Kabanata 13

44 2 0
                                    

KAHIT hirap na hirap na ang matandang driver dahil sa natamong sugat ay nagawa parin nitong gumapang papasok sa loob ng mansyon at kinuha ang telepono para tawagan ang among lalaki.

"Kring!...kring!...kring!..."

Excited na sinagot ni Brian ang kanyang cellphone ng makitang galing sa mansyon ang tawag sa pag-aakalang ang asawa ang tumawag.

"Hello."

"Hello sir Brian." nanghihinang wika ng matanda.

Pagkarinig ni Brian sa boses ng kanyang driver na parang hinang-hina na ay labis na siyang kinabahan.

"Sir Bri....an si Ma'am Aira po."

"Anong nangyari sa asawa ko Manong?" napasigaw na tanong ni Brian dahil sa takot na baka kung ano na ang nangyari sa asawa.

"Si..si...Ma'am Aira po di...nu...kot." putol putol na wika ng matanda.

Dahil sa nalaman ay agad tumakbo palabas ng opisina si Brian na ipinagtaka ng nakasalubong niyang kaibigan.

"Pare bakit anong nangyari?" takang tanong ni Alex.

"Alex ang asawa ko dinukot daw. Kailangan kong umuwi ng mansyon."

"Ano? Sige pare sasamahan kita."

Sabay na nga silang lumabas ng kompanya. Halos paliparin na ni Brian ang kanyang sasakyan sa bilis ng pagpapatakbo nito.

Ilang minuto lang ay narating na nila ang mansyon at naabutan nga nila ang kanyang duguang driver. Agad namang tumawag ng ambulansya si Alex para madala agad sa ospital ang matanda.

"Manong ano ba talaga ang nangyari?" tanong ni Brian

"May anim na lalaki pong pumasok dito at paglabas nila buhat-buhat na nila si Ma'am Aira. Sinubukan kong tulungan ang asawa mo ngunit binaril ako noong isa sa mga lalaki." kahit hinang-hina na ay pinilit parin ng matanda na magpaliwanag. Maya-maya ay dumating na nga ang ambulansya at isinakay na ang matanda.

Hinanap din ni Brian si Manang Mila at nakita niya ito sa loob ng CR nakagapos at may takip ng panyo sa bibig. Tinanggal niya ang tali at agad naman siyang niyakap ng matanda.

"Diyos ko anak si Aira kinuha nila, huhuhu!" umiiyak na wika ng matanda.

"Dito muna kayo Manang. Magpapapunta ako ng mga pulis dito para magbantay sa inyo at hahanapin ko lang ang asawa ko." agad na wika ni Brian.

Pagkalabas ni Brian ay nakita niya si Alex na kinalagan ang guwardiya na nakatali sa guard house at agad niya itong tinanong.

"Nakita mo ba kung sino ang dumukot sa Ma'am Aira niyo?"

"Nakita ko sir pero tanging ang sasakyan lamang ang naalala ko kasi minsan na din itong nagpunta dito at babae ang may dala." sagot ng guard.

Sa narinig ay lalong umusbong ang galit ni Brian dahil alam na niya na si Trina ang may pakana nito.

Pagkatapos noon ay agad din silang umalis ni Alex at dumiretso sila sa presento.

Agad kinausap ni Alex ang hepe para magpapunta ng ilang mga pulis sa bahay ni Brian para magbantay.

Si Brian naman ay pinuntahan si Jhon.

"Nasaan ang asawa mo? Saan niyo dinala ang asawa ko?" galit na tanong ni Brian kay Jhon.

"Wala akong alam Brian. Wala na akong balita kina Trina dahil mula ng makulong ako ay ni minsan hindi siya nagpakita dito." sagot ni Jhon..

"Hayop ka Trina! Pagbabayaran mo ng mahal pag may masamang mangyari sa asawa ko!" sa galit ni Brian ay pinagsusuntok niya ang pader at inawat naman siya ni Alex.

"Kalma lang pare, mahahanap din natin ang asawa mo. Pinapakilos ko na ang mga kasamahan kong agent."

"Hindi ko na alam pare kung ano pa ang kaya kong gawin pag may masamang mangyari kay Aira! Makakapatay talaga ako ng tao!"

Hindi na napigilan ni Brian ang umiyak. Awang-awa naman si Alex sa kaibigan. Kahit si Jhon ay naawa na din sa dating amo nito at nag-alala din siya para sa kaligtasan ni Aira.

May naisip na paraan si Jhon kung paano nila mapapalabas si Trina at kinausap niya si Brian at Alex. Sa una ay ayaw pumayag ni Brian ngunit ng maisip niya ang kanyang asawa ay sumang-ayon na din siya sa plano nito.

Samantala sa lugar kung saan dinala si Aira.

"Hayop ka talaga Trina!" sigaw ni Aira dito.

Pero halakhak lamang ang sagot ni Trina habang nilapitan niya ang nakataling si Aira at pinagsasampal niya ito. Halos panawan na ng ulirat si Aira dahil sa dami ng sampal na binigay ni Trina sa kanya.

"Matagal na kitang gustong patayin Aira. Dahil sa'yo hindi ako magawang mahalin ng asawa ko dahil ikaw parin ang laman ng puso niya! At dahil rin sa'yo nagka letse-letse na ang buhay ko!" sigaw ni Trina sabay hila sa buhok ni Aira.

"Pero bago iyon pahihirapan muna kita, hahahaha!" malademonyong tawa ni Trina.

"Maawa ka Trina pakawalan mo na ako! Itigil mo na ito!" pagsusumamo ni Aira.

"Hahahahahaha! Awa? Kahit kailan hindi ako maaawa sa'yo punyeta ka!" sigaw ni Trina at sinampal na naman niya si Aira.

Hinang-hina na si Aira. Halos hindi na niya maibuka ang kanyang mga mata dahil sa mga pahirap na tinamo galing sa kamay ni Trina.

"Hala sige ipasok niyo iyan sa silid at itali sa kama. Si Papa na ang bahala sa kanya!" utos ni Trina sa mga tauhan na agad namang tumalima.

Halos naglalaway na sila habang tinititigan ang nakataling babae sa kama dahil sa napakagandang katawan nito at napakakinis na balat, ngunit kailangan nila magpigil pasasaan ba't matitikman din nila ito pag nagsawa na ang kanilang amo.

Wala ng ibang nagawa si Aira kundi ang umiyak. Awang-awa na siya sa kanyang sarili pero kahit ganoon paman, kailangan niyang lakasan ang kanyang loob. Alam niyang hindi siya pababayaan ng Panginoon at ng kanyang asawa.

AIRA KASSANDRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon