Chapter 38: First Kiss

23 2 0
                                    

°°°

Nicolai's PoV

Napatanga ako nang makalagpas kami sa portal na ginawa niya. Medyo nahilo pa nga ako dahil iba yung portal na ikaw mismo yung gumawa at hindi ang mga device, may parang glitch kasing naramdaman.

At ang dahilan bakit ako napatanga ay dahil hindi kami sa school nila Calyx lumabas. Nasanay akong sa likod ng Washington High kami nalabas kapag pupunta kami rito sa mundo namin, naalala kong hindi nga pala iisang portal ang ginamit namin.

Sobrang lawak dito at patag na patag. Saka may nakita rin akong kakaibang barrier na malawak na nakapalibot sa lugar.


"Sinong may gawa nitong barrier?" Tanong ko kay Calyx kaya napatigil siya sa pagpunta sa isang malaking puno ng Acacia.

"You can see the barrier??" Tanong niya kaya napatango ako, "Wow, I can't even see it. Friend ni Mommy ang gumawa niyan since that's her Gift, making barrier." Sagot niya sa tanong ko kaya napatango ako.

"Dito na ba tayo magsasanay?" Tanong ko sa kaniya, ngumiti at tumango naman siya.

"Yes, this is our private property para sa katulad natin. Dito kami madalas magsanay nila Jacq." Sagot niya at nagpunta sa punong Acacia at nagulat pa ako dahil paghawak niya rito ay nagbukas ang katawan nito.

Agad naman akong napalapit dahil namangha ako sa nangyari sa puno. Ipinaliwanag naman niya sa akin ang punong ito. Ginawa raw ito nung school mate nilang ang Gift ay plants and Trees.

Nakakamangha nga dahil nakakaisip sila ng ganito. Siguro kapag na-master ko na yung kapangyarihan ko ay baka mag-experiment din ako ng mga bagay.


"I'll just put some of my things here before we start." Sabi niya kaya napatango ako, mukha rin kasing cabinet yung puno.

Nakita ko nga rin na may ibang nakalagay roon. May pagkain din at ibang mga sandata pa. Namangha nga rin ako dahil yung mga gamit daw na tinutukoy ni Calyx ay lumalabas lang sa kamay niya, something na ginagawa ko rin.



"Okay, let's start. Are you able to control your power?" Tanong niya matapos niya mailagay mga gamit niya sa loob.

"Medyo? Pero yung ulap at kidlat palang." Sagot ko sa kaniya, "Saka pala yung hangin, medyo nagagamit ko na siya." Dugtong ko pa sa kaniya.

Tumango siya, "Let's start by you trying to control your power." Saad niya kaya napatango na rin ako.

Humanap siya ng pwesto at pinaupo niya ako roon. Indian sit ang sinabi niya para mas maging kalmado raw ang katawan ko at maging komportable. Sinunod ko naman agad ito.

"Okay, start by building connection with your Gift." Sabi niya na agad ko namang ginawa.

Pinikit ko ang mata ko at sinubukang hanapin ang Gift ko. Napatigil pa ako dahil ang pagkakaalam ko ay ang Gift daw namin ay nasa pusod ng aming diwa, pero ang akin at hindi dahil sa buong diwa ko nararamdaman ang Gift ko.

Napahinga ako ng malalim bago simulang bumuo ng connection sa aking Gift. Nararamdaman ko namang may kaunting connection na kami pero sobrang fragile nito na parang konting mamali lang ako ay mapuputol ito.

Nang masimulan ko nang bumuo ay nagulat ako ng biglang naging aggressive ang Gift ko. Para ako nitong hinihigop kaya ang ulirat ko ay nagpupumiglas dahil para akong sinasakal nito.

Hanggang sa isang iglap ay napamulat ako sa isang madilim na lugar. Walang katapusang kadiliman. Napatayo ako sa kinaroroonan ko dahil sa kinabahan ako, hindi ko alam kung anong nangyayari bakit ako naririto? Kanina lang ay nasa private property lang ako nila Calyx.

The Chosen [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon