BIGLA ang pag sikdo ng dibdib ni Aira nang sa paglingon niya ay nakita niya ang lahat ng kanyang mga kapitbahay mapa bata, matanda, mga inang may bitbit pang sanggol, at mga mangingisda. Lahat sila ay pawang nakatayo di kalayuan sa kanya na pawang nakangiti at may isang batang babae na lumapit sa kanya at nagulat na lang siya na hinila siya nito papunta sa kabilang bahagi ng kanyang kinatatayuan.
Nagtataka man si Aira ay sinundan na lamang niya ang tinitingnan ng bata at labis siyang nagulat sa nakita. May mga kabebeng nakalatag sa buhangin at halata talaga na sinadya ito dahil ito'y bumuo ng mga words. Hindi niya napigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha ng mabasa niya kung ano ang nakasulat doon.
I'M SORRY SWEETHEART
PLEASE FORGIVE ME.
PLEASE COME BACK TO ME,I LOVE YOU SO MUCH AIRA!
Labis ang tuwang naramdaman ni Aira ng mga oras na iyon. Alam niyang ang kanyang asawa lamang ang may gawa noon.
Nagpaling-linga si Aira at nagbabakasakaling makita ang pinanabikang asawa ngunit wala ito sa paligid kaya labis ang kanyang panlulumo.
Humarap siya sa karagatan para talikuran ang mga taong nakasaksi sa kanyang pag-iyak.
"I'm sorry if i caused you pain sweetheart. Alam kong walang kapatawaran ang ginawa ko dahil labis kitang nasaktan."
Parang tumigil ang pagtibok ng puso ni Airang marinig ang boses ng kanyang asawa. Walang pagsidlan ng kanyang kaligayan ng mga oras na iyon.
"Brian."
"I swear to God sweetheart, walang namamagitan sa aming dalawa ni Patricia."
"Pero ano iyong naabutan ko ha na animoy mga manok na nagtutukaan? Isosorpresa pa naman sana kita pero ako pala ang masosorpresa!" galit-galitang wika ni Aira pero sa kaibuturan ng kanyang puso ay gustong-gusto na niyang yakapin ang kanyang asawa.
"Sweetheart siya ang kusang humalik sa akin."
"At nagustuhan mo naman?"
"No! Bigla ang ginawa niyang paghalik sa akin kaya hindi ako nakagalaw at iyon siguro ang naabutan mo. Please Aira, forgive me kung sa tingin mo ay nagkasala talaga ako."
"Hmmmp!"
"Mahal na mahal kita Aira at sobrang miserable ang buhay ko pag wala ka. Hindi ko kakayaning mawala ka sa buhay ko." pagsusumamo ni Brian.
"Mahal na mahal din kita Brai. Oo, labis akong nasaktan sa aking nakita. Minsan na akong sinaktan at niloko kaya alam mo na kung ano iyong nararamdaman ko that time."
"I know sweetheart. That's why I'm begging for your forgiveness. Gagawin ko ang lahat mapatawad mo lamang ako."
"Talaga gagawin mo ang lahat?"
"Oo sweetheart, mapatawad mo lang ako at mapauwi lang kita sa mansyon dahil naghihintay na sina Papa at Mama sa iyong pag-uwi."
"You mean nandito na ang parents mo?"
"Yes sweetheart. Nang malaman nila na nag-asawa na ako at naglayas ka ay agad silang umuwi."
"Nakakahiya naman sa kanila Brai. Isa pa baka hindi ako magustuhan ng mga magulang mo."
"Huwag ka mag-isip ng ganyan, okay? Don't worry mababait sila."
Hindi na napigilan ni Brian na halikan ang asawa.
"Hep! Hep! At sino nagsabi sa'yo na pwede mo na akong halikan ha Mr. Terrona? Hindi pa kita pinatawad!" pakipot na litanya ni Aira pero lihim naman siyang kinilig.
"Sweetheart naman patawarin mo na ako. Huwag mo naman akong ipahiya sa mga kapitbahay mo."
"At talagang kinutsaba mo pa sila ha!"
"Eh desperado na kasi ang asawa mo po."
"Hmpp! Sige na nga! Pinapatawad na kita pero sa isang kondisyon!"
"Ano iyon sweetheart? Tell me at gagawin ko lahat ng ipag-uutos mo."
"Talaga lang ha? Hmmp sige, hanapan mo ako ng hilaw na hilaw na mangga at bumili ka rin ng gisadong bagoong!"
"Whaaat! Iyon lang?"
"Yup iyon lang."
"Okay, wait here."
Aalis na sana si Brian ng maalala ang inutos ng asawa, agad siyang bumalik dito.
"Sweetheart, are you pregnant?"
Tango na may kasamang ngiti lamang ang isinagot ni Aira pero para kay Brian ay sapat na iyon.
"Yahooooooo! Daddy na ako!"
Hindi napigilan ni Brian ang magpatalon-talon. Tuwang-tuwa naman ang mga nakasaksi.
"Mga kapitbahay magiging Daddy na ako. Yahooo!"
"Mga kapitbahay maraming salamat sa pagtulong niyo sa akin para mapatawad ako ng asawa ko at bilang ganti ay magtipon-tipon tayong lahat dito mamayang gabi at magpa-party tayo sagot ko lahat."
Sa narinig ay nag hiyawan ang mga tao dahil sa saya para sa dalawang nagmamahalan na biniyayaan ng anghel at syempre para sa kainan. Muling binalikan ni Brian ang asawa at niyakap ng mahigpit.
"Labis mo akong pinasaya sweetheart. Pinapangako ko pakamamahalin ko kayong dalawa ng magiging anak natin."
"Mahal na mahal din kita Brai. Ikaw ang gumamot sa sugatan kong puso. Ikaw ang naging lakas ko."
Niyakap ni Aira ang asawa at siya na rin ang kusang humalik dito.
Kinagabihan ay abala ang lahat sa pagtitipong naganap ng gabing iyon at napagkasunduan ng lahat na sa tabing dagat ito gagawin.
Napakaraming pagkain ang nakahanda sa mahabang mesa. Meron ding mga alak at prutas.
Habang nagkakasiyahan ang iba ay magkayakap namang nakaupo sa may bangka ang mag asawa.
"Brai."
"Hmmp?"
"Paano mo pala nalaman na nandito ako?"
"Through Alex sweetheart. Nang hindi kita makita sa ilang araw kong pag-aabang sa bahay mo sa Davao ay nagpatulong na ako kay Alex."
"Hmmp dapat pala magpasalamat tayo kay Alex. Ang dami na niyang naitulong sa atin. Eh nasaan ba siya at hindi ko man lang nakita?"
"Hmpp hayaan mo na iyon, andiyan lang iyon sa paligid."
"Hmp may sikreto yata kayong dalawang magkaibigan ha?"
Natatawa na lamang si Brian sa kakulitan ng asawa ng biglang nag umpisa na ang fireworks na pinahanda niya kay Alex.
Labis ang kaligayan ni Aira ng makita ang fireworks lalo na ng may nabuong mga letra.
"WILL YOU MARRY ME AGAIN AIRA?"
Sa tuwa ni Aira ay hinalikan niya ang asawa.
"Oo sweetheart i will marry you. This time i will marry you with full of love."
"So do i sweetheart."
At isinuot ni Brian sa daliri ng asawa ang family heirloom na singsing na galing pa sa kanyang ina. Maluha-luhang tinitigan ni Aira ang singsing. Hindi parin siya makapaniwala na magpapakasal sila muli ni Brian but this time ay kapwa na nila mahal ang isa't isa.
Maya maya pa ay nakisali na din ang mag-asawa sa kasiyahan at doon nga ay nakita nila si Alex na hataw na hataw pa sa pagkanta at sinasabayan pa ng pag indak na ikinatuwa naman ng mga tao.
Ako si mr. Suave..
Ooh oh oh grabe..
Habulin ng babae..
Wala silang masabi...Tawa ng tawa ang mag-asawa sa ginagawa ni Alex. Para itong hindi isang anak mayaman at tanyag na agent kung titingnan mo dahil sa kakengkoyan nito.
Natapos ang gabi na may ngiti sa mga labi ang lahat lalo na si Aira at Brian. Napagpasyahan nilang kinabukasan din ay babalik na sila ng Maynila.
BINABASA MO ANG
AIRA KASSANDRA
RomanceISANG simpleng probinsyana na may kaaya-ayang kagandahan at mayroong isang simpleng pangarap, iyon ay ang makaisang dibdib ang lalakeng buong puso niyang minahal na siya ring nagbigay ng sobrang pighati ng magpakasal ito sa iba, iyan si Aira Kassand...