IHPA 26

27 6 1
                                    

In His Diary

Life? What's the purpose of life? Bakit nga ba mabuhay pa ako? Wala namang kakwenta kwenta ang buhay ko! Nagdadala lang ako ng sakit sa buhay nina Mommy and Daddy and I feel sorry for then. Kung hindi nalang sana ako naging anak nila, hindi sila iiyak at mag alala sakin araw araw.

Sa tanang buhay ko nasanay na akong palaging nagpupunta sa ibang bansa. Itinatry lahat mg treatment pati na ang pag inom ng iba't ibang klase ng gamot. I'm used sa white ceiling at maging amoy ng hospital dahil parang nakatira na ako dito.

Boring...

May gadgets naman ako kaya nabawas bawasan na rin ang mga napaaakaboring na mga araw ko.

As always, naririnig ko na naman ang pag iyak ni Mommy kaya mabilis akong pumasok sa kwarto at naglagay ng heatset sa tainga. Pinalakasan ko na rin ang tugtog habang nagsusulat sa Diary ko.

Diary...

Hindi nararapat sa kagaya ko ang magsulat nato. Napakabaduy atsaka lalaki ako! Hindi ko din hilig ang magsulat pero kailangan ko na yata ang magsulat para maisulat lahat ng mga nangyayaring kaganapan sa buhay ko.

Hindi ko alam kung hanggang saan ang buhay ko at baka bigla nalang akong kunin. Wag pa naman sana kasi gusto ko pang makita ang crush ko.

Her name is Roxanne. Nakita ko siya noong nakaraang bakasyon. Walang pasok sa klase kaya naman isinama siya ng magulang niya rito sa mansyon.

Hindi naman lingid sa kaalaman ko na katulong ang mga magulang niya. Hindi siya mayaman pero nakuha niya ang atensyon ko.

Hindi ko nga makalimutan ang nangyari nang lapitan ko siya non sa hardin.

"Hala! Oy! May gwapo!" Napatakip pa siya sa bibig niya pero tapos na siyang sumigaw. "Oy! Ang gwapo mo naman! Ang putla mo nga lang!" Aniya atsaka natawa pa. "Tapos ang payat pa! HAHA! Hindi ka ba pinapakain?" Tanong niya.

Nagkasalubong ang kilay ko sa sinabi niya non at may bahagi sa kalooban ko ang nainis sa sinabi niya.

"Pinapakain ako ng magulang ko! Sadyang hindi na nila kasalanan kong ganito ang pangangatawan ko!" Napataas na rin ang boses ko dahil sa pagkainis.

"Sige. Sabi mo eh," aniya na para bang sumusuko.

Ang atensyon niya'y naibalik sa tinititigan niya kanina.

"Ano bang meron sa paruparo na yan at napapahanga ka?" Tanong ko maya maya.

"Maganda sila,"

"Oo nga, pero mabilis naman silang mamamatay. Anong silbi ng maganda nilang kulay kung hindi sila magtatagal sa mundo. Kung tama ako they can only live for one or two weeks,"

"Wow! Talino mo ha! Tsk. Tsk. Tsk. Pero alam mo ba kahit na maiksi lang ang buhay nila marami silang nagagawa, maliban sa nakakatulong sila sa pagpaparami ng halaman, nakakawala pa sila ng stris sa atin. Napapangiti tayo at napapahanga sa ganda nila," nakakunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. Nilingon niya ako at agad na bumungad sa akin ang napakalawak niyang ngiti.

"Hindi ko makuha ang pinupunto mo," sabi ko at napailing. "wala aking naintindihan sa sinabi mo."

"Ang gusto kong ipaintindi sayo, kahit na maiksi lang ang buhay nila, nakikita ang importansiya nila sa mundo atsaka lahat naman tayo ay mamamatay. Ang kailangan lang natin ay makita ang kahalagahan nito ayd lib or laybs to da polest." Aniya.

In His Painful ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon