Her Pov
Naging madali lang ang byahe namin papunta sa bahay. Medyo maaga pa pero siguradong- sigurado akong gising na sina Mama at Papa. Araw- araw na na routine nila ang paggising sa umaga para sa paghahanda nang kanilang paninda sa palengke.
"Sigurado ka ba talaga na pupunta ka sa amin?" Hindi ko alam kong ilang ulit ko na ba itong itinanong sa kanya. "Paano kong may makakilala sayo?" Nag aalalang tanong ko.
"Roxanne..." Mahinang sambit niya sa pangalan ko. "Tutuloy ako. Siyaka ano naman ngayon kung may makakilala sakin?"
"Hindi ka ba nag agahan?" Tanong ko sa kanya dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Siyaka isa pa, hindi ko siya nakitang kumain kaya naman baka nga may kung ano nang sumanib sa kanya.
Mahina siyang napatawa. Napatitig naman ako sa kanya habang siya ay nakatingin parin sa dinadaanan namin.
"Roxanne. Don't worry. Wala namang mawawala kung makikila nila ako. Masama bang dalawin ang pamilya nang asawa ko?" Napaiwas ako ng tingin nang nginitian niya ako nang nakakaloko.
"W-wag mo nga akong tawanan." Suway ko sa kanya pero dahil sa pagsuway ko ay mas lalo pa siyang tumawa.
"Why should I? I love making you blush my love." He said.
At dahil sa sinabi niya tila ba napunit na ang labi ko sa pagngiti.
Nang makarating kami sa bahay ay agad na kumuha ako ng cap at mask para ipasuot kay Brikezon. Ilang ulit niyang sinabi sa akin na hindi na naman kailangan pero hindi ako nagpatinag sa kanya. Sa huli, wala siyang nawaga at isinuot nalang ang binigay ko.
Napatingin ako sa labas. May mga kapitbahay na kaming gising na naglilinis sa kanilang bakuran. Paniguradong walang humpay na naman ang pakikiusiro nila kapag makita ako at maging itong lalake na kasama ko.
"Brikezon!" Nakaawang ang labi ko na napatingin kay Brikezon ng nauna na itong lumabas at umikot para pagbuksan ako ng pinto.
"Maligayang pagdating sa inyong bahay, Mahal kong asawa." Napapailing na napangiti ako sa ginawa niya. Inilahad niya ang kanyang kamay para tulungan ako sa pagtayo.
"Hindi na naman kailangan."
"Kailangan. Baka mapano ka sa pagtayo." Inabot ko ang kamay niya at nang makatayo ay sabay kaming pumunta sa mumunti naming bahay.
Hindi gaanong malaki ang bahay namin. Sakto lang talaga para sa aming apat. Ito at ang tindahan ni Mama at Papa sa palengke ang kanilang naipondar sa pagtatrabaho nila sa pamilyang Cilligaz.
Binuksan ko ang kahoy- kahoy naming gate para makapasok kami. Ngayong may pera na ako ay ipaparenovate ko itong bahay namin lalong- lalo na itong gate namin na hindi maayos.
Nang makapasok kami sa gate ay sakto namang bumukas ang pinto at iniluwa nito sa Mama na may dalang bayong. Nagulat pa ito nang makita ako pero mas nagulat siya nang makita ang kasama ko.
"B-brikezon?" Ilang sandali niyang tinitigan si Brikezon bago ibinalik ang tingin niya sa akin. Mukhang nakuha ni Mama ang ibig sabihin kung bakit kami magkasamang nagpunta rito sa bahay. Idagdag mo pa ang magkahawak naming kamay.
"Magandang umaga po." Magalang na pagbati ni Brikezon at niluwagan ang pagkakahawak sa kamay ko para makapagpano kay Mama. Walang naging pag angal si Mama ng kinuha ni Brikezon ang kamay niya para makapagpano.
BINABASA MO ANG
In His Painful Arms
RomanceIHPA: Mrs. Roxanne Vallico Cilligaz. It's a beautiful name and she's very lucky because she just married the owner of the biggest and successful hotel in the world. Ang kanyang asawa ay tinaguriang napaka galing na businessman sa buong mundo na tala...
