Her Pov
Napahinto ako sa pagtakbo ng makarating ako sa napakalawak na pinto dito sa hallway. Panigurado akong ito ang tinutukoy ng nurse kanina dahil wala na namang ibang pintuan dito. May mga waiting chair sa magkabilang gilid ng pintuan at may iilang tao roon na nakaupo. May mga umiiyak at ang ilan naman ay nakatungo.
Nanatili akong nakatayo sa harap ng pintuan. Nakasirado ito at para bang wala akong lakas na itulak ang pinto. Naghahabol ako sa aking hininga pero ramdam na ramdam ko pa rin ang malakas na pagpintig ng puso ko.
Mortuary
Basa ko sa napakalaking sign sa itaas ng pintuan. Hindi ko matanggap na sa ganitong kwarto ko makikita ang taong pinakamamahal ko. May kung ano sa kalooban ko na hindi matanggap ang pangyayari kaya naman napaatras ako at nawalan na ng lakas para pumasok sa loob.
Mas lalo ko atang hindi matatanggap kung makikita ko si Brikezon sa loob. Iisipin ko nalang na nasa bahay siya naghihintay sa amin.
"R-roxanne." Tawag ng isang pamilyar na boses sa akin.
Napatingin ako sa nakabukas ng pinto, at tama nga ang hinala ko si Ma'am Lyra nga ang tumawag sa akin.
Nanatili ako sa pwesto ko. Hindi ko maigalaw ang katawan ko pero ang kamay ko'y nanginginig na sa takot dahil mas lumalakas ang hinala kong
Iniwan na ako ni Brikezon.
Nakatitig din sa akin si Ma'am Lyra. Bakas sa mukha niya ang sobrang pag iyak dahil namamaga rin ang mata niya. Kahit na nanlalabo na naman ang mata ko dahil sa mga luha ay napansin ko pa rin ang namumuong luha sa mata niya.
Sa isang iglap lang ay natagpuan ko na ang sariling napayakap na rin kay Ma'am Lyra nang mabilis niya akong sinalubong upang yakapin. Napakahigpit ng pagkakayakap niya sa akin at sa bawat hagulgol niya ay nararamdaman ko ang labis na sakit na nararamdaman niya.
Walang salitang namagitan sa amin. Tanging ang aming pag iyak na nangangahulugan ng paghihinagpis. Nanghihina na rin ang tuhod ko kaya naman napaupo na ako sa sahig habang si Ma'am Lyra ay napaupo na rin at hindi pa rin ako pinakakawalan.
"M-my s-son." Sabi niya sa kabila ng malakas niyang paghagulgol. "M-my b-boy. M-my s-son, R-roxanne. M-my s-son i-is s-sleeping. H-he w-won't w-wake up." Mas lalo akong napahagulgol dahil hindi ko makayanan ang mga pinagsasabi ni Ma'am Lyra. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at mahigpit akong hinawakan sa magkabila kong balikat. Nalusaw na ang kalorete sa kanyang mukha habang nakatingin sa akin. "P-please, w-wake h-him u-up R-roxanne. I-I know h-he w-will l-listen t-to y-you. H-he w-will." Napapahikbi nalang ako habang nakatingin din sa mga mata niya.
"L-lyra." Tawag ni Mr. Antonio na nagpapukaw sa aming atensyon. Lumapit siya kay Ma'am Lyra at tinulungan itong tumayo. "K-kailangan mo ng magpahinga. H-hali ka, magpatingin na muna tayo sa doktor." Hinawakan niya sa baywang si Ma'am Lyra para suportahan ito sa pagtayo dahil para bang nanghihina na ang katawan ni Ma'am Lyra.
"N-no, n-no Antonio. K-kailangan ako ng anak ko." Aniya habang napapailing pa. Nginitian siya ni Mr. Antonio at pinilit pa itong maglakad. "I said no! Nandito na si Roxanne!" Sigaw niya at itinuro ako. "Mapapagising niya ang anak natin dahil nandito na siya!"
BINABASA MO ANG
In His Painful Arms
RomanceIHPA: Mrs. Roxanne Vallico Cilligaz. It's a beautiful name and she's very lucky because she just married the owner of the biggest and successful hotel in the world. Ang kanyang asawa ay tinaguriang napaka galing na businessman sa buong mundo na tala...