Kabanata 01

113 2 0
                                    

HALOS paliparin na ni Brian ang kotseng kanyang nirentahan habang nandito siya sa Davao dahil kinakailangan niyang makarating sa simbahan kung saan ikakasal ang anak ng kanyang business parter na isa sa kanyang mga tauhan sa kanyang kompanya. Wala sana siyang balak dumalo subalit nakikiusap naman ang kanyang kaibigan kaya pinagbigyan na niya ito.

Nang makarating sa simbahan diretso siyang umupo sa pinakahuling upuan dahil nagsisimula na ang seremonya. Napansin ni Brian na hindi siya  nag-iisa sa upuan at sa kabilang dulo nito ay merong nakaupong babae na umiiyak habang nakayuko.

Napapailing na lang c Brian at itinuon ang pansin sa altar.

Samantalang si Aira naman kahit nasasaktan siya sa nangyari ay pinilit parin niya magpunta sa simbahan para saksihan ang pag-iisang dibdib ng lalaking pinakamamahal niya sa babaeng ipinalit sa kanya dahil lang sa pangarap nito. Hindi na nakayanan ni Aira ang sakit at ang titig ng lalaking katabi niya sa upuan kaya nilisan na lang niya ang simbahan na puno ng pait at pighati ang nararamdaman.

Samantalang pagkatapos ng kasal ay dumiretso na ang bagong kasal at mga bisita sa hotel kung saan gaganapin ang reception.

"Congratulations sa inyong dalawa Trina at Jhon. Brian dear buti nakarating ka akala ko irereject mo ang invitation namin, thank you ha!"

"Jhon take good care of Trina. Huwag mo siya paiiyakin."

"I will sir!" sagot ni Jhon sa sinabi ni Brian.

Naisipan ni Brian na itanong kina Trina at Jhon tungkol sa babae kanina sa simbahan.

"Jhon kilala niyo ba iyong babae kanina sa simbahan na umiiyak? Akala ko kasi one of your guest na late na din dumating pero ng mapansin ko siyang umiiyak bigla na lang umalis."

"Forget about her Brian. Maybe she's just Jhon ex-girfriend na hindi matanggap na ako ang pinakasalan ni Jhon at hindi siya." sagot ni Trina.

"Ah ganoon ba, o siya sige guys mauna na ako sa inyo kasi need ko pa bumalik ng Maynila. Best wishes sa inyong dalawa."

"Ok brian thank you sa pagpunta mo ha at take care dear."

Hanggang makarating si Brian sa hotel na kanyang tinutuluyan ay hindi parin mawala sa kanyang isipan ang babaeng nakita niya sa simbahan.

Lingid sa kaalaman nila Jhon ay nagtatanong na si Brian about sa babae at napag-alaman niyang Aira, ang pangalan at dito din sa Davao nakatira. May nabuong plano sa isip ng binata at napapangiti na lang siya sa kanyang naisip.

Diretsong umuwi ng bahay si Aira, mula sa simbahan dahil sa mag-isa na lamang siyang nakatira doon dahil ulilang lubos na siya at nag-iisang anak lang din. Pagkapasok pa lang sa sala ay bumuhos na ang mga luha niya at kulang na lang ay magwala siya dahil sa sobrang sakit na kanyang naramdaman.

"Bakit Jhon? Bakit mo nagawa sa akin ito? Kulang pa ba iyong pagmamahal na ibinigay ko sa'yo at nagawa mo pa akong saktan at ipagplit sa mayamang babae na iyon dahil lamang sa iyong mga pangarap? Nasaan na iyong pinangako mo sa akin Jhon na magpapakasal tayo at mamuhay ng simple? Nasaan na jhon? Pagsisihan mo ang ginawa mong ito sa akin Jhon! Magmamakaawa ka rin sa akin pagdating ng panahon at pinapangako ko iyan Jhon!" di mapigilang sigaw ni Aira habang walang tigil sa pagdaloy ng mga luha sa kanyang mga mata.

Sabay buhos ng napakalakas na ulan na para bang nakikidalamhati din ang langit sa luhaang dalaga. Hanggang sa makatulugan na lang ni Aira ang pag-iyak. Hindi na inalintana na hindi pa siya kumakain buong araw dahil wala na din siyang ganang kumain.

Kinabukasan sa hotel kung nasaan si Brian ay may kinakausap siyang tao sa kanyang cellphone.

"Gawin mo iyong pinapagawa ko.  Handa akong magbayad kahit magkano makita niyo lang ang pinapahanap ko, okay!"

"Sir walang problema. Ako na ang bahala. Tatawagan na lang kita pag nagawa ko na ang pinapagawa mo sa akin."

"Okay, salamat aasahan ko iyan."

Nang matapos ang pag uusap na iyon  ay nahulog sa malalim na pag-iisip si Brian. Ang daming naglalaro sa kanyang isipan kung paano at ano ang tamang hakbang na kanyang gagawin para lamang makapaghiganti sa taong sumasabotahe sa kanyang kompanya at kung mapapasunod ba niya ang taong iyon para makatulong sa kanyang mga plano.

Sa hotel naman kung saan nag check-in ang bagong kasal.

"Hon parang ang lalim ng iniisip mo?" tanong ni Trina sa asawa.

"Wala hon."

"Siguro iniisip mo na naman ang babaeng iyon noh?" galit ni saad ni Trina.

"Pwede ba Trina tumahimik ka! Bakit ba nasali na naman dito si Aira, ha?"

"Dahil alam kong hangang ngayon ay mahal mo parin ang babaeng iyon!"

"Ano bang pinagsasabi mo diyan ha? Heto na nga oh kasal na tayo, mas pinili kitang pakasalan kaysa kanya!"

"Okay fine! Lets end this conversation. Supposedly it's our honeymoon pero heto tayo nagtatalo. Sorry hon kung inungkat ko pa ang tungkol sa inyo." hinging paumanhin ni Trina kay Jhon.

"Okay let's forget about it, okay? Ang importante ngayon, tayong dalawa." niyakap ni Jhon si trina pero sa kanyang isipan andoon si Aira.

Sobrang nagi-guilty si Jhon sa nagawa niya kay Aira pero mas nangingibabaw parin ang kanyang mga pangarap at tanging ang pagpapakasal kay Trina lamang ang pinakamadaling solusyon para matupad iyon kahit ba ang totoo ay mahal parin niya ang kanyang dating kasintahan.

Kinabukasan pagkagising ni Aira ay nag-uunahan na naman sa pagpatak ang kanyang mga luha dahil sa tindi ng sakit na kanyang nararamdaman. Palagi lang siyang nakatunganga sa kawalan, walang ganang gumawa ng kahit ano. Wala din siyang mga kaibigan na pwedeng maiyakan dahil nasa malalayong lugar din ito nakatira.

Sa kabilang banda naman ay nakatanggap ng tawag si Brian mula sa taong kanyang inutusan.

" Kumusta na iyong pinapagawa ko sa'yo?" tanong ni Brian.

"Okay na po boss. Nagawa ko na iyong mga iniutos mo sa akin."

"Magaling! Sige magkita na lang tayo para maibigay ko na iyong bayad ko sa serbisyo mo at makuha ko na rin iyong mga detalye."

"Areglado boss."

Nang matapos mag-usap ay dali-daling nag ayos si Brian para makipagkita na sa taong inupahan niya.

Kinagabihan ay masayang umuwi si Brian sa hotel para magpalit ng damit at mapuntahan iyong taong pinapahanap niya pero bago iyon ay dumaan muna siya sa siya sa tindahan upang bumili ng isang napaka importanteng bagay.

Habang sa daan ay pangiti-ngiti pang nagmamaneho si Brian.

Si Aira naman ay nagkukulong parin sa kanyang kwarto at impit na umiiyak sabay buhos ng malakas na ulan.

FLASHBACK

"Aira pinapangako ko kapag nakaipon na ako ay uuwi ako dito sa Davao at magpapakasal na tayo."

"Jhon hihintayin kita. Panghahawakan ko ang pangako mo. Mahal na mahal kita mahal ko."

Nang araw na iyon ay umalis si Jhon papuntang Maynila dahil doon siya idenistino ng kanilang head sa kumpanyang pinapasukan niya.

END OF FLASBACK

"Napakasinungaling mo Jhon! Manloloko! Manggagamit!" histirikal na sabi ni Aira ng biglang may kumatok sa pinto.

Ipinagsawalang bahala ni Aira ang katok dahil wala siya sa mood tumanggap ng bisita pero makulit ang nasa labas kaya napilitan ang dalaga na buksan ang pinto at napatda siya sa kanyang nakita.

AIRA KASSANDRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon