Chapter Thirty Nine

760 15 3
                                    


IT'S been days since Rocket gave birth to a fraternal twin. She noticed that Rogue got her brown eyes while Rebel took on Regan's green eyes and he looked a lot like his father. Hindi naman din madalas umiyak ang kanyang mga anak ngunit kapag nagugutom ang mga ito ay palaging sabay ang pagpalahaw ng kambal at nagpapanic naman siya tuwing nangyayari 'yun. Binilihan din siya ni Evo ng mga kailangan niya para sa mga bata at kulang ang pasasalamat dahil sa ginawa sa kanya ng lalaki.

Akala niya noong kinuha nina Uriel at Wolf ang kambal ay hindi niya na muling makikita ang mga anak pero ibinalik din naman ng mga 'to ang dalawa. Hindi niya alam kung anong ginawa ng mga lalaki pero mula no'n ay nahihirapan na siyang matulog dahil sa takot na kapag nagising siya ay wala na si Rogue at Rebel. Call it being paranoid but she couldn't help but to worry about her children's safety. Gusto niya sanang mapatingin sa doctor ang kanyang mga anak pero alam naman niyang impossible 'yun mangyari. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa din siya pinapalabas ni Regan ng kuwarto.

"Hi," she greeted when Rebel woke up from his little nap. Rocket smiled and carried him in her arms as she stared at his handsome face. Rebel's cheeks are always getting rosy whenever he cries or yawns. He has a pointed little nose, his eyes are sharp and Rocket could really see Regan whenever she looks at him.

Napahinga naman siya nang malalim bago pinasuso si Rebel sa kanya. Ngayon pa lang ay natatakot na siya sa kung anong magiging buhay ng kanyang mga anak habang nasa puder sila ni Regan. She needs to escape but her children are still babies and she's not yet in a perfect shape to run away. Rocket wants to give a little more time for her to gain strength and she still needs to plan her way out of this place.

Bumukas ang pinto at nakita niyang pumasok si Evo. Agad naman itong ngumiti bago nilapag ang isang paper bag sa side table at lumapit sa kanya. He was always with her since the day she delivered the twins and Rocket couldn't thank him enough for helping her with the babies. Evo was always protecting them from Wolf and Uriel and he was more suited to be the twin's father more than Regan. Hindi alam ni Rocket kung tunay ba ang pinapakita ng lalaki sa kanya dahil ayaw niya na muling magtiwala. Kung ano man ang intensyon ni Evo ay handa siyang kalabanin ito.

"How's the little one?" he asked and caressed Rebel's head. "Natutulog ba siya?"

"Kakagising lang niya." Tugon niya bago inayos ang sarili at inabot kay Evo si Rebel. "Bakit ka pala nandito?"

"Wala kasi sila boss kaya dito muna ako tatambay saka para matulungan na din kita."

"I still don't understand why you're helping me so much, Evo." She answered while fixing the blanket on Rogue. "To be honest, I don't trust anyone anymore but I'm really thankful that you're here to help me."

"I'm not asking you to trust me, Rocky, I understand that. Pero hindi ako gagawa ng kahit anong bagay na ikakasakit ng mga bata. Oo, ilang tao na ang pinatay ko, but every time that I was tasked to kill a child, I couldn't do it. Palagi kong pinapasa ang trabahong gano'n sa iba dahil hindi ko kaya." Sagot nito bago tumitig kay Rebel. "Once is enough."

"You can open up to me if you want." Rocket said and she saw the hesitation in Evo's eyes as he stared back at her. "Pero ayos lang din kung gusto mong harapin ang problema mo nang mag-isa dahil ayaw ko din naman manghimasok." dagdag niya bago ito binigyan ng tipid na ngiti. "Wala na kong ibang nakausap nang matino sa lugar na 'to kung 'di ikaw. Cain was a nice man too but I wonder why he's not around."

"Regan cut his connection with Cain that's why he's not here with us. I mean, if he's still here, this wouldn't happen in the first place. Alam mo kasi Rocket, nagpatong-patong na ang problema ni Regan. Mula noong nasa Pinas tayo ay ang daming problemang pumasok sa mafia tapos ay 'yung kay Cain pa. Then you told him that you're pregnant that's why everything became fucked up."

REGAN ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon