Kabanata 28

26 2 0
                                    

KINABUKASAN ay maagang dumating ang magiging private nurse ni Aira. Pagkapasok pa lang sa mansyon ay namangha agad ito sa laki at ganda ng loob ng bahay. Maganda ito at sexy na para bang isang modelo ng mga underwear.

Palabas ng kusina ang Mama ni Brian ng may napansin siyang babae na nakatayo malapit sa mga picture frames ng pamilya kaya agad niya itong nilapitan.

"Ehemm!" tikhim ng ginang na siyang ikinagulat nito at muntik ng mahulog ang picture frame ni Brian. Agad naman itong ibinalik ng babae sa pinaglagyan.

"Oh hi, by the way tita I'm Elizabeth Daguno, the private nurse of Mr. Brian Terrona." buong kompiyansang pakilala nito at agad biniso-beso niya ang kaharap na agad ikinataas ng kilay ng Ginang.

"Oh, nagkakamali ka yata hija. Hindi ang anak ko ang aalagan mo kundi ang asawa ng anak ko, ang manugang  ko." pagtatama ng ginang dito.

"Oh I'm sorry. I thought your son." maarteng wika nito.

Hindi makapaniwala ang ginang na ganitong klaseng nurse ang pinadala ng ospital para mag-alaga sa kanyang manugang. Mukhang malandi at hindi mapagkakatiwalaan.

"No, it's okay hija."

"By the way tita, saan po ang magiging silid ko dito?"

Nagulat ang ginang sa tanong ng kaharap dahil imbes na ang aalagaan ang unang hanapin ay ang silid pa talaga nito ang unang tinanong.

"Sa taas ang magiging silid mo katabi ng silid ng anak ko at ng kanyang asawa." sagot ng ginang na iritang-irita na sa kaharap.

"Pwede na ba akong umakyat tita sa room ko? I feel so tired kasi sa biyahe eh. Mamaya ko na lang i-check ang aalagaan ko."

"Okay, sandali at pasasamahan kita sa katulong." agad tinalikuran ng ginang ang malanding nurse.

Pagkarating sa kusina ay agad tinawag ang isang katulong at inutusan na ihatid sa magiging silid nito ang bisita.

Naabutan ni Manang Mila ang kanyang amo na gigil na gigil na para bang may gustong sabunutan.

"Senyora ano po bang nangyari sa inyo at mukhang may pinanggigilan ka?"

"Nakuuu! Oo Manang may pinanggigigilan talaga ako! Sarap sabunutan!"

"Sino ba iyan ha?"

"Yung magiging private nurse ni Aira na mukhang malandi at hindi mapagkakatiwalaan!" gigil na sagot ng matanda at ikinuwento niya agad kay Manang Mila kung anong klaseng nurse ang mag-aalaga sa kanyang manugang.

"Naku dapat maging alerto tayo senyora kasi baka may ibang pakay ang babaeng iyan."

"Tama ka diyan Manang. Dapat nakatutok palagi ang ating mga mata sa kanya."

"Oo senyora."

"Siyanga pala senyora darating iyong pamangkin ko ngayon. Iyong nirekomenda ko para maging yaya ni baby Gab. Mabait iyon at maasahan."

"Mabuti kung ganoon Manang at nang mapapanatag tayo na mapagkakatiwalaan ang mag-aalaga sa aking apo."

"Hay salamat at nakapasok na din ako sa mundo mo Brian. Matagal na kitang pinagpapantasyahan mula sa malayo pero ngayon abot kamay na kita. Kahit may asawa ka na ay wala akong pakialam. Basta't maging masaya lamang ako." nakangiting wika ni Elizabeth sa sarili.

"Sweetheart."

"Hmmm?"

"I love you." buong pagmamahal na wika ni Brian sa asawa."

"I love you too mahal ko."

Hinalikan ni brian ang asawa at tinugon naman iyon ni Aira.

"Brai, baba na tayo nagugutom na kasi ako."

"Okay sweetheart." akmang bubuhatin ni Brian ang asawa.

"Oopps kaya ko na po mahal ko. Si baby Gab na lang ang buhatin mo okay."

"Okay, ikaw ang masusunod kamahalan."

Sabay lumabas ng silid ang mag-asawa at pinuntahan ang nursery room upang kunin ang kanilang anak. Inalalayan ni Brian ang asawa pababa ng hagdanan habang karga naman si Gab sa kabilang kamay nito.

Inis na inis namang nakasilip si Elizabeth sa pinto habang nakikita niyang sweet na sweet ang mag-asawa.

Nang makababa na ng tuluyan ang mag-asawa ay sinalubong kaagad sila ng ginang.

"Mabuti naman at nakababa na kayo. Dumulog na tayo sa mesa at ng makakain na. Akin na ang aking apo anak. Halika sa lola baby Gabriel."

Masayang kumakain ang mag-anak. Sinusubuan pa ni Brian si Aira ng pagkain na ikinakilig naman ng kanyang mga biyenan.

"Mahal tingnan mo ang mga anak natin parang tayo din noon."

"Oo nga mahal ko. Kaya pag may manggulo pa sa pagsasama ng mga anak natin ako na talaga ang makakalaban nila!" wika ng ginang at eksakto namang pumasok ang private nurse ni Aira.

"Elizabeth halika sumabay ka na sa amin kumain."

"Opo tita."

"By the way Aira hija, siya pala ang magiging private nurse mo na si Elizabeth. Kararating lang niya kanina."

"Ganoon po ba Mama."

"Kumusta Elizabeth?"

"I'm just fine, Ma'am." sagot ni Elizabeth habang malagkit ang titig nito kay Brian na hindi naman nakaligtas sa paningin ni Aira at ng kanyang biyenan.

"Ahhmm Mama, tungkol naman sa napag-usapan natin kanina kung may manggugulo ulit sa pagsasama namin ni Brian ay ako po ang makakalaban niya. Tutusukin ko talaga ang kanyang dalawang mata para hindi na siya makapang-akit pa ng taong may-asawa na." sabay tusok sa karne gamit ang tinidor at isinubo kay Brian.

"Waaah, ang tapang na ngayon ng asawa ko ah. Pero siyempre mahal hindi n mangyayari iyon dahil wala na akong iba pang mamahalin kundi ikaw lang sweetheart. At hindi mangyayari na papatol pa ako sa ibang babae dahil ikaw lang ay sapat na sa akin. Kayong dalawa ng anak natin ang pinakamamahal ko." wika ni Brian na sabay halik sa labi ng asawa.

Sobrang inis at selos ang naramdaman ni Elizabeth ng mga oras na iyon kaya hindi niya namalayan na napadiin na pala ang hawak niya sa kanyang kutsara at tinidor. Napansin naman ito ng ginang at lihim itong napangiti.

"Ahm hija, kumusta naman ang magiging kwarto mo maayos lang ba iyon?"

"Opo tita maayos naman po."

"Don't worry elizabeth. Hindi ka naman mahihirapan sa asawa ko kasi mabait naman ito at nandito naman ako palagi para alalayan siya."

"Tama si Brian Elizabeth and feel at home. Isa pa magaling naman talaga ako kaso makulit lang itong asawa ko."

"Salamat naman po Ma'am." pekeng ngiti ang binigay ni Elizabeth sa mga ito.

Maya-maya lang ay pumasok si Manang Mila na may kasama.

"Paumanhin po senyora. Nandito na po ang pamangkin ko na magiging yaya ni baby Gab."

"Ganoon ba. Ano pangalan mo hija?"

"Sally po senyora. Salome po ang tunay kong pangalan." nakangiting sagot ni Sally.

"Hmmp gusto kita. Mukhang masayahin kang tao. Siguradong magkakasundo kayo ng aking apo." wika ng ginang.

"Oo nga po Mama at mukhang mabait at mapagkakatiwalaan." sabat ni Aira.

"Maraming salamat po."

AIRA KASSANDRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon