Her Pov
"Okay ka lang ba?" Ilang ulit akong kumirap bago tumingin sa salamin kung saan nakikita ko si Brikezon na nasa likuran ko na pala.
Simula nang nag-usap kami ni Mr. Antonio ay palagi nalang akong tulala. Matapos nga ang usapan namin ay sinamahan niya ako sa hospital at doon na rin ako sinundo ni Brikezon. Nag-aalala pa siya at ilang ulit na nagtanong kong bakit kami nasa hospital ng Dad niya.
"O-oo naman." Tipid ko siyang nginitian at saka sinuklayan ang mahaba haba ko na ring buhok. Napahinto nalang ako nang yumukod siya at hinawi ang hibla ng buhok ko na tumatabon sa kaliwang leeg ko.
"M-may hindi ka ba sinasabi sa'kin?" Tanong niya pagkatapos isiniksik ang mukha sa leeg ko.
Nakikiliti ako sa ginagawa niya pero ayaw ko din naman siyang sitahin.
"Hmm?" Hindi ko siya sinagot.
Sa totoo lang gusto ko siyang sumbatan na ikaw lang naman ang may hindi sinasabi sa'kin!
Sinunod ko lage ang sinasabu ng Obi ko. Natatakot na rin kasi akong makunan kaya kahit ang hirap ng dinadala ko ngayon ay pilit kong kinakaya para sa anak ko. Pero sa kabila ng mga ginagawa ko ay hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko na umiyak dahil naiisip ko palang na mawawala sa akin si Brikezon ay nahihirapan na akong huminga, parang may paulit-ulit na pumipiga sa puso ko.
"May sinabi ba sayo si Dad?" Tanong niya muli kahit na ilang ulit ko na siyang sinagot diyan.
"W-wala. Huwag mo nalang akong pansinin." Umayos naman siya ng pagkakatayo dahil sa sinabi ko.
Natahimik kaming dalawa. Busyng busy ako sa pagsusuklay ng aking buhok habang siya ay nasa likod ko na nakahawak sa magkabila kong baywang at dahil malikot ang iamay niya ay narating niya ang umuumbok kong tiyan.
"I can't wait," Napatitig nalang ako sa kanya ng bigla siyang nagsalita. "I can't wait na maging asawa kita." Ang labi ko ay unti-unting umangat at gumuhit nang nakangiti dahil sa sinabi niya.
Para bang lahat ng mga iniisip ko kanina ay biglang nawala ng sinabi niyang 'yun, samahan mo pa ang nakangiti niyang mukha na napatingin sa akin.
Itinigil ko na tuloy ang pagsusuklay at hinarap siya. Kahit kailan talaga distraction siya! Hindi ko na matuloy tuloy ang pag-eemote ko dahil kapag nakikita ko siya ay nawawala lahat ng mga hinanakit at masasakit na iniisip ko.
"Talaga lang?" Nakangising tanong ko saka ko siya niyakap. Hindi ko na mapigil ang pagtawa ko ng magsimulang maglakbay ang kanyang kamay sa katawan ko. Nakakapanindig balahibo kaya mabilis akong kumalas.
Napansin niya atang namumula ang mukha ko kaya naman tinudyo tudyo niya pa ako. Napatawa nalang ako.
"Tara na salas! Matulog na tayo!" Nagsimula na akong maglakad at iniwan siya sa banyo.
Hindi ko naman mapigilang matawa ng marinig ang pagtawa niya.
"Nice! Doon natin gagawin!" Napailing nalang ako dahil sa sinabi niya.
Nang makarating sa tent na nandito sa salas ay agad akong pumasok. Dito na kami natutulog simula ng malaman ko ang totoong kalagayan ni Brikezon. Maliban sa nahihirapan akong umakyat sa hagdan ay ayaw ko din na kargahin niya ako. Mahihirapan siya don at masama yun sa kanya.Napasinghap nalang ako ng bigla siyang pumasok sa tent at pangibabawan ako.
"Ano ba! Gosh! Ang baby natin!"
BINABASA MO ANG
In His Painful Arms
RomantizmIHPA: Mrs. Roxanne Vallico Cilligaz. It's a beautiful name and she's very lucky because she just married the owner of the biggest and successful hotel in the world. Ang kanyang asawa ay tinaguriang napaka galing na businessman sa buong mundo na tala...