MAAGANG pinuntahan nina Brian at Aira ang bahay ni aling Maribelle Quintana Gallaron, ang matalik na kaibigan ng kanyang inay.
"Tao po."
"Tao po."
"Sino iyan?"
"Si Aira po ito."
"Aira?"
"Oh Aira ikaw nga. Halika pasok kayo. Kumusta ka na hija? Ang tagal din nating hindi nagkita mula ng mawala ang iyong inay."
"Oo nga po, mabuti lang po ako. Siyanga pala asawa ko po si Brian." pakilala ni Aira sa asawa.
"Magandang araw po."
"Magandang araw din sa'yo Brian.
Ano bang maipaglilingkod ko sa inyo at talagang sinadya niyo pa ako dito?""May gusto lang po akong malaman tungkol sa nakaraan ni inay at sa aking ama. Alam ko pong may alam kayo kasi kayo lang naman ang pinaka matalik na kaibigan ni inay."
Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Aling Maribelle bago nagsalita.
"Ano ba ang gusto mong malaman hija?"
"Ang lahat-lahat po." himig pakiusap ni Aira.
Hinawakan naman ng mahigpit ni Brian ang kamay ng asawa bilang suporta.
Matagal bago nagsalita ang ginang at nakatingin lamang ito sa malayo.
"Walang inilihim sa akin si Jo." paumpisa ng ginang.
"Mga bata pa lang sila ng ama mo ay nagmamahalan na sila ngunit tutol dito ang mga magulang ng ama mo at pilit ipinakasal ang ama mo sa ibang babae. Sobrang nasaktan ang iyong ina ngunit kahit kasal na ang iyong ama ay palihim pa din silang nagkikita ng iyong ina at ganoon nga may namagitan sa kanila at nagbunga iyon. Masayang-masaya ang iyong ina at ang iyong ama Aira ngunit nalaman ito ng asawa ng iyong ama at binantaan sila na kapag patuloy pa silang magkikita ay ipapatay niya ang iyong ina at kayo ng iyong kapatid."
"Kapatid? May kapatid po ako?" biglang sabad ni Aira na hindi na mapigilan ang pagluha.
"Oo Aira may kapatid ka at kambal kayo. Dahil sa pagmamahal ng iyong ina sa iyong ama ay ibinigay niya dito ang iyong kakambal bilang ala-ala ng kanilang pagmamahalan kahit mahirap para sa iyong ina na mawalay sa kanyang isa pang anak." naluluhang salaysay ng ginang.
"Iyon din ang huling pagkakataong makita ng iyong ina ang iyong kapatid at ama dahil nagpunta na dito sa Davao ang iyong ina at wala na siyang naging balita sa iyong amang si Lucio Montiero."
"What! You mean si Don Lucio Montiero ang papa mo sweetheart!"
"Oo mahal ko." umiiyak na wika ni Aira.
"Ibig sabihin si Alex ang kakambal mo." hindi makapaniwalang saad ni Brian.
"Kilala niyo si Lucio at Alex?" takang tanong ng ginang.
"Opo. Matalik na kaibigan ko po si Alex."
"Napakaliit talaga ng mundo." saad ng ginang.
"Sandali, paano niyo po nalaman na Alex ang pangalan ng kapatid ko?"
"Nagpunta siya dito kahapon hija at nagtanong kung saan na kayo nakatira ng iyong ina at sinamahan ko siya sa puntod ni Jo ngunit hindi ko nabanggit ang pangalan mo kasi umalis din ako kaagad." mahabang sagot ng ginang.
"Ganoon po ba."
"Maraming, maraming salamat po aling Maribelle. Masayang-masaya po ako sa aking mga nalaman mula sa'yo."
"Masaya din ako hija na mabuo na ulit ang inyong pamilya kahit wala na si Jo." naiiyak na pahayag ng ginang at niyakap niya si Aira.
Bakas sa mukha ni Aira ang labis na kaligayahan ng makaalis na sila sa bahay ng kaibigan ng kanyang ina dahil sa natuklasan at hindi ito maikakaila sa asawa.
"I'm happy for you sweetheart lalo pa't nasa malapit lang pala ang pamilyang kaytagal mong inasam na makita kaya pala magka match kayo ng dugo ni Alex kasi magkapatid pala kayo at kambal pa."
"Oo sweetheart. Walang pagsidlan ng kaligayahan ko ngayon. At salamat din at nandiyan ka palagi sa tabi ko."
"Dahil mahal na mahal kita Aira."
"Mahal na mahal din kita Brai."
Niyakap ng mahigpit ni Brian ang asawa.
Agad dumiretso si Aira at Brian sa puntod ng kanyang ina ngunit dumaan muna sila sa isang flower shop para bumili ng bulaklak at kandila.
Pagkaraan ng ilang sandali ay ang daang patungong sementeryo na ang binabagtas ng kotseng nirentahan ni Brian. Nang makarating ay agad pinark ni Brian ang sasakyan malapit sa gate ng sementeryo at magkahawak kamay silang naglakad papasok.
Nagtataka si Aira nang may dalawang lalaki ang nakatayo paharap sa puntod ng kanyang ina. Hindi niya agad nakilala dahil nakatalikod ito sa kanila.
Nang makalapit na sina Aira at Brian ay saka pa lamang humarap ang dalawa na kapwa nagulat ng makita sila.
"Pare?"
"Mare? Anong ginagawa niyo dito?Kaninong puntod ang dadalawin niyo?" takang tanong ni Alex.
Hindi na napigilan ni Aira ang pagpatak ng kanyang mga luha at dahan-dahang lumapit sa puntod ng kanyang ina.
"Inay nandito na po ako. Nandito din po si Papa at ang kapatid ko. Kompleto na tayo inay." hagulgol ni Aira.
"You mean ikaw ang twin sister ko Aira?" gulat na wika ni Alex at tiningnan niya ang naluluhang ama.
"Oo Alex, ako ang kakambal mo."
"Oh Papa kaytagal kong pinangarap na makita at mayakap ka." wika ni Aira sa gitna ng kanyang hagulgol at agad niyakap ang naluluhang ama.
"Oh anak kaytagal ko ding pinangarap ang sandaling ito."
"Papa mahal na mahal ko kayo ni Alex. Walang pagsidlan ng kaligayahan ko sa kaalaman na ikaw pala ang kakambal ko." patuloy na iyak ni Aira at sabay na niyakap ang dalawang taong kaytagal nawalay sa kanilang mag-ina.
Hindi rin mapigilan ni Brian ang pagluha sa nasaksihan. Masaya siya para sa kanyang asawa at sa kanyang matalik na kaibigan at bayaw.

BINABASA MO ANG
AIRA KASSANDRA
RomansaISANG simpleng probinsyana na may kaaya-ayang kagandahan at mayroong isang simpleng pangarap, iyon ay ang makaisang dibdib ang lalakeng buong puso niyang minahal na siya ring nagbigay ng sobrang pighati ng magpakasal ito sa iba, iyan si Aira Kassand...