Kabanata 21

34 2 0
                                    

MATULING lumipas ang mga araw at kabuwanan na ni Aira. Masayang magkahawak kamay ang mag-asawa habang namamasyal sa isang mall. Lahat ng madadaanan nila ay napapalingon dahil sa kasweetan ng dalawa na kahit bilog na bilog na ang tiyan ni Aira at paika-ika na itong maglakad ay hindi parin nababawasan ang kanyang angking ganda at ang kanyang gwapong asawa na proud na proud sa pag-alalay sa buntis na asawa.

"Sweetheart maupo muna tayo doon sa bench at alam kong pagod na pagod ka na."

"Mabuti pa nga Brai at sumasakit na ang balakang ko sa kakalakad."

Ngunit bigla natigilan si Aira dahil sa biglang paghilab ng kanyang tiyan. Napansin naman agad ito ni Brian at labis siyang nag-alala dahil sa namumutla na ang kanyang asawa.

"Sweetheart is there something wrong?"

"Sweetheart ang sakit ng tiyan ko. Manganganak na yata ako."

"What! ahm wait, sandali!
Paano ba ito sweetheart?" tarantang wika ni Brian.

"Brian dalhin mo na ako sa ospital. Ano pang hinihintay mo? Baka dito pa ako abutan ng panganganak sa loob ng mall!" sigaw ni Aira sa asawa.

Saka pa lang nakahuma si Brian at dali-daling binuhat ang asawa papunta sa kanyang sasakyan. Ingat na ingat itong inihiga sa likod ng sasakyan at agad na pinasibad ang kanyang kotse papuntang ospital.

"Brian bilisan mo, manganganak na ako. Hff....Hfff.."

"Hold on sweetheart, malapit na tayo sa ospital." awang-awa na si Brian sa asawa dahil hirap na hirap na ito at naliligo na ito sa pawis.

"Ahhh Brian ang sakit sakit na. Hindi ko na kaya!" daing ni Aira na lalong ikanataranta ni Brian.

"Damn!"

"Damn!"

Galit na napasuntok sa manibela si Brian dahil naipit na sila sa traffic. Agad siyang lumabas ng kanyang sasakyan at lumipat sa gawi ni Aira. Balak niyang buhatin na lang ang asawa tutal malapit na ang hospital kaya na niya itong takbohin.

"Brian ano bang ginagawa mo? Bilisan mo na at lalabas na si baby!" sigaw ni Aira.

Nagulat na lang siya ng bigla siyang buhatin ni Brian at itinakbo papunta sa ospital.

Kahit hirap na hirap na si Brian at nangangatog na ang kanyang mga tuhod sa kakatakbo ay tiniis parin niya alang-alang sa kaligtasan ng kanyang mag-ina.

Nakarating din sa wakas si Brian sa harap ng ospital at agad silang sinalubong ng mga nurses at agad inilipat si Aira sa stretcher at dinala sa delivery room.

"Sweetheart just be strong okay! Everything will be alright." wika ni Brian sa asawa.

Nang makarating sa delivery room ay hi di na pinapasok si Brian ng nurse na nandoon kaya nagtiyaga na lamang siyang naghintay sa labas.

Padausdos na naupo si Brian sa sahig dahil sa naramdamang pagod. Naalala niya ang kanyang mga magulang at agad niya itong tinawagan upang ipaalam na manganganak na si Aira.

Maya-maya lang ay humahangos na dumating ang kanyang mama at papa kasama si Manang Mila. Pinakuha na din niya sa kanilang driver ang kanyang sasakyan.

"Son kumusta na si Aira?"

"Wala pa akong balita Mama. Hindi pa lumalabas ang Doctor na umasekaso sa kanya. Kinakabahan na nga ako Mama."

"Just be strong anak. Magiging ligtas din ang mag-ina mo manalig ka lang sa panginoon."

"Tama ang Mama mo anak. Kailangan magpakatatag ka alang-alang sa iyong mag ina."

"Salamat Mama at Papa at nandiyan kayo."

AIRA KASSANDRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon