IHPA 07

73 9 1
                                        

HER POV:

It was as if someone was holding my leg because I couldn't move it. I just stayed in the elevator and what he said didn't seem to sink into my brain. Alam kong hindi malinaw, dahil hindi niya naman talaga sinabi ng harap harapan kung nasaan nga ba si Brikezon, pero para bang...

Sinasabi niya na nandirito si Brikezon.

Kaya ba dito niya kami pinapunta?

Nagpahila ako sa taong humila sa akin, nanlalabo ang mga mata kong napaangat ng tingin kay Jozuke.

"Your tears won't do anything dahil tuloy ang kasal nila." Sabi niya at pinagkrus ang braso.

Ang galing! Gumaan talaga ang pakiramdam ko sa sinabi niya!

Kinusot ko nalang ang mata ko para hindi na tuluyan pang tumulo ang nagbabadyang mga luha.

P*sting luha! At p*sting Brikezon!

Ito ba ang sinasabi niyang nais niyang ipakita sakin?!

Super great!

Sana'y hindi niya nalang sinabi, dahil talagang bumuti ang pakiramdam ko!

"Alam mo hindi exemption ang dahilan na buntis ka kaya hindi mo pa dapat malaman ang mga ito." Taas noo ko siyang binigyan ng tingin dahil nabasa na naman niya ang nasa isip ko at ang malala pa ay talagang taliwas ako sa sinabi niya. "...dahil kahit pa masakit itong nalaman mo and for sure alam mo naman kong anong nakakasama sa baby mo kaya tatagan mo ang sarili mo. Kahit masakit labanan mo at hindi magpapaapekto." Napatitig ako sa kanya.

May kwenta rin pala siyang kausap.

"Hali ka, at pagmasdan mo ang asawa mo na hindi naman para matauhan ka." Wala na akong reklamo at nagpahila sa kanya.

Hindi ko alam kong anong klase ng theme itong floor na ito at hindi ko narin pinansin pa na walang kahit isang costumer ang nasa table pati iyung mga staff na nandito sa floor na nag bow ng makita si Jozuke ay hindi ko masyadong binigyan ng pansin. Mas namumukudtangi kasi ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Siguro nga, tama si Jozuke baka kailangan ko pang masaktan ng tudo para mamanhid ang puso ko at baka... tuluyan naring mawala ang nararamdaman ko sa kanya.

I want to laugh because he messaged me earlier.

Nangangamusta siguro dahil nakokonsensya.

Pvtainga lang talaga!

Pumasok kami sa isang private room at mula roon ay nakita ko si Brikezon at si Brettrian. Naka angkla pa ang braso nila habang nakangiting pumunta sa table kong saan nakaupo ang magandang babae na mukhang nanay ni Brettrian at...

Ang pamilya ni Brikezon.

Alam kong hindi nila ako-- o kami nila nakikita dahil sa klase ng salamin na pumagitna sa amin.

"Go ahead, keep staring hanggang sa mamanhid ka." Anito at umakbay sa akin. "Pagkatapos kapag napagod kana, iiyak mo lang lahat at tapos niyan tatagan mo ang sarili mo at humanap ng mga paraan para sumaya ka at hindi ma stress."

Patuloy lang sa pagtalak si Jozuke, may mga bagay at lugar siyang sinasabi para mawala ang stress at sakit na nararamdaman ko.

Hindi ko alam pero nanatili parin ang tingin ko sa kanila. Now they sat down and seemed to be waiting for another guest. Napakahaba rin ng lamesa na sa tingin ko'y kasya sa sampung tao.

In His Painful ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon