ROCKET was not losing her will to survive but she knows that it is difficult to even live for a day because everyone is making her life a living hell. Four months after they arrived in Germany and since then, she hadn't seen Regan. Hindi niya alam kung nasaan ang lalaki pero wala siyang pakialam. Tanging si Uriel, Wolf at Evo lang ang kanyang kasama sa loob ng tatlong buwan na 'yun at sobrang hirap ang dinanas niya lalo na tuwing binabantayan siya ni Uriel.
He would sometimes make fun of her and try picking up a fight with her. He would hurt her and the worst he did was to cut her hair so short. Halos kalbuhin siya ni Uriel at wala siyang nagawa doon dahil nagaalala siya para sa kalagayan ng kanyang anak. Ayaw niyang mapasubo sa isang pisikalan dahil alam niyang puwede itong makaapekto sa bata. Wala din siya ni isang vitamins na iniinom para sa sanggol at ni minsan ay hindi siya dinala sa ospital para mapatignan. Naubos na din ang pampakapit na binigay sa kanya ni Mico at alam niyang kahit makiusap siya sa mga ito na ibigay ang pangangailangan niya ay hindi nila ito gagawin.
The men will only feed her enough food three times a day and every time she asks for more food, they will just ignore her and let her starve. They are also locking her in the bedroom and she hadn't still stepped outside since day one. Halata na din ang apat na buwan niyang tiyan at minsan ay nararamdaman niyang gumagalaw ang kanyang anak. Hindi niya alam kung anong kasarian nito pero minsan ay nagiisip siya ng pangalan.
Nais niyang ipangalan ang Rogue kung lalaki at Rae naman kung babae. Hindi napigilan ni Rocket ang pagngiti habang iniisip ang magiging hitsura ng kanyang magiging anak. Ayaw niyang maging kamukha ito ni Regan at dinadalangin niya na wala ni isang ugali ng lalaki ang makuha ng bata. But of course, she'll do her best to discipline the child if she ever sees a negative attitude from him or her.
Agad naman siyang napatayo nang bumukas ang pinto at pumasok doon si Evo. Naglapag ito ng tray ng pagkain sa kanyang lamesa bago ito tumingin sa kanya. Nakakapagtaka na hindi na siya kinakausap ng lalaki kahit na minsan ay nararamdaman niyang may gusto itong sabihin sa kanya. Napahinga na lang nang malalim si Evo bago ito lumabas ng kuwarto.
Nilapitan naman ni Rocket ang pagkain at agad 'yun kinain dahil kanina pa siya nagugutom. Meron itong rice, rib steak, steamed vegetables, apple at gatas. Tuwing si Evo ang naghahatid ng pagkain sa kanya ay madami 'yun at sapat na para mabusog siya.
After eating, Rocket laid in the bed to get some rest. Iyon lang ang palagi niyang ginagawa sa maghapon. Kumain, matulog, paminsan ay nakatingin siya sa labas ng bintana at pinapanood ang mga sasakyan na dumadaan dahil tanaw ang highway mula sa kinaroroonan niya. Paminsan naman ay nage-exercise din siya. Rocket wants to see a doctor to have her child checked. She wants to get some vitamins and pregnancy milk but the men she's with wouldn't even allow her to step out of the room.
Nang magising kinagabihan ay bumukas ang pintuan at pumasok si Wolf dala ang tray ng pagkain. Rocket stood up and walked towards him and the man just stared at her.
"Why can't you let me go outside?"
"Boss ordered it."
"Where is he?" saad niya at akmang lalabas nang pigilan siya ni Wolf. "Let me go! I am not going to let you imprison me in this fucking room! I need to see a doctor, you asshole! Regan! Palabasin niyo ako dito, mga hayop kayo!"
"Shut up!" Wolf shouted and pushed her hard. Napahawak naman si Rocket sa kanyang tiyan nang bahagya itong kumirot. "Boss is not around, all right? He's been in Sicily after he sent you to this country and he's not going back until next year."
"I told you that you're stuck in this place, Rocket." singit ni Uriel na nakangisi sa kanya. Hindi naman siya umimik at sinamaan ng tingin ang mga lalaki. Napahinga na lang nang malalim si Wolf bago ito lumabas ng kanyang silid at nangaasar na kumindat si Uriel sa kanya bago siya nilisan.
