Her Pov
"Why? What's wrong?" Tanong nang lalaking kinaiinisan ko simula pa kanina. Kahit hindi ko siya tignan, kitang- kita nang ikatlong mata ko ang nakakainis niyang pagngisi.
Nagtatanong pa siya eh alam na naman niya kung bakit ako nagkakaganito! Kung bakit ako naiinis! Kasi naman eh! Sabi niya mag-aano daw kami dito tapos nakarating nalang kami sa siyudad wala naman!
Pero ewan ko ba at may kong ano sa akin na naghihinayang! Ay ewan ko nalang!
"Hmm... ayaw mo ba talagang inumin to?" Inabot niya mula ang isang inumin na binili niya kani-kanina lang. Mabuti nalang at hindi niya nakalimutang magtakip nang mukha.
"Paulit-ulit! Ayaw ko nga!" Initulak ko nang bahagya ang inumin na inabot niya sa akin. Inilagay niya naman ito sa gilid.
"Are you mad?"
"Hindi no!"
"Should we do it here?"
"H-hindi na! Ayaw ko!" Mabilis ko na pagtanggi. Dahil sa sinabi niya mas lalo tuloy namula ang mukha ko.
May pa what's wrong and why pa siyang nalalaman! Alam niya naman! Kaembyerna!
"I'm really sorry, love. Sa bahay nalang, makakapaghintay ka pa naman diba?" Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya kaya naman napalingon na ako dito habang bahagyang nakabuka ang bibig.
"W-what? Are you saying na hindi ako makakapaghintay?" Itinuro ko pa ang sarili ko. Nginisihan niya naman ako.
"Kasi naman, nakakahalata na ako. Simula nang makasakay tayo sa car palagi ka nalang sumusulyap sa akin tapos mabilis mo ring iniiwasan ang tingin ko tapos may kasamang pag-irap pa."
"Wow lang! Di pwedeng trip ko lang tignan ka tapos irapan ka at iwasan nang tingin?!" Inayos ko ang pagkakaupo ko at naiinis na binalingan nang tingin ang seatbelt.
Hindi kasi ako komportable! Ang higpit! Malaki pa naman ang tiyan ko!
"What's wrong with you seatbelt?" Tanong niya nang mapansin ako na abala sa pagtanggal nang seatbelt. "Don't take it off! Roxanne! Put it on!" Sabi niya pa.
"This only mean one thing. Magdahan-dahan ka sa pagmamaneho. I don't like this d*am seatbelt just like you!" Ipinagkrus ko ang braso at deretsong nakatingin sa tinadaanan namin. Naniningkit ang mga mata ko at nag-aapoy ang mukha ko sa inis.
"Love..." Malambing na pagtawag niya sa akin. "Let's just do that in our house okay? Ayaw ko dito sa car."
"At bakit ayaw mo dito?! Di naman ako mapili!" Mabilis na sumbat ko sa kanya. Napatingin naman siya sa akin at mukhang natigilan. Maya-maya pa ay sumilay ang ngiti sa labi niya at dahil doon napaiwas ako nang tingin.
Sh*t! Bakit ko ba sinabi yun!?
"So... you really intended to do it here." Ewan ko kung question ba ang pagkakasabi niya dahil mas lumalambing kasi ang boses niya!
"W-what! H-hindi kaya!"
"Really? Pero iba yung sinabi mo kanina?" Mapaglaro niyang sabi at napapangiti pa.
"Brikezon naman eh!" Nagpapadyak pa ako at alam kong hindi na matago ang pamumula sa mukha ko.
"Hey! Be careful! Ang baby natin." Napahinto naman ako at mabilis na hinawi ang buhok na tumatabon na sa mukha ko.
BINABASA MO ANG
In His Painful Arms
RomanceIHPA: Mrs. Roxanne Vallico Cilligaz. It's a beautiful name and she's very lucky because she just married the owner of the biggest and successful hotel in the world. Ang kanyang asawa ay tinaguriang napaka galing na businessman sa buong mundo na tala...