Chapter Eleven

1.2K 29 8
                                        




TAHIMIK lang si Rocket habang ginagamot ni Cain ang mga pasa sa mukha niya. Matapos siya nitong dalhin sa isang kuwarto at takluban ng kumot ay walang imik siya nitong ginamot. Hindi niya alam kung bakit siya nito tinulungan. Wala din naman siyang maramdaman na kahit anong kabaitan sa lalaki pero heto't nagsasayang ito ng oras sa kanya.

Rocket could feel her whole body aching. Her womanhood aches like it was being poked by a sharp knife while her other hole was painful enough that makes it hard to walk. Napapaigik siya sa tuwing dumidiin ang paggamot ni Cain sa mga sugat niya kaya naman tinitigan niya ang lalaki na walang emosyon sa mukha.

"Why did you help me?" tanong niya na hindi nito inimik.

Ilang saglit pa ay niligpit na nito ang first aid na ginamit saka ito lumapit sa isang cabinet at may kinuha doon. Pagbalik nito ay inabutan siya ni Cain ng isang t-shirt at jogging pants saka siya nito pinakatitigan.

"There's a towel in the bathroom, you can take a bath if you want. I'll leave the first aid kit and clean your wound every two hours." Saad nito at saglit na natahimik. "It would be better if you'll just obey everything he says. You wouldn't be in this situation again if you listen to him." Dagdag pa nito bago tumango at iniwan siya.

Nang makalabas si Cain ay napatayo si Rocket sa kinauupuan saka sumilip sa bintana ng kuwartong kinaroroonan. Madilim na ang langit at wala siyang ni isang nakitang bahay o ilaw man lang sa paligid. She wonders where she is. She remembered that Regan mentioned that this is his home and he had a lot of memories in this place. Gusto niyang makaalis sa lugar na 'to pero nang makita niya ang ibaba ng bahay ay madaming armadong lalaki ang nakatambay doon.

Rocket sighed before she walked towards the bathroom and took a bath. Napagmasdan niya ang sarili sa salamin at puno ng pasa ang buong katawan niya. Her face was tainted with black and blue bruises and she has cuts all over it. Masakit ang katawan niya at gano'n din ang pagkababae niya dahil sa ilang beses na pananamantala sa kanya ni Regan.

Tila doon lang niya napagtanto ang kanyang sitwasyon. Her tears welled up in her eyes and she slowly sat on the bathroom floor as she hugs herself. Napasigaw si Rocket habang madiin na pinupunas ang bath sponge sa kanyang balat. Nandidiri siya sa ginawa sa kanya ni Regan. Nandidiri siya sa sarili dahil wala siyang nagawa kung 'di ang magpasamantala sa lalaking 'yun. If she only had the strength to get away, she already did it but Rocket admits that Regan was strong and she couldn't do anything to fight back.

Sabi niya sa sarili niya bago pa man niya pasukin ang whore house ay handa siya sa kahit anong mangyari. Handa siyang ibigay pati ang kanyang buhay para lang mapabagsak ang La Cosa Nostra at mapatay ang lalaking kumitil sa buhay ng magulang niya. It was really easy to say those words but now that she's here at this point, she couldn't help but to give up.

Oo nga't ayaw niyang tanggapin ang pagkatalo pero paano? Paano siya mananalo kung nagiisa lang siya at ni hindi man lang niya masaktan ang lalaking kinamumuhian? Wala na siyang ni isang kakampi sa mundong ginagalawan niya. Ang nagiisang taong inakala niyang magliligtas sa kanya ay tinraydor pa siya. Rocket cried until there are no tears coming out from her eyes anymore.

Pagtapos niyang maligo ay lumabas siya ng banyo at sinuot ang damit na binigay ni Cain sa kanya kanina. Pagod na pagod siyang nahiga sa kama at hindi niya namalayan na nakatulog na siya.

Kinabukasan ay pakiramdam ni Rocket ay paulit-ulit na sinusuntok ang katawan niya dahil sa sakit. She couldn't get up off the bed as her body was all sore and her face was aching like hell. Dinilat niya ang kanyang mata at nasilaw sa liwanag na tumatama sa mukha niya.

Naalala niya ang nangyari kagabi at napaisip siya kung anong mangyayari sa kanya sa araw na 'to. Cain told her to just obey Regan but that's the last thing she'd do for him.

REGAN ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon