KINABUKASAN, walang imikan ang mag asawa habang sabay na nag-aagahan. Para bang nagkahiyaan pa sila kung sino ang dapat unang magbukas ng usapan.
Hanggang sa tumayo na si Brian, deklarang tapos na siyang kumain.
"I have to go." malamig na paalam ni Brian sa asawa.
Tanging tango lang ang nasagot ni Aira sa asawa.
Pagkaalis ni Brian ay tinapos na din ni Aira ang pagkain. Lumabas siya ng bahay at nagpunta sa may pool at doon naupo habang ang mga paa ay nakalubog sa tubig. Binalikan ng kanyang alaala ang muntikan ng may mangyari sa kanilang dalawa na mag-asawa. Sa lalim ng kanyang iniisip ay hindi na niya namalayan ang paglapit ni Manang Mila sa kanya na may bitbit na isang basong juice.
"Aira anak." pukaw ng matanda na ikinagulat naman ni Aira, nilingon niya ito at ngumiti.
"Kayo pala Manang."
"Kanina pa kita pinagmamasdan at nakikita kong malungkot ka at kanina sa hapag kainan wala kayong kibuan na mag asawa. Nag-away ba kayo?" tanong ng matanda.
"Hindi naman po Manang." sagot ni Aira.
"Ako ba ay paglilihiman mo pa? Matanda na ako hija at itinuring ko na kayong mga anak ko. Nasasaktan din ako sa tuwing nakikita ko kayong ganyan. Pag-usapan niyo kung ano man ang hindi niyo pagkakaintindihan na mag asawa." mahabang pahayag ng matanda.
Sa narinig mula sa matanda ay ngumiti na lang si Aira at sumagot. "Maraming salamat po Manang palagi kayong nandiyan sa tabi namin."
Napangiti ang matanda at tumayo. "Hala sige maiwan na kita dito. Inumin mo na iyang juice na dala ko."
" Salamat po, nag abala pa kayo." wika ni Aira.
Ngumiti lang ang matanda bilang tugon sabay alis at muling pumasok sa loob ng bahay.
Sa opisina namn ay busy si Brian sa pakikipag-usap sa taong kanyang pinagkakatiwalaan.
"Pare konti na lang at mahuhuli na rin natin ang may pakana ng nakawan dito sa kompanya mo." wika ni Alex na kaibigan ni Brian at pinagkakatiwalaan niya.
Isa itong Agent at front lamang nito ang pagigiging isang office boy sa kompanya ni Brian para magmanman.
"Salamat pare. Hindi ko mapapalampas kung sino man ang nag traydor sa akin dito sa loob pa ng kompanya ko!" galit na sagot ni Brian.
"Kalma lang pare. Huwag ka magpahalata na nag papaimbestiga ka. Hayaan mo munang maglaro ang mga daga, mahuhuli din natin sila." wika ni Alex sa kaibigan.
Hindi sila dapat magpadalos-dalos at kinakailangan din nila ng isang masusing pagpaplano para mahuli ang nagtatraydor sa kanyang kaibigan.
Hindi na rin nagtagal si Alex sa opisina ni Brian. Lumabas na ito para magpunta sa kanyang cubicle.
Nang mapag-isa na lamang si Brian ay muli niyang naalala ang nangyari ng nagdaang gabi.
"God Aira, paano ko ba maipapadama sa'yo ang pagmamahal ko kung hanggang ngayon ay si Jhon parin ang laman ng puso mo? Mag-asawa nga tayo pero ang layo mo sa akin. Gustong-gusto ko na sa pag-gising ko sa umaga ay ikaw ang una kong masisilayan, ngunit paano? Mahal na mahal kita Aira." usal ni Brian sa kanyang sarili.
Sa mansyon naman ay malalim na nag-iisip si Aira kung ano ang dapat niyang gawin para maiparamdam kay Brian na mahal niya ito. Natatakot siya na baka pagtawanan siya ng lalaki at irereject.
Baka hindi na niya makayanan pa kung mabigo man siya sa ikalawang pagkakataon.
Maghapong nagkukulong si Aira sa kanyang silid kaya hindi na niya namalayan ang pagdating ng asawa.
BINABASA MO ANG
AIRA KASSANDRA
Любовные романыISANG simpleng probinsyana na may kaaya-ayang kagandahan at mayroong isang simpleng pangarap, iyon ay ang makaisang dibdib ang lalakeng buong puso niyang minahal na siya ring nagbigay ng sobrang pighati ng magpakasal ito sa iba, iyan si Aira Kassand...