AWANG-awa si Brian sa asawa habang nakahiga ito sa hospital bed na puno ng kalmot at pasa ang mukha dahil sa ginawa ni Trina.
"Hinding-hindi ko na mapapalampas ang ginawa mong ito Trina sa asawa ko. Pagbabayaran mo ng mahal ang lahat ng sakit na binigay mo sa asawa ko at kasama ka na doon Jhon at Mr. Samonte. Hindi ako titigil hanggat hindi kayo naiisadlak sa kulungan!" tiim-bagang na wika ni Brian sa sarili.
Agad niyang tinawagan ang kanyang kaibigan at ang kanyang abogado upang makipagkita sa mga ito at pag-usapan ang kanyang mga plano.
Tinawagan din ni Brian si Manang Mila at pinapunta niya ito sa ospital para pansamantalang magbantay sa asawa.
Nagtaka naman ang matanda kung bakit nasa ospital ang among babae ngunit hindi na lamang siya nag-usisa, pasasaan ba't malalaman din niya. Nagpahatid siya sa driver nila at ng makarating ng ospital ay lakad-takbo itong hinanap ang kwarto kung saan naka confine si Aira.
Pagkapasok ni Manang Mila ay agad na ding nagpaalam si Brian.
"Manang bantayan mo pong maigi si Aira. Huwag po kayo magpapasok ng kahit sino maliban sa akin at sa Doctor o nurse na titingin dito. Saka ko na lang ipapaliwag ang lahat pagkabalik ko. May mahalaga lang akong lalakarin." paalam ni Brian sa matanda.
"Huwag kang mag-alala hijo, ako na ang bahala dito. Mag-ingat ka sa pupuntahan mo." sagot na wika ng matanda.
"Maraming salamat po Manang."
Agad ng lumabas si Brian. Pagkaalis ni Brian ay nilapitan ng matanda ang natutulog na si Aira. Awang-awa siya dito.
Sa meeting place kung saan seryosong nag-uusap si Brian, Alex at Atty. Rivas.
"Pare dala mo ba iyong sinasabi mong ebidensya?" tanong ni Brian kay Alex.
"Oo pare, heto lahat." sabay lapag sa mesa.
"Salamat pare. Attorney gusto ko mag sampa ng kaso laban kay Jhon Cordova at Mr. Samonte sa pagnanakaw sa aking kompanya at kay Trina Samonte Cordova sa ginawa niya sa asawa ko. Nandiyan ang mga ebidensya sa anomalyang ginawa nila sa kompanya ko." mariing wika ni Brian.
"Okay, ako na ang bahala dito Mr. Terrona." sagot ng abogado
"Salamat attorney."
Marami pa silang napag-usapan bago magpasyang lumabas ng restaurant kung saan sila nagkita.
Naghiwa-hiwalay na silang tatlo pagkalabas ng restaurant at dumiretso na din si Brian pabalik sa ospital.
Samantalang si Jhon ay nakipagkita sa kanyang biyenan at galit na galit ito ng malamang hindi na makakapasok sa kompanya ni Brian si Jhon.
"Polpol!
"Inutil!"
"Wala ka talagang silbi!" galit na sigaw ng matanda.
"Patawad Papa. Pero alam ko po na walang kaalam-alam si Brian sa ginawa ko." mahinang sagot ni Jhon.
"At anong dahilan niya kung bakit ka niya tinanggal ha?" galit na tanong ng matanda sabay hawak sa kwelyo ng damit ni Jhon.
"Papa iyong asawa po ni Mr. Terrona, ang dati kong kasintahan baka iyon iyong dahilan niya baka ang asawa niya ang nag-utos na tanggalin ako bilang ganti." kinakabahang sagot ni Jhon.
Dahil sa narinig ay lalong umusbong ang galit ng matanda,
"So ang babae palang iyon ang may kagagawan?" nanggagalaiting bigkas ng matanda. At galit na tinalikuran si Jhon para magpunta sa kanyang silid at may tinawagan.
Pagkatapos makipag-usap ay muling lumabas ang matanda at hinarap si Jhon.
"Hanapan mo ng paraan na muling makapasok sa kompanya ni Brian at tapusin mo na ang pinapagawa ko sa'yo!" maawtoridad na wika na matanda.
"Ngunit paano Papa?" tanong na wika ni Jhon.
"Gamitin mo iyang utak mo! Kung gusto mong matanggap kita bilang manugang ay patunayan mong may silbi ka!
Makakaalis ka na!" maawtoridad na utos ng matanda. Lugo-lugo namang umalis si Jhon sa bahay ng biyenan niya. Litong-lito ang kanyang utak kung ano ang dapat niyang gawin."Hindi ganito ang inaasahan ko. Ang pangarap ko lamang ay maging mayaman kaya napilitan akong pakasalan si Trina pero hindi ko inaasahan na magiging ganito ang kalalabasan ng lahat. Karma ko na ba ito sa pagtalikod ko sa babaeng mahal ko?" piping usal ni Jhon sa sarili.
Samantala pagkarating ni Brian sa ospital ay gising na si Aira kaya agad niya itong nilapitan.
"Sweetheart kumusta na ang pakiramdam mo?" puno ng pag-alalang tanong ni Brian.
"Okay lang ako Brian. Medyo mahapdi lang iyong mga sugat ko sa mukha."
mahinang sagot ni Aira."Ano ba talaga ang nangyari ha hijo?Sinong may gawa nito kay Aira?" di napigilang tanong ni Manang Mila.
"Si Trina po Manang. Sinugod niya kanina si Aira sa botique ng mall habang may kinuha ako sa sasakyan."
"Walanghiya talaga ang malditang iyon! Naku pag nakita ko iyon, kakalbuhin ko talaga ang babaeng iyon." hindi napigilang saad ng matanda.
Napailing na lamang si Brian at si Aira na hindi napigilang ngumiti.
Kinabukasan ay nakauwi na nang mansyon si Aira. Inalalayan siya ng asawa papunta sa kanilang silid para makapag pahinga.
"Sweetheart magpahinga ka muna dito, okay? Pupunta muna ako sa opisina saglit, okay." paalam ni Brian.
"Sige sweetheart, take care." sagot ni Aira.
"I will and i love you sweetheart." madamdaming wika ni Brian.
"I love you too Brai."
Bago lumabas ng silid ay hinalikan muna ni Brian ang asawa sa noo.
Nang mga oras na iyon ay nasa harapan ng kompanya lamang si Jhon at nagmamanman habang naghihintay ng tamang oras para makapuslit sa loob ng kompanya at tapusin ang dapat na tapusin. Kailangang mapa-impress niya ang kanyang biyenan para matanggap na siya nito.
Kitang-kita pa ni Jhon ang pagdating ni Brian sa kompanya kaya agad siyang nagtago. Hinintay niya hanggang magsipag-uwian ang mga empleyado at lumabas si Brian bago siya pumuslit papasok ng kompanya.
Walang kaalam-alam si Jhon na may nakahandang patibong na pala sa kanya dahil namataan na pala siya ng agent na si Alex na nagmamanman din sa harap ng kompanya.
BINABASA MO ANG
AIRA KASSANDRA
RomanceISANG simpleng probinsyana na may kaaya-ayang kagandahan at mayroong isang simpleng pangarap, iyon ay ang makaisang dibdib ang lalakeng buong puso niyang minahal na siya ring nagbigay ng sobrang pighati ng magpakasal ito sa iba, iyan si Aira Kassand...