IHPA 16

98 9 1
                                    

Her Pov:


Hindi parin ako makapaniwala na nakaya kong umalis sa bahay na iyun- o sa sabihin na natin na naglayas dahil wala na akong planong bumalik. I have so many reasons why I don't want to go back and I hope I won't regret my decisions.

Pagkatapos akong makalabas sa hospital two days ago ay namalagi na muna ako kay Dominic para doon muna pansamantala na manuluyan. Hindi na muli pa ako nakabalik sa bahay dahil sila Dominic at Delaney ma mismo ang kumuha ng mga gamit ko kaya wala na akong babalikan sa bahay na iyun.

Alam kong malayo layo pa ang byahe kaya dala dala ko na ang mga pagkain na talagang gusto kong kainin habang bumabyahe.

"So..." Binalingan ako ng tingin ni Dominic. "... naka move on kana?" Tanong nito. Agad rin naman niyang ibinalik ang tingin sa daan.

Panandalian akong natahimik. Gusto ko ng peace of mind, kaya nga gusto ko munang bumalik sa amin. Iyong tanong ni Dominic... ewan ang hirap sagutin!

"Nevermind. The thing is okay ka ngayon at okay si Baby." Napangiti ako atsaka tumango.

"Hindi mo naman kailangan pa na ihatid ako." Ilang ulit ko na itong sinabi sa kanya simula ng sabihin kong namimiss ko na si Mama at kaya kaya ayun napagdesisyonan niyang ihatid ako doon sa amin. Pero bago kami nagplano na magbyahe ay nagtanong tanong pa si Dominic sa doktor at salamat dahil pinayagan kami.

"Anong ihatid? Magbabakasyon rin ako sa inyo."

"Hindi ka pwede don." Sabi ko na nagpasimangot sa kanya. "Masyado ka kasing pogi kaya araw araw dadalawin ang bahay namin ng mga reporter." Sabi ko atsaka sumubo ng cookies.

"Ayaw mo non, makakabenta kayo ng marami kapag nandoon ako."

"Kung sabagay may silbi rin pala ang mukha mo." Tumawa lamang siya sa sinabi ko at pinipilit na sabihin at aminin ko nalang na pogi siya.

Walang tigil ang kulitan namin ni Dominic hanggang sa makarating kami sa amin. Ipinarada na ni Dominic ang sasakyan sa harap ng bahay namin.

Pagbaba ko palang ay nagsitinginan na lahat ng mga kapitbahay namin. Alam kong kilala na nila ako dahil naibalandra na ang mukha ko sa media. Wala rin namang silbi ang magpadisguise pa dahil makikichismis lang sila sa bahay namin kapag nakita niya na kaming pumasok.

Narenovate na ang bahay kaya naman napakamaaya ng tignan, ayun nga lang wala parin kaming gate.

"Roxanne!" Sinalubong ako ng yakap ni Mama ng makita niya ako. Parang hindi pa siya naniniwalang nandito na ako sa harapan niya dahil sinusuri nya ang buo kong katawan. "Alfred! Nandito na ang anak natin!" Natatawa nalang ako dahil parang bata si Mama. Hinila niya ako papasok sa bahay at doon ay bumungad sa akin si Papa na patapos ng magluto.

Lumapit rin siya sa akin at niyakap ako. Nagkamustahan kami at nagulat sila ng may pumasok pa na isang bisita.

"Ikaw ba ang anak ni Sir John?" Tanong ni Papa na hindi parin makapaniwalang nakatingin kay Dominic. Naiilang nalang na tumango si Dominic.

"Naku! Ang gwapo mong bata!" Puri ni Mama na nagpainit sa pisngi ni Dominic.

Para namang hindi sanay na pinupuri ng marami!

"Ang bata mo pa noon noong huli kitang nakita."

When they saw that Dominic had put my belongings, Mama looked back at me.


"Ang dami naman yata ng gamit mo anak?" Hindi ko na maitago sa kanila ang malungkot na dahilan ng pag alis ko.

"B-babalik na po ako dito Ma." May dalang lungkot at saya ang nararamdaman ko. Malungkot dahil kakalimutan at iiwan ko na siya at masaya dahil makakasama ko na uli sina Mama at Papa.

In His Painful ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon