Kabanata 33

30 2 0
                                    

MAGKASABAY na bumalik sa Maynila sina Brian, Aira, Don Lucio, Alex at Sally.

Habang nasa biyahe ay walang tigil ang kwentuhan ng mag-ama. Tuwang-tuwa naman ang Papa ni Aira kay baby Gab. Siya na halos ang nagkarga sa kanyang apo hanggang sa makarating ng Manila Airport.

Sa mansyon na ng mga Terrona sila nananghalian lahat at pinag-usapan din nila ang nalalapit na kasal nina Aira at Brian.

"Balae, masaya kami at sa wakas nagkatagpo-tagpo na din kayong mag ama." wika ng Mama ni Brian.

"Kahit na ako balae, walang pagsidlan ng saya sa aking puso ngayong buo na ang aking pamilya. Kahit wala na si Jo ay napalitan naman ito ng isang napaka cute na apo."

"Oo nga balae. Mana sa ating kagwapohan ang ating pinakaunang apo."

Nagtawanan ang dalawang magbalaeng lalaki.

"Heh! Tumahimik nga kayong dalawa diyan! Anong nagmana sa inyo! Hindi no, sa akin siya nagmana." kontra ng ginang sa dalawa na agad namang nagtinginan ang dalawang matanda at sabay nagtawanan ng malakas.

"Hmmmp maiwan ko na nga kayo diyan. Pinagkakaisahan niyo akong dalawa!" inis na tumalikod ang ginang.

Samantala masayang  nag kwentohan ang tatlo sa may hardin.

"Sis hindi parin ako makapaniwala hanggang ngayon na magkapatid tayo at take note magkambal pa." wika ni Alex sa kapatid.

"Kahit ako man bro, talagang parang nakalutang parin ako sa hangin. Napakasaya ko sa dami ng mga biyayang dumating sa akin, sa pagkakatagpo nating tatlo ni papa, sa pagkakaroon ng mababait na mga biyenan, sa pagdating ni Gab sa buhay ko at ang pagkakaroon ng mapagmahal na asawa. Wala na akong mahihiling pa sa Panginoon kasi kinompleto na niya ang buhay ko. Kahit napakaraming pagsubok ang dumating sa buhay naming mag-asawa ay nalampasan namin iyon ng magkasama." emosyonal na wika ni Aira.

"Dahil isa kang napakabuting tao sweetheart kaya biniyayaan ka ng mahal na Panginoon ng ibayong lakas at katatagan para malampasan mo lahat ng pagsubok na nanatiling nakatayo at nandito lang kami palagi sa tabi mo handang dumamay sa lahat ng pagsubok na darating pa sa buhay mo, sa ating pamilya at sa ating pagmamahalan." madamdaming sagot ni Brian sa asawa.

"Tama si Brian sis. Nandito lang kami. Sama-sama nating harapin ang mga pagsubok na darating pa sa mga buhay natin." madamdaming niyakap ni Alex si Aira.

"Maiba nga tayo, Alex kailan mo ba talaga balak mag asawa?" tanong ni Brian.

"Pare naman para ka namang si Papa."

"Oo nga naman bro."

"Siguro pag matapos na ang kasal niyo ni Brian sis saka ko na haharapin ang buhay ko at isa pa kailangan ko ng mag-umpisang pamahalaan ang kompanya."

"Mabuti naman bro at naisipan mo na iyan para naman makapag relax na si Papa."

"Oo nga sis eh."

"Hindi mo lang kasi alam kung gaano kakulit ang ating ama."

"Hindi na iyon nakapagtataka pare. Sa kanya ka nga nagmana eh."

"Pare naman eh." reklamo ni Alex na ikinatawa nilang tatlo.

Lumipas ang mga araw hanggang mag-isang buwan mula ng magkatagpo silang mag-aama ay nagiging masaya na ang buhay ni Aira. Lalo pang tumitibay ang pagsasama nilang mag-asawa at si Gab ay nagiging makulit na din. Habang lumalaki ito ay mas lalong nagiging kamukha ito ng ama na animoy pinagbiyak na bunga.

Habang ang kanyang mga biyenan ay maging subsob na sa paghahanda sa kanilang nalalapit na kasal na gaganapin sa susunod na buwan. Sinigurado ng kanyang ama at kapatid na idadaos ng matagumpay ang kanilang kasal ni Brian. Sobrang lungkot ang naramdamn ng kanyang ama ng malaman nito ang lahat ng hirap na kanyang naranasan sa kamay ng mga taong gusto siyang sirain. Nag-umpisa na ding pamahalaan ni Alex ang kompanya ng kanilang ama kaya madalang na lamang itong magpupunta sa mansyon.

Nang araw na iyon ay nagpasyang pasyalan ni Aira ang kapatid sa opisina at yayaing kumain sa labas para naman makapag-bonding na rin sila. Hindi niya kasi maaya ang kanyang ama dahil may pinagkakaabalahan itong iba.

"Sweetheart, okay lang ba na pupuntahan ko si Alex sa opisina niya at yayaing mamasyal para naman makapag-bonding kaming magkapatid."

"Oo naman sweetheart, walang problema mahal ko."

"Salamat mahal ko." litanya ni Aira at sabay halik sa labi ng asawa.

Ilang sandali pa lang ay sakay na si Aira sa kotse na minamaneho ng kanilang driver. Excited siyang makabonding ang kanyang kakambal.

Nang makarating sa kompanya ay hindi makapaniwala si Aira dahil sa laki ng building na pagmamay-ari ng kanyang ama. Halos kasing laki na din ng kompanya ng kanyang asawa.

Nang makalapit na siya sa entrance ay agad siyang nagtanong sa guard kung saan ang opisina ni Alex. Sinabi naman ng guard kaya agad nagpasalamat si Aira at dumiretso na siya sa elevator. Pagkarating sa opisina ng kapatid ay agad siyang nagtanong sa sekretarya nito.

"Excuse me miss." bungad ni Aira dito.

"Yes Ma'am?"

"Nandiyan ba si Alex?"

Hindi kasi niya tinawagan ang kapatid dahil gusto niya itong sorpresahin.

"May appointment po ba kayo kay Alex?" nakataas kilay na tanong ni Lucy dito.

"Ah wala eh, pero just tell him na nandito si Aira."

"Ma'am, hindi po pwede mag entertain ng basta-basta si Alex sa kung sinu-sino lang ng walang appointment!" mataray na sagot ni Lucy at agad hinarap ang paglalagay ng lipstick sa napakapula na labi nito na ikinataas ng kilay ni Aira.

"This is how you treated the visitor of your employer miss secretary?" galit na wika ni Aira na ikinagulat ng maarteng si Lucy.

"Call your boss right now or pagsisihan mo ang gagawin ko sa'yo!" mataray na wika ni Aira.

Talagang kumulo ang dugo niya sa pagtrato ng sekretarya sa kanya. Dali-dali namang tinawagan ni Lucy sa intercom ang boss ng makitang galit na ang babaeng kaharap.

"Sir, a woman named Aira wants to see you." wika ni Lucy at nabigla siya ng binaba agad ng kanyang amo ang phone at agad-agad itong lumabas ng opisina nito na mababakas sa mukha ang saya.

"Aira, I'm so happy at napasyal ka."

Agad niyakap ni Alex ang kapatid at hinalikan sa pisngi na ikinainis naman ni Lucy.

"Well, i just want to surprise you my dear." wika ni Aira habang yakap ang kapatid na talagang sinadya niyang lakasan ang boses para inisin ang maarteng sekretarya nito na halatang may pagnanasa sa kanyang kakambal.

Lihim na napangiti si Aira ng makita ang reaksiyon ng babae.

Pumasok saglit ang magkapatid sa opisina at maya-maya lang ay masayang lumabas ang mga ito na magkaakbay pa.

"Cancel all my appointments now Lucy dahil may importante lang kaming lalakarin." utos ni Alex dito.

"Yes sir." sagot nito na matalim ang tinging pinukol nito kay Aira.

Palihim na napapangiti si Aira habang naglalakad sila paalis ng kapatid.

AIRA KASSANDRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon