MASAYANG namamasyal ang magkapatid. Magkahawak-kamay pa silang dalawa habang naglalakad papasok sa isang restaurant sa loob ng mall na para bang magkasintahan kung iyong titingnan.
Nang maka-order na ng pagkain si Alex ay agad nitong pinuntahan ang kapatid na nakaupo na sa may mesa.
"Ganito pala ang pakiramdam ng may kapatid Alex, napakasaya." wika ni Aira sa kapatid.
"Kahit ako man sis, ngayon ko lang naramdaman ang ganito kasaya iyong makasama ang pinakamaganda kong kakambal." sagot ni Alex.
"Hmmpp, pinakamaganda talaga ha! Eh ako lang naman ang nag-iisang kakambal mo!" nakasimangot na sagot ni Aira at hindi na nila napigilan ang magtawanan.
Biglang natigil ang kanilang pagkukulitan ng may dalawang babaeng lumapit.
"Well! Well! Look who's here? Ang magaling na asawa ni Brian Terrona nakikipaglandian sa iba. Sana binigay mo na lang si Brian sa akin bago ka naghanap ng iba girl!" panghihiya ni Elizabeth kay Aira, ang kanyang dating nurse.
"Poor Brian, ang akala niyang matinong asawa ay makati din pala." patuloy na wika ni Elizabeth.
Biglang napatayo si Aira at hinarap ang babae.
"How sweet of you Elizabeth. Huwag mo akong igaya sa iyo na halos maglulumuhod na sa pagmamakawa sa asawa ko para lang maging kerida niya! How pathetic!"
Akmang sasampalin ni Elizabeth si Aira dahil sa pagkapahiya nito lalo pa't pinagtitinginan na sila ng mga tao ngunit mabilis na sinalo ni Alex ang palad ng babae.
Huwag na huwag mong masampal-sampal ang kapatid ko kundi pagsisisihan mo ang gagawin ko sa'yo!" galit na wika ni Alex.
"By the way Elizabeth, meet my fraternal twin brother Alexis Montiero." pakilala ni Aira dito sa nakakalokong paraan.
Bigla namang napahiya si Elizabeth at nakaramdam ng takot ng malamang isang Montiero si Aira kaya dali-dali itong umalis palayo ng restaurant.
"Thanks bro."
"No need sis, I'm always here to protect you." agad niyakap ni Alex ang kapatid.
Nang makauwi sa mansyon si Aira ay kinuwento niya sa kanyang asawa at mga biyenan ang nanyari at labis silang nagtawanan.
"Mabuti iyon sa kanya hija, talagang walang kadala-dala ang babaeng iyon." wika ng kanyang biyenang babae.
"Oo nga Mama eh."
"Paano ba naman kasi nababaliw siya sa asawa ko."
"Naku sweetheart hindi ko na kasalanan iyan. Basta para sa akin nag-iisa ka lang dito sa puso ko Mrs. Aira Kassandra Montiero Terrona."
"Hmmp ang sweet naman ng asawa ko." hinalikan ni Aira ang tungki ng ilong ni Brian.
"By the way hija, ilang araw na lang at kasal niyo na."
"Oo nga Mama at excited na ako."
"Ako man sweetheart and i know this time wala ng mga hadlang."
"Tama ka diyan hijo at masaya kami ng Mama mo para sa inyo. Isa pa malaki na si Gab, pwede niyo ng sundan." sabad ng Papa ni Brian.
"Oo nga naman hija, ika nga the more the merrier." dagdag pa ng ginang na ikinatawa nilang lahat.
Pagsapit ng gabi ay masinsinang nag-uusap ang mag-asawa sa may hardin. Magkatabi silang naupo habang kalong ni Aira si Gab.
"Brai paaano kung may masama na namang mangyari sa kasal natin?"
"Sssshh, sweetheart huwag ka mag-isip ng ganyan okay. Wala nang manggugulo sa araw ng kasal natin isa pa kinausap na namin ni Alex ang mga kasamahang agent niya dati na maging alerto. At ginamit din ni Papa lucio ang koneksiyon niya sa militar para makatulong sa pagbantay.
"Natatakot lang ako Brai. Ayokong maulit pa iyong nangyari na halos ikamatay ko na. Hindi ko kayang isipin na mawawala kayo sa akin." naluluhang wika ni Aira sa asawa.
"Walang mawawala sweetheart, i swear that to you." mahigpit na niyakap ni Brian ang kanyang mag-ina.
"By the way sweetheart, pwede ba nating dalawin ang puntod nina Jhon bago ang ating kasal?"
"Walang problema sweetheart kung iyan ang makakapagpaluwag sa iyong kalooban. The day before our wedding dadalawin natin ang kanilang mga puntod."
Day before the Wedding
Magkahawak-kamay si Brian at Aira habang nakaharap sa puntod nina Jhon, Trina at Mr. Samonte.
"Jhon saan ka man ngayon sana masaya ka na. Buong puso akong nagpapasalamat sa'yo sa pagligtas mo sa amin ni Brian. Utang namin sa'yo ang aming mga buhay, maraming maraming salamat. Hindi kita malilimutan Jhon dahil naging bahagi ka ng aking nakaraan." hindi mapigilan ni Aita ang pagpatak ng kanyang mga luha. Naramdaman na lamang niya na niyakap siya ng kanyang asawa.
"Trina kahit kailan hindi ako nagtanim ng galit sa inyong mag-ama. Napatawad ko na kayo sa anumang nagawa niyo sa aming dalawa ni Brian. Ipapanalangin ko ang katahimikan ng inyong kaluluwa." patuloy na wika ni Aira.
Nag-alay muna ng dasal ang mag-asawa para sa tatlong namayapa na naging bahagi ng kanilang mga buhay kahit ito'y sa masamang paraan.
Maya maya lang ay nag desisyon na ang mag-asawa na lisanin ang lugar na iyon kasabay ng pangakong sama-sama nilang haharapin ang mga pagsubok na darating pa sa kanilang pagsasama na magkahawak-kamay.
BINABASA MO ANG
AIRA KASSANDRA
RomanceISANG simpleng probinsyana na may kaaya-ayang kagandahan at mayroong isang simpleng pangarap, iyon ay ang makaisang dibdib ang lalakeng buong puso niyang minahal na siya ring nagbigay ng sobrang pighati ng magpakasal ito sa iba, iyan si Aira Kassand...