Chapter Forty Eight

784 24 5
                                    


HINDI sigurado ni Rocket kung dapat ba niyang paniwalaan si Regan tungkol sa pagtatanong nito kung nais ba niyang ipasok sa eskwelahan ang kambal. Alam niyang may hihilingin iyong kapalit balang araw at kahit naman sinabi nitong wala ay paniguradong hindi 'yun totoo. Sa limang taon niyang pakikisama sa lalaki ay masasabi niyang kabisado na niya ang takbo ng utak nito. All the things he gives had a condition and she's pretty sure that accepting his offer is a ticket to one of his schemes.

Ayaw niya na muling magpaikot-ikot sa palad ni Regan at kung pakikipaglaro lang ang gusto nitong gawin ay hindi siya uurong. Malaki na ang kambal ngayon at alam niyang puwede na siya muling magplano upang makatakas sila. She's been waiting for almost six years for a chance to escape and Rocket knows that this will be the best time for that. Regan was trying to get close with her and the twins and if she could take that for granted, perhaps they could leave this hell.

Alam niya kung gaano katalino si Regan at hindi niya ito malulusutan pero wala sila sa Pilipinas ngayon. Kung sakali man na umubra ang plano na naiisip niya ay hindi siya nito mahahanap sa bansang kinaroroonan nila. Malaki ang bansang United Kingdom at kung makakahingi siya ng tulong sa gobyerno ng bansang ito ay paniguradong makakalaya na sila ng mga anak niya.

Kasalukuyang nasa salas sila Rogue at Rebel kasama si Regan at naglalaro ang mga ito ng Xbox na binili ng lalaki para sa mga anak niya. Her kids are holding the controller while Regan is behind them while teaching her sons how to play Minecraft. They could've been a perfect family if Regan had a normal life like other people. Siguro kung nakilala niya ang lalaki sa ibang oras o panahon, panigurado ay isa din siya sa mga babaeng naghahabol dito. But no, Rocket knows to be realistic and there is no such perfect man like those fictional characters. Regan is the best person to describe that not all men are same. Dahil kahit gaano pa ito ka-guwapo, meron pa din itong tinatagong baho.

Rocket sighed before carrying the tray with orange juice and cookies to the living room. Nilapag niya ito sa center table bago lumuhod sa carpeted na sahig at nilingon ang kanyang mga anak na masayang naglalaro. Ngayon lang niya nakita na ganito kasaya ang mga anak niya at hindi niya maiwasan na makaramdam ng awa sa mga 'to. They've been locked inside a house every time they move to another country and seeing their happy faces like this made her desire for freedom even more.

"Mama!" si Rebel ang unang nakapansin sa kanya at agad naman itong tumakbo palapit. "Mama, Rogue and I plays with mister!"

"I can see that, baby." She answered. "But you should eat your snacks first before playing again. Rogue, come here and get your cookie."

"Okay, Mama."

Napangiti si Rocket nang lumapit ang kambal at kumuha ng pagkain nila. They sat in the sofa as they munch their cookie and she felt a hand touched her waist. Hindi agad siya nakaiwas nang halikan ni Regan ang kanyang leeg na naghatid ng libong kilabot sa buong katawan niya. Agad naman siyang nakabawi at mabilis na nilayuan si Regan. She glared at him and she could see the lust in the way he stared at her.

"Puwede bang tigilan mo ko?" malamig na aniya sa lalaki at tumayo para tabihan ang kanyang mga anak sa sofa. Bago pa man makasagot si Regan ay dumating sina Uriel at Wolf at may bitbit itong mga paper bag ng isang sikat na fast food.

"Here are your snacks, boss and little bosses." Uriel said and placed the bags in the center table. "French fries, burgers, sundaes and softdrinks."

"I like French fries!" saad ni Rebel bago inabot sa kanya ang hawak na cookies saka

tumakbo palapit kay Regan. Gano'n din ang ginawa ni Rogue at tinabihan ang kambal bago nila binuklat ang mga paper bag.

Regan helped them and handed them both a drink. Binuksan nito ang isang sundae bago sinawsaw ang French fries saka 'yun iminuwang sa bibig ni Rogue. "Say ahh..."

REGAN ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon