Her Pov:
Nakapikit ang aking mga mata habang kinakapa ko ang higaan kung saan nakahiga si Brikezon, ngunit ng hindi ko siya makapa ay iminulat ko ang aking mga mata.
"Brikezon..." Sambit ko at kinusot kusot ang mata. Mapikit pikit pa akong tumingin sa kwarto at hininahanap siya.
Because of what I did last night, we slept in the guest room. Maganda ang tulog ko dahil natulog kami sa iisang kama ni Brikezon at unti unti narin siyang naging sweet sa akin.
Hindi rin mawala sa isip ko ang pagsuot niya ng singsing sa kamay ko, ang pagyakap at ang mapusok na paghalik niya sa labi ko na talaga nga namang ikinabaliw ko. Kagabi tuloy ay nag pupuot ako at nagbabakasakaling halikan niya ulit ako ng mapusok ngunit hindi niya ginawa, nauna pa siyang natulog sa akin. Hmmp! But that's okay as long as we're okay and he hugged me until I fell asleep.
Umupo ako at napahimas sa tiyan ko umuumbok na ito dahil mag 5 months narin si baby sa susunod na linggo. Time flies so fast...
"Good morning my baby. I'm really sorry that Mommy always cry, but look at Mommy right now! Mommy is happy because Daddy is making her happy." Nakangiting sambit ko habang hinimas himas parin ang tiyan.
Malapit nang mag 5 months ang tiyan ko at wala pa akong naiisip na pangalan, nahihiya rin akong magtanong kay Brikezon dahil gusto kong siya ang magsabi agad sa akin kung ano ang ipapangalan sa anak namin.
Hindi ko alam kong anong oras na dahil nasa kwarto namin ang phone ko at wala ring clock sa guest room.
4:46 pa ng umaga.
Ang aga aga naman gumising ni Brikezon.
I smiled as I suddenly thought that he might be preparing something for us to eat. Itong lalakeng ito, tinotoo nga talaga niya ang sinabi niyang babawi siya sa akin.
Pero natatakot ako. Sa pinapakitang ganito ni Brikezon, natatakot ako na bigla na naman magbago ang pakikitungo niya sa akin. Natatakot ako na muli na naman niya akong saktan at natatakot ako na babalik na naman siya sa Brettrian na iyun.
Sa tingin ko ay busy pa si Brettrian kaya't hindi pa sila nagkikita ni Brikezon. Alam ko ring isang tawag lang ni Brettrian ay mabilis ring aalis si Brikezon sa tabi ko para mapuntahan siya.
Pero sa ngayon...
Sa akin na muna si Brikezon Bretrian, maaari ba?
Alam kong nalilito at nagugulan ako kay Brikezon. Alam kong may relasyon sila ni Brettrian matagal na pero ngayon, dahil sa sinabi nitong mahal niya ako ay naguguluhan ako. Hindi ko alam ang pinagsasabi niya gayong mahal niya si Brettrian.
But I also thought that maybe he was being forced because his family wanted him to marry that girl.
I shook my head and took a deep breath. Ayan na naman ako! Nag iisip ng kung ano ano!
Lumabas ako sa guest room at dumungaw sa ibaba kung saan makikita ko ang living room. Brikezon was not there. Humihikab na bumaba ako sa hagdan at nang makarating sa ibaba ay pumunta ako sa kusina ngunit hindi ko parin siya mahanap.
Medyo kinakabahan narin ako dahil baka iniwan na niya ako. Ito pa naman ang nakikita kong scene kapag nanonood ako ng palabas.
BINABASA MO ANG
In His Painful Arms
RomanceIHPA: Mrs. Roxanne Vallico Cilligaz. It's a beautiful name and she's very lucky because she just married the owner of the biggest and successful hotel in the world. Ang kanyang asawa ay tinaguriang napaka galing na businessman sa buong mundo na tala...