KINAUSAP ng masinsinan ng Mama ni Brian at Manang Mila si Sally.
"Sally, maliban sa pagiging yaya mo kay baby Gabriel, may isang trabaho pa akong ipapagawa sa'yo at dodoblehin ko ang sahod mo pag nagawa mo ng maayos ang ipapagawa ko sa'yo."
"Ano po iyon senyora?" nagtatakang tanong ni Sally.
"Gusto kong ikaw ang magiging mata ko sa private nurse ni Aira, dahil wala akong tiwala sa kanya. Parang may masamang plano siyang gawin para sa mag-asawa. Gusto kong manmanan mo siyang maigi."
"Paano po pag malaman nina sir Brian?" kinakabahang wika ni Sally.
"Huwag kang mag-alala, hindi nila malalaman at huwag ka rin magpahalata kay Elizabeth. Sa nursery ang magiging silid mo. Nagpalagay na ako ng kama mo doon katabi ng crib ni baby Gab. Ireport mo sa akin ang bawat kaduda-dudang galaw ng nurse na iyan."
"Okay senyora, walang problema."
"Mag-ingat ka lang hija, dahil mukhang palaban ang isang iyan." paalala ni Manang Mila sa pamangkin.
"Huwag kang mag-alala Tiyang hindi siya uubra sa akin." nakangiting sagot ni Sally.
"Salamat hija. Hala sige puntahan mo na ang apo ko."
"Opo senyora."
Simula nga ng araw na iyon ay lihim na minamanmanan ni Sally si Elizabeth. Kung saan ito naroon ay nandoon din sila ni baby Gab.
"Ano ka ba Sally bakit ba panay sunod mo sa akin ha? Nakakairita ka na ba!" sita ni Elizabeth kay Sally.
"Haller! Feel mo naman sinusundan kita! Huwag kang assuming girl, diba baby Gab?" palusot ni Sally.
Nakita kasi niyang kanina pa palingon-lingon si Elizabeth kaya sinundan niya ito dala ang alaga.
"Grrrr! Stupid muchacha!" gigil na wika ni Elizabeth.
Pagkakataon na sana niyang pumasok sa silid nina Brian dahil alam niya nasa loob ito natutulog at wala ang kanyang inaalagaan na asawa nito dahil lumabas ito kasama ang biyenan ngunit parang mapupurnada naman dahil sa asungot na tsimay na ito.
"Hoy bruhang impakta ka, huwag na huwag mo akong matawag-tawag na stupid dahil hindi ako stupida! Oo muchacha nga ako eh ikaw ano ka ba dito, diba parehas lang tayong sinasahoran dito kaya muchacha ka rin!" ganting pang-iinsulto ni Sally dito.
"Hmmpp atribida!"
Hindi na nakatiis si Elizabeth kaya pumasok na lamang siya sa kanyang silid at doon ibinuhos ang galit sa pagkakapurnada ng kanyang plano dahil kay Sally.
"Atribida daw ako baby Gab. Eh siya malandi. Hahaha!" tumatawang kinakausap ni Sally ang kanyang alaga.
Lumipas ang mga araw at naging maayos naman ang trabaho ni Elizabeth at tulayan na ngang gumaling ang sugat ni Aita kaya pwede na siyang bumalik sa ospital na pinagtatrabahuan niya ngunit hindi siya makakapayag na hindi magawa ang matagal na niyang balak, ang akitin ang among lalaki.
Samantala walang kamalay-malay si Elizabeth na kahit si Aira ay nagmamanman din sa kanya dahil ilang ulit na din niya itong nakita na sobrang lagkit kung makatingin sa kanyang asawa ngunit dedma lamang ito ni Brian. Malaki ang tiwala niya sa kanyang asawa ngunit kabaliktaran naman sa babaeng ito. Kahit nga sa tuwing pinapainom siya nito ng gamot ay sinusuri niya muna bago inumin. Mahirap na, nadala na siya sa dalawang babae na gustong sirain ang kanyang pamilya kaya this time ilalaban na niya ng patayan ang sino mang magtatangkang sirain ang kanyang pamilya.
"Sweetheart ilang buwan na lang at matatapos na ang pag-gawa ng simbahan. Dapat pag-usapan na natin ang tungkol sa naudlot nating kasal." wika ni Brian.
"Diba sweetheart sabi ni Mama siya na ang bahala sa lahat? Baka magtampo pa iyon pag pinakiaalaman pa natin iyong gusto niya."
"Tama ka nga mahal ko. Sobrang napaka matampuhin pa naman iyon."
"Siyanga pala Brai magaling na ako at di ko na kailangan ng nurse. Pwede ng bumalik sa ospital si Elizabeth."
"Don't worry mahal ko sasabihin ko sa kanya bukas, okay!"
"Okay mahal ko." tuwang tuwa si Aira sa sinabi ng asawa.
"Alam ko naman kasi mahal ko na wala kang tiwala sa kanya."
"Hmmm, paano kasi kung makatitig sa'yo kahit nasa paligid lang ako para bang hinuhubaran ka na niya!" inis na saad ni Aita na ikinatawa ng malakas ni Brian.
"Hahahahaha! Mahal ko tandaan mo walang ibang makakakita o makakatikim ng katawan ko kundi ikaw lamang ang pinakamamahal kong asawa."
Namula agad ang mukha ni Aira sa sinabi ng asawa na mas lalo pang ikinatawa ni Brian. Niyakap niya ng mahigpit ang asawa at siniil ng halik ang mapupulang labi nito.
Inis na inis naman si Elizabeth ng marinig ang lakas ng tawa ni Brian sa loob ng silid nilang mag asawa. Napuno ng panibugho ang kanyang puso at hindi na niya namalayan ang pagdaloy ng kanyang mga luha. Matagal na niyang iniibig si Brian ngunit ni minsan ay hindi siya pinag-ukulan nito ng pansin kahit noong buhay pa ang dating nobya nito at naka confine pa sa ospital.
Doon niya unang nakita si Brian at mula noon ito na ang laging laman ng kanyang puso at isipan. Wala na siyang ibang minahal kundi ito lang. Kaya noong sinabi ng Director ng ospital na nangangailangan ng private nurse si Brian Terrona ay biglang umusbong ang malaking pag-asa sa kanyang puso na mapalapit sa itinatanging lalaki kahit makasira pa siya ng pamilya. Wala siyang pakialam basta maging masaya lamang siya kaya agad siyang nagprisinta na siya na lamang ang ipadala at pumayag naman ito kaya nandito na siya ngayon at hindi siya makakapayag na umalis ng hindi man lang magtagumpay sa kanyang plano.
Kinabukasan ay pinatawag ni Brian si Elizabeth kay Sally at pinapapunta niya sa library. Agad namang tumalima si Sally habang karga ang alaga ay nagtungo ito sa silid ng nurse at kumatok..
"Tok tok tok!"
"Sino iyan?"
"Ako ito si Sally. Inutusan ako na sumunod ka daw sa library at may pag-uusapan kayo ni Sir Brian."
Biglang nabuhayan ng loob si Elizabeth sa sinabi ni Sally.
"Okay susunod na ako."
Agad naman umalis si Sally ngunit sa nursery lamang sila nagpunta ni Gab dahil may nabuo siyang plano.
Excited si Elizabeth na nagbihis at siniguro niyang magiging kaakit-akit siya sa paningin ni Brian. Ngayon na niya gagawin ang planong pang-aakit dito. Nang masigurong perpektong-perpekto na siya ay agad na siyang bumaba at timing naman na wala si Aira at ang biyenan nito dahil pinuntahan ng mga ito ang pinapagawang simbahan.
Pagkaalis ni Elizabeth ay agad namang pumasok si Sally sa silid nito at laking gulat niya ng makitang ang daming picture ng kanyang among lalaki sa ilalim ng unan nito. Agad kinuha ni Sally ang lahat ng pictures at dali-daling lumabas ng silid at bumalik sa nursery at kinuha ang alaga. Dali-daling bumaba at sa hardin siya dumiretso para doon abangan ang pagdating ng mga amo at ng maibigay ang mga pictures na nakuha nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/343204861-288-k375320.jpg)
BINABASA MO ANG
AIRA KASSANDRA
RomanceISANG simpleng probinsyana na may kaaya-ayang kagandahan at mayroong isang simpleng pangarap, iyon ay ang makaisang dibdib ang lalakeng buong puso niyang minahal na siya ring nagbigay ng sobrang pighati ng magpakasal ito sa iba, iyan si Aira Kassand...