Her Pov
"Ha? Bakit?" Naghihinayang na tanong ko. Napahalumbaba na napayuko ako at napatitig nalang sa sahig.
"Hey..." Hinawakan ni Brikezon ang baba ko para mapatingin ako sa kanya.
Naiinis ako sa kanya! Ang sabi niya sabay kaming aalis ngayon para pumunta sa bahay nila. Kahit na kinakabahan ako inihanda ko na naman ang sarili ko sa sigaw at panlalait ng Mama niya pero ngayon, nagdesisyon siyang siya nalang ang pupunta at magpapadala ng imbitasyon sa kasal namin!
"You need to stay here." Masuyong sabi niya. "Malapit ka ng manganak at makakasama sa kalusugan mo kung sasama ka." Napabuntong hininga nalang ako.
Naiintindihan ko naman siya. Hindi naman talaga maganda kung sasama ako dahil malayo pa ang babyahiin tapos masilan pa ang pagbubuntis ko.
"Babalik din ako kaagad. Basta wag mong kalimutan ang bilin ko. Okay?" Natango nalang ako sa kanya ng habang tinitignan siya na nagsusuot ng coat. "Ang vitamins, okay? Kumain ka rin at tumawag ka kaagad sa akin kung may problema. May emergency button pindutin mo para makapunta agad-"
"I love you." Nakangiting sabi ko sa kanya.
Memorize ko na lahat ng paalala niya sa'kin.
"I love you, My Wife." Masuyo niya akong hinalikan bago nagpaalam sa akin na aalis na siya.
Napatitig nalang ako sa papalayong sasakyan. Siguro nga mas mabuti kung siya nalang ang pumunta, baka ma stress lang ako sa masasakit na salita na sasabihin ng Mama niya kapag makita niya ako.
Pumasok na ako sa loob ng bahay pagkatapos kung magmuni-muni sa labas. Napakaganda kasi ng tanawin at masaya ako kasi araw-araw ko itong masisilayan.
"HI" bati ko kay Dominic ng tinawagan ko siya.
"Hello." Sagot niya sa kabilang linya.
Natahimik tuloy ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Baka kasi masaktan siya kung sasabihin kong iniimbitahan ko siya sa kasal namin ni Brikezon. Well, inimbitahan ko na nga siya dati pero nahihirapan pa rin akong ipaalam sa kanya lalo ng alam ko na may gusto siya sa'kin.
"U-uhm..." Napabuntong hininga muna ako bago nagsalita. "I-ikakasal na kami ni Brikezon." Sabi ko. Naghintay ako ng isasagot niya pero ng wala ay nagpatuloy na ako. "Gusto ko sanang imbitahan ka. Alam kong busy ka pero kung makakapunta ka, mas sasaya ako." Napangiti nalang ako dahil alam ko na panigurado nakangiti ngayon si Dominic.
"Pupunta ako." Mas lalong lumawak ang ngiti ko ng marinig ang sagot niya. "Pero sigurado kaba sa desisyon mo na pakakasalan mo siya?" Hindi ako nakapagsalita dahil sa biglang pagseseryoso niya at ang mas nakakabigla pa ay dahil sa sinabi niya.
"O-oo naman. Siguradong-sigurado naman talaga ako sa kanya." Bahagya akong tumawa para alisin ang kakaibang nararamdaman ko na ilang buwan ko na ring dinadala.
Alam kong may hindi sinasabi si Dominic sa akin. Hindi nga ako kumbinsido sa sinabi niya noong tinanong ko siya kung ano 'yung red tablet.
"You really love him kahit masakit?" Napahinto ako at napangiti nalang.
Concern na concern talaga siya sa'kin.
"Oo."
"Well, maghihintay ako sa invitation."
Naging maganda naman ang pag-uusap namin ni Dominic. Hindi ko na rin inungkat pa ang tungkol sa pagtatanong ko sa red tablet. Ewan ko ba pero parang ayaw kong malaman kung anong klaseng gamot 'yun, para kasing naninikip ang dibdib ko at hindi ko maipaliwanag.
![](https://img.wattpad.com/cover/330303089-288-k564060.jpg)
BINABASA MO ANG
In His Painful Arms
RomanceIHPA: Mrs. Roxanne Vallico Cilligaz. It's a beautiful name and she's very lucky because she just married the owner of the biggest and successful hotel in the world. Ang kanyang asawa ay tinaguriang napaka galing na businessman sa buong mundo na tala...