HALOS mag-iisang linggo ng nag-aabang si Brian sa harap ng bahay ni Aira ngunit maski anino nito ay hindi niya nakita. Nakapagtanong na din siya sa mga kapitbahay ng asawa ngunit wala din siyang napala dahil matagal na umanong di umuuwi si Aira mula ng nagpunta ito ng Maynila.
Parang nawawalan na nang pag-asa si Brian. Ang laki na ng inihulog ng kanyang katawan. Halos sa sasakyan na siya natutulog kung saan nakapark lang sa harapan ng bahay ni Aira. Bigla niyang naalala ang kanyang kaibigang si Alex at sinubukan niya itong tawagan.
"Kriing...Kriing..."
"Hello, kumusta pare?" masayang sagot ni Alex.
"Pare, i need your help." diretsong saad ni Brian.
"Wooahh, mukhang malaki ata ang problema mo pare. Okay tell me pare."
"Pare, please find Aira for me." pagsusumamo ni Brian sa kaibigan.
"What? Come again pare, i don't get it." takang tanong ni Alex.
"Find Aira for me. Umalis kasi siya ng mansyon mahigit isang linggo na at hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko." sagot ni Brian.
"Ano ba talaga ang nangyari pare?" pangungulit ni Alex.
Ipinaliwanag na din lahat ni Brian ang dahilan at bigla na lamang itong tumawa.
"Hahahahaha!" hindi mapigilang tawa ni Alex.
"Pare huwag mo naman akong pagtawanan."
"Pasensiya ka na pare, hindi ko lang talaga mapigilan. By the way nasaan ka ba ngayon pare?"
"I'm here in Davao pare, sa harap ng dating bahay ni Aira."
"Whaaaat?" gulat na sagot ni Alex.
"Pare please."
"Okay, don't worry pare ako na ang bahala. I just keep in touch with you."
"Salamat pare, maraming maraming salamat. Kahit gaano pa kalaki ang babayaran ko sa'yo ay magbabayad ako pare, makita at makapiling ko lang muli ang aking asawa." madamdaming wika ni Brian sa kaibigan.
"Forget about the money, i don't need that. Itinuring na kitang kapatid Brian kaya gagawin ko ang lahat ng makakaya ko makita ko lang si Aira."
Marami pa silang napag-usapan bago tinapos ni Brian ang tawag. Medyo gumaan na din ang pakiramdam niya pagkatapos makausap ang kanyang kaibigan. Nakapag desisyon siyang bumalik sa hotel kung saan siya nag-stay para makapag pahinga saglit para may lakas siyang magmatyag ulit sa harapan ng bahay ni Aira.
Lumipas ang mga araw, linggo at naging isang buwan ay wala paring balita si Brian tungkol sa kanyang asawa. Nakabalik na din siya sa Maynila samantalang si Alex naman ang nasa Davao para maghanap.
"Anak please, itigil mo na iyang kakainom mo. Maawa ka naman sa sarili mo."
"Mama wala nang saysay ang buhay ko kung wala si Aira."
"Paano naman kami ng Papa mo anak? Nasasaktan din kami tuwing makikita ka naming ganyan."
"Sorry Mama, pero anong gagawin ko?"
"Magpakatatag ka anak at ipanalangin mo na sana magtagumpay si Alex sa paghahanap sa asawa mo." malumanay na wika ng kanyang ina.
Kinabukasan ay maagang nakatanggap ng tawag si Brian mula kay Alex.
"Pare kumusta? Anong balita?" excited na tanong ni Brian.
"Pare mission accomplished! Nakita ko na rin ang asawa mo pero hindi pa ako nagpakita sa kanya. Mas mabuti na iyong ikaw ang una niyang makita at may isang sorpresa pa ako sa'yo ngunit saka mo na lamang malalaman pag makita mo na ang asawa mo."
"Yahooo!" hindi mapigilang sigaw ni Brian.
Natatawa naman si Alex sa reaksyon ng kaibigan. Kung nasa harapan lang siguro siya ng kaibigan siguro nahalikan na siya sa sobrang saya nito.
"Maraming salamat pare. Ngayon din ay pupunta ako diyan sa Davao." masayang wika ni Brian.
"Okay pare. Kita na lang tayo dito." at pinutol na ni Alex ang tawag. Napapailing na lamang siya.
"Hay, buhay pag-ibig nga naman." hindi napigilang wika ni Alex.
"Mama!"
"Mama!"
"Bakit hijo? Anong nangyari at tila napakasaya mo?" takang tanong ng ina nito.
"Ma, nakita na ni Alex si Aira.
Pupunta ako ng Davao ngayon Mama."Walang pagsidlan ng kaligayahan ang nararamdaman ni Brian sa mga oras na iyon. Hindi niya napigilang yakapin ang ina.
"I'm happy for you son. Now quick puntahan mo na ang asawa mo." excited na utos ng kanyang ina.
Dali-dali namang tumalima si Brian. Agad itong nag-ayos at naghanda ng kanyang dadalhin. Tanging bag pack lamang ang kanyang pinaglagyan ng kanyang mga gamit. Dali-dali na siyang lumisan at tuloy tuloy na nagpunta sa Airport.
Tuwang tuwa naman si Mrs Terrona sa nalaman kaya agad din niya itong pinaalam kay Manang Mila at sa kanyang esposo kagaya niya ay tuwang-tuwa din ang mga ito.
Pagkarating ni Brian sa Davao ay mismong si Alex ang nagsundo sa kanya sa Airport at dumiretso na muna sila sa hotel kung saan siya nag-stay.
"Pare kumusta na ang asawa ko? Nasaan siya ngayon? Gusto ko na siyang makita." sunud-sunod na tanong ni Brian.
"Woaah, pare hinay-hinay lang mahina ang kalaban." natatawang sagot ni Alex.
"Pasensya ka na pare, excited lang akong makita si Aira."
Ngunit ng maalala ang dahilan ng paglayo ni Aira ay biglang nalungkot si Brian at napansin naman agad ito ni Alex.
"Pare magiging okay din ang lahat. Kausapin mo lang siya ng masinsinan."
payo nito sa kaibigan."I will pare. Pare favor ulit."
"Ano iyon pare?"
"May plano akong naisip and i need your help again."
"Okay just tell me pare."
Sinabi nga ni Brian ang kanyang plano sa kaibigan.
Maagang nagising si Aira at nag-ayos sa kanyang sarili. Nagluto siya ng kanyang agahan. Pagkatapos ay naglinis sa kanyang munting kubo.
Isang linggo lamang siyang nanatili sa resort at sa kanyang pamamasyal ay nakita niya ang kubong ito at pinakiusapan niya ang may-ari na gusto niyang bilhin. Nagustuhan niya ang lugar kasi nakaharap ito sa baybayin at napaka presko ng hangin.
Pagkatapos maglinis ay naisipan ni Aira ang mamasyal ulit sa dalampasigan. Pagkarating niya ng dalampasigan ay nagtataka siya kung bakit napaka tahimik gayong napaka aga pa naman. Wala ni isang bata na naglalaro ngunit pinagsawalang bahala na lamang ito niya ito.
Maya-maya ay naisipan niyang maupo sa isang bangka na pag-aari ng isang mangingisda na nakatira din doon.
Habang nakatitig sa karagatan ay muli na naman niyang naalala ang asawa."Kumusta ka na kaya Brian? Ako heto nagdurusa sa pangungulila sa'yo pero kailangan ko magpakatatag para sa magiging anak natin. Matagal na kitang napatawad mahal ko pero natatakot na akong bumalik sa'yo baka ipagtabuyan mo na ako."
Hindi napigilan ni Aira ang pagpatak ng mga butil ng luha sa kanyang mga mata habang hinihimas niya ang kanyang medyo umbok na tiyan.
Nagdesisyon na si Aira na bumalik sa kanyang kubo ng sa kanyang paglingon ay may nakita siyang nagpapasikdo sa kanyang puso.
![](https://img.wattpad.com/cover/343204861-288-k375320.jpg)
BINABASA MO ANG
AIRA KASSANDRA
RomansaISANG simpleng probinsyana na may kaaya-ayang kagandahan at mayroong isang simpleng pangarap, iyon ay ang makaisang dibdib ang lalakeng buong puso niyang minahal na siya ring nagbigay ng sobrang pighati ng magpakasal ito sa iba, iyan si Aira Kassand...