NAPATDA si Aira ng pagkabukas niya ng pinto dahil hindi niya kilala ang taong nasa harapan niya pero parang nakita na niya ito somewhere ngunit hindi niya matandaan kung saan.
"Hi, good evening. I'm Brian Terrona and....."
Hindi na pinatapos ni Aira ang pagsasalita ng lalaki. Agad niya itong binara.
"Brian Terrona, ikaw? Ikaw ang dahilan kung bakit nalipat sa Maynila si Jhon! Ikaw ang dahilan kung bakit ipinagpalit ako at nagpakasal si Jhon sa iba! Ikaw ang dahilan ng aking pagdurusa ngayon Mr. Terrona!" Hindi mapigilang sigaw ni Aira dito dahil 'di na niya mapigilan ang galit sa dating nobyo at sa taong kaharap niya na walang iba kundi ang boss ni Jhon na si Brian Terrona.
"Ano ang masamang hangin ang nagdala sa iyo dito ha? Nagpunta ka ba dito para masaksihan ang pagdurusa ko na ikaw ang may kagagawan! Heto ako oh miserableng-miserable dahil sa pagtalikod sa akin ng taong buong buhay kong minahal! Masaya ka na ha! Ano ba kasalanan ko sa inyo ha?" mahabang pahayag ni Aira sa hindi makahumang kaharap.
"Wala akong kinalaman sa mga ginawa sa'yo ni Jhon. Oo, ako ang nagpalipat sa kanya sa main branch sa Maynila dahil may potential siya, pero wala akong intensyon na masama at wala din akong alam na may iniwan siyang nobya dito sa Davao dahil nga ang pagkakaalam ko ay si Trina lamang ang nobya niya," mahabang pahayag ni Brian.
"Ano ang kailangan mo sa akin Mr. Terrona?" diretsong tanong ni Aira sa kaharap.
"Alam kong gusto mong maghiganti sa ginawa nila sa'yo lalo na kay Jhon," pahayag ni Brian..
"Hindi ko akalain na manghuhula ka pala Mr. Terrona!" painsultong sagot ni Aira.
Napatawa naman si Brian. "Hindi mo kakayaning mag-isa ang binabalak mo Aira."
"Wow hah, alam mo na pala ang pangalan ko at ano pa ang alam mo tungkol sa akin ha Mr. Terrona?" putol ni Aira sa dapat sasabihin sana ni Brian.
"Hindi na mahalaga kung bakit ko alam ang pangalan mo at kung saan ka nakatira, basta ang importante ay kausap kita ngayon para malaman mo ang pakay ko sa'yo," saad ni Brian..
"At ano naman iyon Mr. Terrona? Gaano ba kaimportante iyang pakay mo at sinadya mo pa talaga ako dito, hah?" patuyang tanong ni Aira.
Matagal bago makasagot si Brian. Hindi niya alam kung paano umpisahang sabihin ang kanyang sadya sa dalaga ng hindi siya pagtawanan at mapahiya.
Pero inisip na lang ni Brian na hindi siya uuwi hanggat hindi niya makuha ang pakay sa dalaga.
Kaya buong kumpiyansa niyang sinabi sa dalaga ang kanyang sadya na ikinagulat naman ni Aira.
"Ano? Ano sinabi mo Mr. Terrona?" gulat na tanong ni Aira sa lalakeng kaharap.
"Marry me Aira. Sa pamamagitan ng pagpapakasal mo sa akin ay makakaya mo ng paghigantihan ang taong nanloko sa'yo," sagot ni Brian sa tanong ng dalaga.
"Nababaliw ka na ba Mr. Terrona? Ganoon na ba talaga ako kadisperada sa paningin mo at naisipan mong ang opinyon mong pagpapakasal sa'yo para lang makatulong sa paghihiganti ko? At paano ka nakakasiguro na papayag ako sa inaalok mo ha?" patuyang sagot ni Aira sa kaharap.
Tinitigan muna ni Brian ang dalaga bago sinagot ang mga tanong nito.
"Hindi ako nababaliw kung iyan ang iniisip mo. Ang pagpapakasal sa akin ang pinakamainam na paraan para sa plano mong paghihiganti."
"What is your hidden agenda Mr. Terrona? Alam kong hindi ka mag suhestiyon ng ganito kung wala kang mapapala in return hindi ba? At ano iyon Mr. Terrona?" nakataas kilay na tanong ng dalaga.
"Wala akong hidden agenda Miss Jalandoni. Pag-isipan mong mabuti ang sinasabi ko at ito ang numero ko. Tawagan mo ako kung nakapagdesisyon ka na," saad ni Brian.
BINABASA MO ANG
AIRA KASSANDRA
RomanceISANG simpleng probinsyana na may kaaya-ayang kagandahan at mayroong isang simpleng pangarap, iyon ay ang makaisang dibdib ang lalakeng buong puso niyang minahal na siya ring nagbigay ng sobrang pighati ng magpakasal ito sa iba, iyan si Aira Kassand...