please Rocket, you have to understand the things because you're the only one who can save those who are chained away from freedom and truth.
ROCKET breathed the fresh air of Germany as she watches the sunrise from the balcony of her room. Hanggang ngayon ay ramdam pa din niya ang takot na baka mahanap sila ni Regan sa bansang ito. Kahit kasi anong gawin niya ay hindi pa din mawala-wala sa kanyang isipan ang mga pagbabantang sinabi ng lalaki sa kanya noong nasa puder pa siya nito. Those threats became a nightmare to her that always haunts her every time she sleeps. She became paranoid of her surroundings and of the people around her.
Napabaling naman ang tingin ni Rocket sa may garden nang mapansin ang lalaking si Seamus habang nagwo-workout ito. He's not wearing a top, that's why she can clearly see the tattoos covering his entire body and his toned muscles. Mukhang naramdaman naman nito ang mga titig niya kaya lumingon ito sa kinaroroonan niya. Ngumiti ang lalaki sa kanya pero agad siyang pumasok sa loob ng silid dahil pakiramdam niya ay masama itong gagawin kapag naging malapit siya dito.
Clearly, Rocket's trust went down to zero because of the things that happened to her before until recently. She was never this doubtful to anyone before, that's why she's easy to be deceived. Mula nang pahirapan siya ni Regan at mula ng pagbantaan siya nito na papatayin ang kanyang mga anak ay tila lahat ng taong nakapaligid sa kanya ay may gagawing hindi maganda sa kanila.
Nang mag-umagahan ay inanyayahan siya nila Ramones na sumalo sa hapag kainan. Tatanggi pa sana siya pero dahil sa pamimilit ni Glaiza sa kanya ay napapayag din siya nito sa huli. Sa mahabang lamesa ay nakaupo sa dulo si Ramones at nasa kanan naman siyang upuan. Katabi niya si Rebel bago si Glaiza at sa harapan niya ay doon nakaupo si Seamus na kanina pa siya sinusulyapan.
"What are you staring at?" naiinis niyang tanong dito. "Nothing." Sagot ng lalaki bago umiwas ng tingin.
"Rocket," pagtawag ni Ramones ng pansin niya. Nilingon naman niya ito at diretsong tumitig sa mata nito. "I was thinking if you want to train with Seamus?"
"Train with what?"
"You have to strengthen your physical endurance, learn everything about martial arts, gun firing and many more. Also, you need to learn the regulations of organizations and how they do their jobs as a mafia. But anyways, Seamus will teach you everything you have to learn. I'm too old for that." Saad nito na sinundan ng mahinang pagtawa.
"I don't trust him." Diretso niyang sagot. "I know I still have a lot of things to learn but I don't like to be around with the people I don't trust."
"Rocket, can we talk later?" singit ni Glaiza na kinatango niya na lang.
Pagtapos nilang kumain ay dinala siya ng kanyang kaibigan sa pool area at doon sila naupo dalawa. Si Rebel naman ay hinayaan niyang lumangoy at maglaro nang mag-isa. Mabuti na lamang ay hindi ito nagtatanong tungkol sa kambal nito dahil baka maiyak na naman siya kapag pinagusapan nila si Rogue.
![](https://img.wattpad.com/cover/321277794-288-k468737.jpg)