IHPA 02

139 10 2
                                    

Her Pov:

Ilang oras kaming nagpalipas ng gabi sa parke at hindi man lang nag iimikan. Nang mahimasmasan ako ay napatingin ako sa katabi ko at hinawakan ang namamaga niyang sugat sa mukha.

"Bumili na muna tayo ng gamot." He turned to me when I spoke, he smile and held both of my hands.

"Roxanne, makipag divorce ka nalang sa kanya." Nagmamakaawang aniya.

Kahit noon pa man ay napaka sweet na talaga ni Dominic. Sabi pa niya kanina ay isuot ko daw ang jacket dahil ayaw niyang lamigin kami ni Baby.

Muli ay sinabi na naman ni Dominic ang sinabi niya kanina. Hindi ako umimik at nag isip ng mabuti. Oo, hindi ako mahal ni Brikezon pero hindi ako makikipaghiwalay dahil ayaw kong isipin ng anak ko na wala siyang ama at walang kompletong pamilya.

I explained this to Dominic. Tila natigilan siya at sa huli ay napatango at sinabing naiintindihan niya ako.

"But we can just get married and I will take responsibility for the child and I will be a good father to him. I promise I'll be a good second father, Roxanne." Dominic said pleadingly. I laughed softly at what he said.

"What kind of joke is this Dominic?" I asked him while laughing. Even then, Dominic was really good at joking and if you didn't really know him, you would think that what he said was true.

"Hindi ako nagbibiro." Ang nakangiting mukha ko ay napalitan ng seryosong pagtitig sa kanya.

Hindi ko alam kong saan nanggagaling ang mga sinasabi niya ngayon dahil ilang ulit na nitong sinabi sa akin na hiwalayan si Brikezon. Mukha nga talagang hindi siya nagbibiro maging si Delaney sa akin, nang sinabi niyang may gusto ang Kuya niya sa akin.

"You know Dominic, that hurts a lot." I said and pointed to the wound on his face. This is the only way I can see to divert the conversation we had earlier. "I'm sorry kung nasuntok ka ni Brikezon, napakaliit lang kasi ng pasensya ni Brikezon at agad agad na nagagalit-"

"Let's not talk about him anymore." He said causing me to stop talking. Tumayo ito at saka pinatayo ako. "Tara, kumain na muna tayo." Anyaya niya at sabay na kaming naglakad papunta sa kotse.

Hindi kami nag imikan ng nakapasok na kami sa sasakyan niya. Nakatikom lang din ang bibig ko habang hindi pa rin maalis sa isip ang nangyari kanina sa bahay maging sa sinabi ni Dominic sa akin.

Dominic told me several times that he likes me but I ignored all of that and thought that it was just his method to annoy and make fun of me.

Dumaan muna kami sa 7/11 para doon bumili ng gamot sa sugat niya, gusto ko man siyang samahan ay hindi ko magawa dahil pinagbawalan niya ako. Hindi na rin ako nagulat na ang tagal niyang makabili dahil  pinagdagsaan na siya ng mga kababaihan.

Sikat na doktor si Dominic at talaga nga namang gwapo kaya maraming mga babae ang nagkakagusto sa kanya.

Nang makarating siya ay nagrepresenta na ako na mismo ang gumamot sa sugat niya. Hindi na rin siya umayaw dahil pinilit ko talaga siya.

Para bang naging pipi kaming dalawa dahil hanggang sa makarating kami sa restaurant at matapos kumain ay hindi pa rin kami nag iimikan.

"Doon ka na muna sa condo ko manatili ngayong gabi." Sabi niya pagkatapos naming makapasok sa loob ng kotse. "Hindi kita basta basta mahahatid sa penthouse ni Delaney gayong wala tayong card niya at paniguradong nasa bar na naman ang babaeng yun." Dagdag pa niya. Tumango lamang ako at kagaya kanina ay hindi na naman kami nag imikan.

In His Painful ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon