SA ISANG tagong lugar kung saan pinagtataguan ng isang taong may matinding galit sa pamilyang Terrona. Makikita mo ang mga pictures nina Brian, Aira at ng kanilang anak na nakadikit sa dingding at may mga markang X ang bawat isa.
"Hindi pa tayo tapos mga hangal! Kung sa akala niyo ay magiging masaya na kayo puwes nagkakamakali kayo!
Hingding-hindi kayo magiging masaya habang ako ay nagdurusa! Buhay ang kinuha niyo sa akin kaya buhay din ang sisingilin ko! Mga hayop kayo!?" at pinagsasaksak nito ng kutsilyo ang mga larawang nakadikit sa dingding."Diba mahal ko tutulungan mo akong makaganti sa ginawa nila sa'yo?"
"Papa diba ikaw din tutulongan mo din ako diba Papa? Papatayin natin silang lahat diba? Ha ha ha!" tumatawang kausap ni Trina ang larawan ng kanyang Papa at ni Jhon.
Nakatakas si Trina sa mental hospital na pinagdalhan sa kanya at nagtatago siya sa isang liblib na lugar. Isang taon ding nakulong si Trina sa mental hospital at buong akala ng lahat ay isa parin siyang baliw. Ang hindi nila alam ay unti-unting nagbalik ang kanyang ala-ala at humanap siya ng tiyempo para makatakas at tuluyang ipaghiganti ang pagkamatay ng kanyang ama at pinakamamahal na asawa.
Palagi siyang nagmamanman sa bahay ng mga Terrona kaya niya nalaman na may-anak na si Aira at Brian. Hindi muna siya kumilos dahil naghahanap pa siya ng tamang tiyempo. Ngayong nalaman niya ang nalalapit na kasal ng mag-asawa ay may nabuo na siyang masamang plano.
"Humanda kayo mga hayop kayo! Ako naman ang maniningil sa inyo! Papatayin ko kayong lahat at wala akong ititira kahit isa man sa inyo pati ikaw Agent Alexis Montiero! Dadalhin ko kayo sa impiyernong kinalalagyan ko ngayon. Hahahahahahaha!" mala-demonyong tawa ni Trina.
Walang kaalam alam ang mag-asawang Brian at Aira na nakatakas pala si Trina kaya kampanti parin sila at walang kamalay-malay na may masamang mangyayari sa araw ng kanilang kasal.
"Sweetheart."
"Hmmm."
"Malapit na ang kasal natin. Saan mo gustong magpunta para sa honeymoon natin?"
"Aalis parin ba tayo Brai? Paano naman si baby Gab?"
"Nandito naman sina Mama at Manang Mila sweetheart. Pwede naman nating ihabilin muna si baby Gab sa kanila at alam kong ikatutuwa iyon nila Mama at Manang."
"Okay ikaw ang bahala sweetheart. Basta hindi lang tayo mawawala ng matagal ha, at gusto ko doon na lang sa Isla ng Samal mahal ko kung okay lang sa'yo. "
"Kung iyan ang gusto mo, matutupad mahal ko. Marami din namang magagandang beach doon, diba?"
"Oo sweetheart at isa pa hindi tayo masyadong malayo sa ating anak kesa magpunta pa tayo ng ibang bansa."
"Okay sweetheart, tama rin iyang naisip mo. Excited na ako sa kasal natin."
"Kahit ako mahal ko, wala na akong mahihiling pa kasi nandito na ang dalawang lalaking pinaka impotante sa buhay ko."
"At ikaw lang ang nag-iisang reyna sa buhay namin ni Gab sweetheart. I love you so much sweetheart."
"And i love you more Brian."
At unti-unting binaba ni Brian ang kanyang labi sa naghihintay na labi ng asawa na siyang naging mitsa upang mag-init ang kani-kanilang mga katawan at muling pagsaluhan ang pag-iisa ng kanilang katawan na puno ng pananabik at pagmamahalan.
Kinabukasan maaga pa lang ay nasa mansyon na si Alex at nakikipag-usap kay Brian sa may hardin.
"Pare huwag kang mabibigla sa sasabihin ko."
"Ano iyon pare?"
"Tumawag ang taga mental hospital sa akin at sinabing nakatakas daw si Trina."
"Ano! Paano nangyari iyon pare?"
"Iyan din ang hindi ko alam pare. Pero ang sabi ng Doctor na nakausap ko ay hindi parin daw gumagaling si Trina."
"Kahit na pare, ang ikinatatakot ko lang ay baka makapanakit pa siya ng ibang tao."
"Don't worry pare, ipapahanap natin siya."
"Okay pare. Huwag na lang muna natin itong ipaalam kay Aira. Ayoko na mag-alala na naman ang aking asawa."
"Walang problema pare."
"Hmmm, mukhang masyado yatang seryoso iyang pinag-uusapan niyong magkaibigan ah."
"Hahaha! Ganoon na ba kaseryoso ang aming mga mukha mare?"
"Nagkukwentohan lang kami sweetheart. Asan pala si Gab?"
"Nandoon sa silid nina Mama at Papa sweetheart."
"Sayang hindi ko man lang makakalaro ang inaanak ko. By the way malapit na ang kasal niyo."
"At ikaw ang best man ko pare." putol ni Brian sa sasabihin ni Alex.
"Walang hiya, inunahan mo pa ako pare."
Nagkatawanan na lang silang tatlo sa sinabi ni Alex.
Walang kamalay-malay ang tatlo na dinig na dinig lahat ni Trina ang kanilang pinag-uusapan dahil nasa malapit lang sa gate si Trina at nagbabalatkayong streetsweeper.
"Sige magpakasaya lang kayo mga hayop kayo dahil nasa akin parin ang huling halakhak!"
Nagliliyab sa poot ang mga mata ni Trina habang palihim na nakatitig sa tatlong nagtatawanan sa may harden habang nagkukunwari siyang nagwawalis sa tabing daan.
Isang linggo na lang at kasal na nila Brian at Aira kaya abalang-abala na ang lahat. Panay na ang lakad ni Ginang Terrona para sa mga kakailanganin sa kasal mula sa simbahan, sa reception kung saan sa isang sikat na hotel gaganapin, sa mga putaheng ihahanda, mga bulaklak ay siya lahat ang kumikilos. Personal siyang nakikipag-ugnayan sa kanilang wedding coordinator dahil gusto niya magiging perpekto ang gaganaping kasal ng kanyang anak.
Tapos na din ang gown ni Aira na pinasadya pa talaga ng ginang sa isang napakasikat na wedding gown designer. Pati ang mga damit ng mga abay ay nakahanda na ang lahat. Tanging ang araw ng kasal na lamang ang kanilang dapat hintayin.
Samantala habang busy sa pag hahanda ang mga Terrona sa paghahanda sa nalalapit na kasal ay abalang-abala din si Trina sa kanyang mga gagamitin para sa kanyang paghihiganti sa eksaktong araw ng kasal.
"Malapit na rin matupad ang pinakamimithi kong paghihiganti. Hahahahahahaha!" halakhak ng isang babaeng puno ng galit ang puso.
"Wala akong pakialam kung may madadamay man basta ang mahalaga ay mamamatay kayong lahat ng siyang dahilan ng pagkawasak ng aking buhay! Mamamatay kayong lahat!
Papatayin ko kayong lahat! Lalo ka na Aira! Pagbabayaran mo ng mahal ang pakikialam mo sa buhay ko! Dudurugin kita pati ang anak mo!"Samantala nag-hire na din ng mga tao si Brian at Alex para sa paghahanap kay Trina lalo pa't malapit na ang kanilang kasal ni Aira. Gusto niyang makasiguro na walang mangyayaring gulo sa napaka importaneng araw na iyon.
Sa mansyon naman laking gulat ni Aira ng biglang nahulog at nabasag ang basong kanyang kinuha para lagyan ng tubig na iinumin. Biglang bumundol ang kaba sa kanyang dibdib.
"Hija napaano ka?" takang tanong ni Manang Mila.
"Hindi ko po alam Manang. Bigla na lang akong kinabahan. Isa pa nakapagtataka pong nahulog ang baso gayong maayos naman ang pagkakahawak ko nito. Manang kinakabahan ako."
"Hija huwag kang mag-isip ng masama. Irelax mo iyang isipan mo at ilang araw na lang ay kasal na ninyo ni Brian.
Walang mangyayaring masama, magtiwala ka lang sa Panginoon.""Salamat Manang. Sige po at aakyat na lang ako sa aming silid at magpahinga."
"Sige hija."
"Panginoon huwag mo po sanang ipahintulot na may mangyayaring masama sa araw ng kasal." piping dalangin ni Manang Mila dahil pati siya ay kinakabahan sa masamang pangitain na mangyayari.
BINABASA MO ANG
AIRA KASSANDRA
RomanceISANG simpleng probinsyana na may kaaya-ayang kagandahan at mayroong isang simpleng pangarap, iyon ay ang makaisang dibdib ang lalakeng buong puso niyang minahal na siya ring nagbigay ng sobrang pighati ng magpakasal ito sa iba, iyan si Aira Kassand...