GABI na nang napagdesisyunan ni Aira na umuwi sa mansyon. Nang makarating sa mansyon ay dumiretso na siya sa taas pero imbes sa silid nilang mag asawa ay sa dating silid siya tumuloy. Pagkabihis ay agad siyang nahiga at napaisip.
"Ano ba talaga ang mga nangyayari bakit ganoon na lamang ang galit ni Jhon sa akin at ni Brian?"
Nang maalala ang asawa ay napaluha ulit si Aira dahil naalala na naman niya ang sapilitang pag-angkin sa kanya kanina hanggang sa hindi na niya mapigilan ang pagpikit ng kanyang mga namamagang mga mata.
Sa kabilang banda ng makauwi si Jhon sa kanilang tahanan ay laking gulat ni Trina ng makitang puro bugbog sa katawan ang kanyang asawa.
"What happen to you Jhon? Sinong gumawa sa'yo nito?" sunod-sunod na tanong ni Trina ngunit hindi sumagot si Jhon at tuloy- tuloy lang itong naglakad papunta sa kanilang silid.
Lalong nagalit si Trina dahil nilampasan lang siya ng kanyang asawa kaya agad niya itong sinundan.
"Ano ba tinatanong kita kaya sumagot ka!"
"Pwede ba Trina tumahimik ka muna kasi gusto kong mag-isip!"
"Kung gusto mong tumahimik ako sagutin mo ang mga tanong ko!" ganting sigaw ni Trina sa pasigaw na pagsasalita ni Jhon.
Nagdadalawang isip si Jhon na sabihin kay Trina ang mga nangyari ng araw na iyon.
"Ano! Magsalita ka na! Tutunganga ka na lang ba diyan ha? Sagutin mo na iyong tanong ko Jhon!"
Hindi na nakatiis si Jhon at hinarap si Trina.
"Fine! Gusto mo talagang malaman ha! Okay sasabihin ko na para lang tumigil ka sa kakadakdak mo diyan! Wala na akong trabaho, tinanggal na ako ni Brian sa hindi ko malamang dahilan! Alam kong malinis ang pagkaka-trabaho ko sa pinapagawa niyo ng Papa mo. At itong mga pasa sa katawan ko si Brian din ang may gawa dahil nagalit siya ng pinuntahan ko ang kanyang asawa para kausapin dahil baka sa ganitong paraan siya gustong makaganti sa akin!" mahabang sagot ni Jhon sa hindi makahumang si Trina.
Nang makabawi ay galit na galit itong nagsalita.
"Damn that bitch! Humanda siya sa akin! Pagbabayaran niya ng mahal ang kalandian niya!" gigil na gigil si Trina at gustong-gusto na niyang sugurin si Aira ngunit pinigilan siya ng asawa.
"Ako na ang makikipag-usap kay Aira, Trina."
"Para ano Jhon? Para landiin ka na naman niya at mabugbog ka na naman? No way! Ako ang haharap sa malanding babae na iyon!" matigas na sagot ni Trina.
Tumalikod na lamang si Jhon para tapusin ang usapang iyon, at si Trina ay lumabas ng silid at dumiretso sa bar para lunurin ang sarili sa alak.
"Hindi ka pwedeng mawala sa kompanya ni Brian Jhon. Paano na lang ang mga plano namin ni Papa at paano na ang kompanya namin lalo itong mababankrupt kung wala na si Jhon sa kompanya na siyang makakapuslit ng malaking halaga at magpabagsak sa matayog na Brian Terrona!" hindi mapigilang wika ni Trina.
"Aaahhhh!" sigaw ni Trina at tinapon ang kawak na kopita na may lamang alak.
Nang makauwi si Brian ay nagtaka siya ng hindi niya nadatnan ang asawa sa kanilang silid. Bigla siyang nag-alala at tinawagan niya ang mobile nito ngunit naka off parin iyon. Hindi na siya mapakali, ang laki ng kasalanan niya sa kanyang asawa. Nagawa lamang niya iyon kanina dahil natatabunan na siya ng selos. Ayaw na ayaw niyang may lalaking humahawak sa kanyang asawa lalong-lalo na si Jhon.
Mahal na mahal niya si Aira at ayaw niyang mawala ito sa kanya.
Lalabas na sana si Brian para muling hanapin ang asawa ng mapansin niyang nakaawang ng kunti ang pintuan ng dating silid na inookopa ng asawa.
Dahan-dahan niyang binuksan ito at nakita niya doon ang natutulog na asawa. Nilapitan niya ito at parang sinaksak ang kanyang puso ng makitang magang-maga ang mata nito sa kakaiyak.
Naupo siya sa sahig sa gilid ng kama at hinawakan niya ang kamay ng asawa.
"I'm sorry sweetheart. I'm sorry sa nagawa ko. Hindi ko lang napigilan ang selos ko kanina. Mahal na mahal kita Aira at ikakamatay ko kung mawawala ka sa akin."
Hindi napigilan ni Brian ang pagtulo ng kanyang mga luha hanggang sa abutin siya ng antok at nakatulog sa ganoong posisyon.
Kinabukasan ay nagulat si Aira ng pagkagising niya ay nakita niya si Brian na nakayuko sa kanyang kama habang hawak ang kanyang isang kamay. Mahinang niyugyog niya ang kanyang asawa.
"Brian wake up."
Pupungas-pungas namang dumilat ang mga mata ni Brian at tinitigan ang asawa.
"Sweetheart, I'm sorry sa nagawa ko kahapon. Nababalutan lang ako ng selos kaya ko nagawa iyon." pakumbabang wika ni Brian sa asawa.
"Ssshhh." sabad ni Aira.
"Kalimutan na natin iyon Brai. Tandaan mo lang palagi na mahal na mahal kita at hanggang kaya kong intindihin ka ay gagawin ko. Magtiwala ka lang sa akin." malumanay na wika ni Aira.
"Salamat sweetheart, mahal na mahal din kita. Sobra mo akong pinag-alala kagabi ng pag-uwi ko wala ka sa silid natin. Takot na takot ako baka tuluyan mo na akong kinamumuhian dahil sa nagawa ko."
Ngumiti si Aira at niyakap ang asawa. Nang maalala niya ang sinabi ni Jhon kahapon.
"Brai, bakit nga pala galit na galit si Jhon sa akin? At ano iyong sinasabi niya na ako ang dahilan ng pagkatanggal niya sa kompanya mo?"
"Huwag muna natin iyan pag-usapan ngayon sweetheart, may tamang oras para diyan. Now bangon ka na diyan at mag-ayos. Pagkatapos natin mag-agahan ay aalis tayo at mamasyal. Gusto kong makabawi sa mga kasalanan ko sa'yo mahal ko."
Masayang-masaya si Aira ng mga oras na iyon dahil naging okay na sila ng asawa at magkasama pa silang namamasyal ngayon.
Habang abala si Aira sa kakatingin ng mga damit sa isang botique at si Brian naman ay lumabas saglit dahil may kukunin sa kanyang sasakyang ng may biglang humila sa kanyang buhok.
"You bitch! Walanghiya ka talagang malandi ka!"
Ikanatumba ni Aira ang paghila ni Trina sa kanyang buhok. Agad pumaibabaw si Trina kay Aira at pinagsasampal niya ito.
Dahil sa kabiglaan ni Aira ay wala siyang nagawa para ipagtanggol ang sarili lalo pa't nakadagan si Trina sa kanya.
Pinagtitinginan na sila ng mga tao at wala man lang ni isa na lumapit para awatin si Trina. Hinang-hina na si Aira dahil sa mga sampal at sabunot na ginawa ni Trina sa kanya.
Nagtataka si Brian ng pagbalik niya ay nakita niyang nagkagulo sa loob ng botique. Dali-dali siyang pumasok at laking gulat niya ng madatnan niyang nakaibabaw si Trina at pinagsasampal ang kanyang asawa.
Sa galit ni Brian ay tinulak niya si Trina at tinulungang tumayo ang hinang-hina niyang asawa. Niyakap niya ito at pagkatapos ay hinarap si Trina.
"Hinding-hindi ko palalampasin ang ginawa mong ito sa asawa ko Trina!" dinuro ni Brian ang babae.
Sa gulat at takot ni Trina sa nakitang galit na galit na mukha ni Brian ay dali-dali na siyang umalis doon pero bago siya nakalayo ay narinig pa niya ang sinabi ni Brian.
"Magkita na lang tayo sa husgado Trina Samonte!" may diin na pagkasabi ni Brian saka binuhat na ang tulalang asawa papunta sa sasakyan at dinala niya ito diretso sa ospital.
Awang-awa si Brian sa asawa dahil sa daming pasa at kalmot sa mukha nito at nagiging tulala si Aira.
Si Trina naman ay parang wala sa sarili. Masaya siya dahil nakaganti na siya kay Aira ngunit natatakot siya ng maalala ang huling sinabi ni Brian.
"Anong gagawin ko kung totohanin ni Brian ang pagdemanda sa akin sa ginawa ko sa asawa niya? Ayaw kong makulong!"
Umuwi si Trina sa kanila at nang hindi niya madatnan ang asawa ay diretso ulit siya sa bar at kinuha ang pinakamatapang na alak at diretso niyang nilagok. Hindi alintana ang pait at tapang na lasa nito.
Walang kaalam-alam si Trina, Jhon at Mr. Samonte na may mas malala pala silang problemang kakaharapin.
BINABASA MO ANG
AIRA KASSANDRA
RomanceISANG simpleng probinsyana na may kaaya-ayang kagandahan at mayroong isang simpleng pangarap, iyon ay ang makaisang dibdib ang lalakeng buong puso niyang minahal na siya ring nagbigay ng sobrang pighati ng magpakasal ito sa iba, iyan si Aira Kassand...