°°°
Sa kabilang banda, patuloy parin sa paglalabanan ang dalawang Solter ng dalawang Successor ng Diyos. Hindi sila natigil sa pagbabatuhan ng atake at kapangyarihan. Hindi malaman kung sino sa kanila ang maaaring manalo dahil sa dikit na dikit ang kanilang laban.
Masyadong malalakas ang kanilang mga atake at kapangyarihan na nagdulot ng pagkulog at pagyanig ng kalupaan. Nagsanhi ito para mabulahaw ang ibang mga nilalang sa Gift Dimension.
Marami ang nagpunta sa pinangyayarihan ng kaguluhan at sa inaakala nilang may nangyayaring digmaan ay nagulat sila nang makitang dalawang nilalang lang ang naglalaban.
May mga nababahala at namamangha sa nagaganap na labanan sa pagitan ng dalawa. Marami ang naghahangad na maging kasing lakas ng dalawa dahil kitang kita nila kung paano ang mga ito umatake at magbitaw ng kapangyarihan.
Sa isang atake ay naghiwalay ang dalawa. Napangisi si Guffer matapos niyang makabawi habang si Ferry ay seryoso lang. Namamangha siya sa kaibigang Solter dahil totoo ang sinabi nitong umunlad na ito sa pakikipaglaban at paggamit ng kapangyarihan.
Nasasabayan na siya nito at nagagawa pang mapuruhan siya kaya hindi niya maiwasang maging masaya sa kaibigan.
"Umunlad ka ngang talaga pero hindi parin sapat iyon para matalo mo ako." Umayos ng tayo si Ferry at inayos ang buhok nito na natatangay ng hangin.
Kapwa sila hinihingal dahil sa paglalaban nila. Parehas silang bigay todo sa mga atake nila kaya nakakaramdam sila ng pagod. Hindi rin makikitaan ng galos ang dalawa dahil sa lakas ng kapangyarihan nila at sa kakaibang lahi nila ay natural na sa kanila ang paggaling ng mga sugat at bali sa katawan nila.
"Hindi mo sure." Pang aasar ni Guffer na ikinatawa ni Ferry.
"Natuto ka na sa paraan ng pananalita nila ha." Sabi ni Ferry na pinagmalaki naman ni Guffer.
"Syempre, matagal nang alam ng master ko ang totoong katauhan niya." Sagot ng Goblin na sinimangutan ng fairy dahil natukoy niya ang gusto nitong ipabatid.
Pumorma ng pagsugod ang dalawa at sa huling sandali ay napatigil si Guffer sa pagsugod habang si Ferry ay naglaho na pasugod sa kaniya.
Napakunot ang noo ni Guffer dahil narinig niya ang boses ng kaniyang Master. Ito ang kauna-unahang beses na tinawag siya nito upang humingi ng tulong, noon ay madalas itong nanonood lang sa laban ng kaniyang Master dahil alam niyang malakas na ito at hindi na kailangan ng kaniyang tulong.
Biglang lumitaw sa harapan niya si Ferry na handa na siyang hampasin ng hawak nitong espada. Napansin din ni Ferry ang hindi pagkilos ni Guffer pero huli na ito dahil sa pwersang ibinigay niya sa atake niya.
Napabuntong hininga si Guffer saka itinaas ang kamay niya para gumawa ng barrier na sobrang tibay at doon tumama ang atake ni Ferry. Lumikha ng malakas na pagsabog ang atakeng iyon at shock wave dahilan para mapa-atras ang ibang mga nilalang na naroon at ang iba ay tumalsik pa.
"Bakit ka tumigil!?" Galit na tanong ni Ferry dahil kinabahan siya rito.
"Si Master, kailangan niya ng tulong ko." Sagot lang ni Guffer na hindi pinakinggan ang galit na tanong ng kaibigan.
"Ano? Bakit daw?" Tanong ni Ferry at nakaramdam ito ng kaba dahil alam niyang magkasama ito at ang kaniyang Master.
"Hindi ko rin alam, teka kailangan kong pumunta." Sabi ni Guffer at nagbalik ang kasuotan nito sa casual attire niya.
"Sasama ako, hindi ko maramdaman ang connection ko sa Master ko." Kinakabahang saad ni Ferry at nagbalik din ito sa kaniyang casual attire na ikinakunot ng noo ni Guffer.
BINABASA MO ANG
The Chosen [BxB]
Teen FictionThis story will tell the story between two rival school. A war between the 2 school President will they keep their pride when they fall in love with each other or will they accept the mystery will they found with their schools? The secret of their...