IHPA 10

59 9 1
                                    

Her Pov

"Good morning." I was still yawning while answering the call.

"Congratulations anak! Nasa tv at social media kana!" Napaayos ako ng upo at tinignan ang cellphone. Si Mama pala ang tumatawag.

"Hi Ma! Good morning!" Masigla kong bati sa kanya.

"Good morning din. Aynako! Mag aalas dyes na! Ngayon ka palang bumangon?" Tanong ni Mama.

"Hayaan mo na. Buntis ang anak natin, kailangan niya ding magpahinga." Sabi ni Papa.

"Good Morning Pa."

Itinabon ko nalang ang kumot sa hubad kong katawan.

"Kumain ka na ba?"

"Hindi pa nga po Pa." I answered. I placed the cellphone on the side table and pressed the loudspeaker.

"Ano?! Anong hindi ka pa kumakain?! Hindi ka ba inaasikaso ng demonyo mong asawa?!"

"Ano ka ba naman Alfred! Kailan ba inasikaso ni Brikezon ang anak natin?!" Napasinghap ako at napatingin sa lalakeng nasa pintuan na pala at may dalang tray ng pagkain.

I smiled sweetly at him. I know he heard what Mama and Papa were saying. He placed the tray on the side table and helped me sit on the edge of the bed.


Wala na ang kumot na tumatabon sa hubad kong katawan kaya naman hubo't hubad akong tinignan ni Brikezon pero agad ring huminto ang pagtingin niya sa lumulubo kong tiyan.

Nag puot ako habang nakatingala kay Brikezon. Nakasuot pa siya ng apron. Dahan dahan kong inilandas ang kamay ko sa gitna niya dahilan para magulat siya. Pinigilan ko ang sarili na matawa dahil sa reaksyon niya.

"Ma. Inaalagaan naman ako ni Brikezon. Heto nga oh, ipinagluto niya ako." Pagtatanggol ko kay Brikezon.

Alam kong nakikitawag lang si Mama sa kapitbahay namin tapos mahina rin ang signal doon kaya madalang lang kaming nag uusap.

"Sus! Wag mo ng ipagtanggol si Brikezon!" Napatingin ako kay Brikezon dahil nakatingin lang ito sa cellphone ko na nasa side table.

"Wag mo ngang babanggitin ang pangalan ng demonyong yan Mary!" Suway ni Papa kay Mama. "Sinabi ko na naman sayo Roxanne! Hindi mo kailangang pakasalan ang lalakeng yan! Kaya kong suportahan ka at ang apo ko!" Hindi na ako sumagot sa sinabi ni Papa. Ganito naman talaga lage si Papa.

Napabaling ako kay Brikezon na nakatayo parin sa harapan ko. Napahawak ako sa kanya at niyakap siya. Hindi siya nagsasalita at alam kong nasasaktan siya dahil sa mga sinabi ni Mama at Papa.

Mapaglaro ko siyang nginitian ng maramdaman ko ang matigas na pagkalalake niya. Tipid niya akong nginitian at mabilis na hinalikan sa labi. Agad rin akong bumitaw ng maalalang hindi pa ako nakakapagsipilyo.

"Pa, Ma. Magpapadala ako ng pera para makapagsimula kayo ng kahit na maliit na negosyo diyaan."

"Ay nako Roxanne! Wag na! Kaya pa naman namin ni Antonio na magtrabaho." Napabuntong hininga nalang ako dahil sa katigasan ng ulo ni Mama.

"Roxanne, iyang ipapadala mo samin itabi mo nalang para makauwi ka dito. Takasan mo nalang yang lalakeng yan, hindi nga ako sigurado kong totoo ba yang kasal ninyo gayong bali balita na may relasyon yang asawa mo kay- ano ngang pangalan nong babae?" Inilayo pa ni Papa ang telepono. "Oo! Iyong Brettrian." Napatalikod ako kay Brikezon atsaka kinuha ang cellphone.

"Maghanap ka nalang ng iba Anak, wag ka ng umasa sa lalakeng yan." Sabi ni Papa. Para bang pinalo siya ni Mama dahil napadaing ito.

"Anak, hindi sa kumakampi ako sa Papa mo ha, pero may punto rin naman siya. Maghanap ka nalang ng lalakeng mamahalin at tatanggapin ka Anak. Tignan mo naman kami Roxanne, mahal na mahal namin ang isa't isa kahit na mahirap ang buhay namin." Mabilis kong pinindot uli ang button para hindi na marinig pa ni Brikezon ang pinagsasabi ni Mama.

In His Painful ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon