TATLONG buwan na ang matuling lumipas ay bumalik na rin sa normal ang buhay nina Brian at Aira. Hindi mo makikitaan na dumaan sila sa isang matinding unos na kagagawan ng mga taong gahaman. Ngunit batid natin lahat na ang relasyon ay hindi nawawalan ng mga pagsubok.
Ilang gabi nang napapansin ni Aira na gabing-gabi na kung umuuwi ang asawa ngunit binabalewa niya lamang ito. Pero hindi sa pagkakataong ito.
Maaga pa lang ay gising na si Aira at hawak-hawak niya ang damit na hinubad ni Brian ng nagdaang gabi.
Agad niyang sinita ang asawa ng magising ito."Brian may babae ka ba?" diretsang tanong ni Aira na ikinagulat n Brian.
"Ano bang pinagsasabi mo sweetheart?"
"Just answer me Brai."
Hindi na napigilan ni Aira ang pagdaloy ng kanyang mga luha. Agad naman siyang nilapitan ng asawa.
"Sweetheart, wala akong babae okay. Ikaw lang ang nag-iisang babae sa buhay ko. Mahal na mahal kita Aira kaya please huwag ka na mag-isip ng masama, okay!" mahabang wika ni Brian habang sapo ang mukha ng asawa at ginawaran niya ito ng halik sa labi.
Kahit nagdadalawang-isip si Aira ay pilit na lamang ngumiti sa asawa para ipahiwatig na naniniwala siya dito pero deep inside iba ang kanyang pakiramdam.
Nagtataka din si Aita sa kanyang sarili dahil pakiramdam niya palagi siyang pagod kahit wala naman siyang ginagawa lalo pa't pinatigil na siya ni Brian sa pag trabaho.
Nang maalala niya na mag dalawang buwan na pala siyang hindi dinadatnan ng kanyang buwanang dalaw ay bigla siyang napangiti ng lihim at nakapag desisyon siyang pagkaalis ni Brian para magpunta sa opisina ay lalabas siya at magpapatingin sa isang Doktor.
Bandang tanghali ng magpunta si Aira sa OB-gyne para magpa check up at maya-maya lang ay lumabas siyang parang nakalutang sa sobrang kaligayahan. Dali-dali siyang sumakay ng taxi para magpahatid sa opisina ng asawa ngunit dumaan muna siya sa isang fast food chain para mag take-out ng lunch nila ng asawa.
Pagkarating niya sa kompanya ay diri-diretso na siya sa loob. Agad niyang nginitian ang sekretarya nito.
"Hi." bati ni Aira na nakangiti.
"Hello po Ma'am Aira."
"Ahm nasa loob ba ang sir mo?" tanong ni Aira.
"Yes po Ma'am, pero may kausap po siya." sagot nito.
"Ah ganoon ba, pero maari naman siguro akong pumasok diba?"
"Yes Ma'am pwede po." magalang na sagot nito.
Agad namang tinulikuran ni Aira ang sekretarya pagkatapos niyang magpasalamat. Hindi na siya nag-abalang kumatok pa dahil gusto niyang sorpresahin ang asawa kaya dahan-dahan niya itong binuksan ngunit nanlaki bigla ang kanyang mga mata sa eksenang kanyang nakita.
Agad siyang tumalikod at bumalik sa mesa ng sekretarya sabay bigay sa pagkain.
"Pakibigay na lamang iyan sa boss mo pagkatapos nila sa kanilang GINAGAWA!" may diing pagkasabi ni Aira na hindi na napigilan ang pag-iyak palabas ng kompanya.
Hanggang sa makasakay na siya ng taxi pauwi ng mansyon ay panay parin ang kanyang pag iyak. Akala niya masosorpresa niya ang kanyang asawa ngunit siya pala ang masosorpresa. Labis siyang nasaktan sa nasaksihan na ang kanyang asawa ay nakikipaglampungan sa ibang babae.
"Akala ko wala kang babae. Akala ko ako lang ang mahal mo! Sinungaling ka Brian. Sinungaling ka!"
Hindi na napigilan ni Aira ang pag hagulgol. Nang makarating sa mansyon ay agad siyang umakyat sa silid nilang mag-asawa at kinuha ang mga importanteng kagamitan niya at nilagay sa maliit na bag. Hindi na siya nag-abalang magdala ng mga damit dahil baka magtaka si Manang Mila pag nakita siya.
BINABASA MO ANG
AIRA KASSANDRA
Любовные романыISANG simpleng probinsyana na may kaaya-ayang kagandahan at mayroong isang simpleng pangarap, iyon ay ang makaisang dibdib ang lalakeng buong puso niyang minahal na siya ring nagbigay ng sobrang pighati ng magpakasal ito sa iba, iyan si Aira Kassand...