Special Chapter 1:

38 8 1
                                    

Our Momories

"His beautiful." Nakangiting sabi ko habang nakatingin sa cellphone ni Delaney kung saan nandoon ang picture ng isang binatang lalaki.

"My god Rox! Wrong! Wrong! Wrong! Anong 'his beautiful?' My god! Nakakaloka ka!" Sabi ni Delaney at napapailing pa. Napahawak pa ito sa kanyang noo na talagang problemang problema sa akin.

"Bakit? Diba sabi mo ang ingles ng maganda ay beautiful. Maganda naman siya." Sabi ko sabay turo sa picture.

"Pero lalaki siya!"

"O? Ano ba dapat?" Nalilitong tanong ko at napakamot pa sa ulo.

"His handsome! Ganon!"

"Wag na nga lang tayo mag ingles! Ikaw kasi panay ingles ka!" Naiinis na rin na ani ko at umupo nalang ng maayos.

Ipinakita niya ngayon sakin ang napupusuan niya. Gwapo naman ang lalaki pero wala ng mas gwagwapo pa kay Brikezon.

Pero naiinis ako sa kanya!

Nakakainis siya! Sobra!

Yung tipong pinapansin ka niya, wala namang problema sa inyo pero bigla bigla ka niya nalang iiwasan! Tapos pag lalapitan mo magagalit! Wala naman akong maisip na dahilan niya para magalit siya sakin!

"Oh? Galit?" Hirit ni Delaney ng makita niyang ipinagkrus ko ang aking braso. "For sure kay Brikezon na naman to." Naiinis na aniya at napairap pa. "Gosh! Buksan mo nga ang mata mo Roxanne! Hindi ka type non!" Aniya at napatayo pa, nanlilisik ang mga mata niya kapag sinasabi niya ang pangalan ng iniibig ko." Oh! Wag mo sabihin sakin na hindi mo alam ang ibig sabihin ng type?! Oh gosh!"

"Ehhhhhh! Kasi naman ehhh!" Nasabi ko nalang at napapapadyak pa. Nandito kami sa likod na parte ng mansyon kaya alam kong walang makakakita o makakarinig sa usapan namin ngayon ni Delaney.

"Rox! Listen!" Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at pinilit na tumingin sa kanyang mata. "Hindi ka niya gusto, okay? Kita mo naman, hindi ka niya pinapansin! Ang mga ganyang klase na lalaki hindi pinagtutuunan ng pansin! Maghanap ka ng iba! Maganda ka! Nandiyan naman ang Kuya ko for sure! Kahit hindi niya sabihin alam kong may gusto yun sayo kaya go for it!" Mahabang sabi niya.

May mga naintindihan naman ako sa sinabi niya pero may mga ingles siyang sinabi kaya ilang ulit ko pang pinroseso sa utak ko.

"Ugh! Gosh!" Umayos siya ng tayo ng makita ang nalilitong mukha ko. Alam kong nakuha niyang nag iisip ako sa mga ingles na sinabi niya.

"D-delaney, talagang sadyang gusto ko siya." Sabi ko at napayuko ng makita ang nanliliit na mga mata niya. Pinaglalaruan ko nalang ang mga daliri ko at naghihintay sa panibagong hirit niya.

"Gosh! Gusto mo talaga yung mga maputi! My god! Hindi naman maputi si Brikezon! Maputla lang siya! Maputla! Walang abs! Malamya! Masakitin!"

"Ano ba Delaney!" Napataas na rin ang boses ko. Hindi ko na gusto ang pinagsasabi niya. Naiinis na ako!

Napatigil naman siya at maya't maya ay kumalma. Bumalik na rin siya sa pagkakaupo at umusog pa sa pwesto ko.

"S-sorry. Ikaw naman kasi puro ka nalang Brikezon, madami pa namang iba diyan."

"Eh, sa ayaw ko." Mahinang sagot ko sa kanya. Napatahimik naman siya at maya maya ay nagbukas na naman ng usapan.

In His Painful ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon