Kabanata 04

53 2 0
                                    

KINABUKASAN ay tinanghali nang gising si Aira. Pagkabangon niya ay agad siyang nagtungo sa banyo para mag-ayos ng sarili. Pagkatapos niyang mag ayos ay agad na siyang bumaba at nagtungo sa kusina kung saan naroon si Manang Mila.

"Magandang umaga po Manang. Si Brian po gising na ba?"

"Naku magandang umaga din hija. Oo maagang gumigising si sir Brian dahil maaga itong pumapasok sa opisina." sagot  ng matanda.

"Ganoon po ba, pasensiya na po tinanghali na ako ng gising. Ano po ba ang maitutulong ko Manang?" magalang na tanong ni Aira sa katiwala.

"Naku hija, huwag ka na mag-abala. Umupo ka na lng diyan at ipaghahanda kita ng almusal. Kabilin-bilinan ng asawa mo na huwag kang papagurin." nakangiting turan ni Manang Mila.

"Nakakahiya naman po Manang kung wala akong ginagawa."

"Ay sus, itong batang ito talaga. Hala sige ayan kumain ka na ng agahan mo at pagkatapos mo kumain ay pwede kang mamasyal dito sa paligid ng mansyon."

"Sige po Manang, salamat po."

"Walang anuman hija, masaya ako para sa inyong dalawa ni Brian kahit nakakabigla ang mga pangyayari ay parang kailan lang umalis siya dito sa bahay para magpunta ng Davao na binata, pagbalik may asawa na." natatawang wika ng matanda.

Namula ang mukha ni Aira sa pagkapahiya dahil sa sinabi ng matanda. Hindi na lamang siya kumibo at agad na tinapos ang kanyang pagkain para makapamasyal sa paligid ng bahay.

Nang malibot na ni Aira ang buong paligid ay nagpasya na siyang bumalik sa loob ng bahay para sana magpahinga ngunit laking gulat niya ng makitang may hindi inaasahang bisita pala siyang naghihintay.

"Wow! Kumusta ang buhay reyna?" patuyang tanong ni Trina.

"Anong ginagawa mo dito?" diretsong tanong ni Aira sa kaharap.

"Ganyan ka ba pag tumanggap ng bisita ha? Hmmp palibhasa probinsyana ka, hampaslupa! Nagpupumilit mapabilang sa mga mayayaman kaya inakit mo si Brian para pakasalan ka!"

Sobrang nainsulto si Aira sa mga sinabi ni Trina kaya hindi na niya napigilan ang kanyang sariling lapitan ito.

"Pak! pak!" mag-asawang sampal ang binigay ni Aira kay Trina na ikinagulat naman ng huli dahil hindi niya inaasahan ang gagawin ng dalaga.

"You bitch!" akmang gaganti ng sampal si Trina kay Aira ngunit maagap na nasalo ng huli ang palad nito sabay tulak sa babaeng kaharap.

"Oo, hampaslupa ako, probinsyana!
May problima ka ba doon, ha? Baka nakalimutan mong nasa loob ka ng pamamahay ko Trina kaya wala kang karapatang insultuhin ako! At iyong sampal? Kulang pa iyang kabayaran sa pang-iinsultong ginawa mo sa akin!"

"Magbabayad ka Aira! Magbabayad ka ng mahal! At baka akala mo makukuha mong muli c Jhon sa akin! Wake up bitch dahil ako ang mas pinili niya kaysa sa'yo!"

"Hahahahaha! Sinong baliw ang nagsabi na babawiin ko si Jhon sa'yo  Trina? Hindi pa sira ang utak ko para balikan ang taong nanloko sa akin kaya isaksak mo siya diyan sa baga mo!" galit na turan ni Aira dahil hindi na talaga niya mapipigilan ang galit sa kaharap.

"Hindi pa tayo tapos Aira! Magbabayad ka!" banta ni Trina.

"Sa tingin mo Trina natatakot ako?
Lumayas ka na sa pamamahay ko kung ayaw mong ipakaladkad kita sa guwardya palabas!" ganting sigaw ni Aira.

Dahil sa takot na baka totohanin ni Aira na ipakaladkad siya sa guwardiya ay dali-daling umalis ng bahay si Trina na nag-iwan ng masamang tingin kay Aira.

Pagkaalis ni Trina ay nanghihinang napaupo si Aira sa upuan na andoon sa sala. Hindi niya napigilan ang pag-iyak dahil sa galit na kanyang naramdaman. Dahan-dahan naman siyang nilapitan ni Manang Mila para aluin.

AIRA KASSANDRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon