IHPA 31

48 8 2
                                    

Her Pov

Nagising ako dahil sa liwanag na tumatama sa mukha ko. Napapapikit pa ako dahil sa nakakasilaw na liwanag nito. When my eyes adjusted to the light, I slowly opened my eyes and looked around. Nasa isang silid ako.

Napangiti nalang ako ng maalala kong bakit nandito ako sa hospital. Where is my baby? Gusto ko na siyang makita, mayakap at mahalikan!

Nagtataka na napatingin ako sa buong kwarto nang makitang wala man lang tao sa silid ko. Asan na ba sila? Natawagan na ba ni Brikezon ang Mommy at Daddy niya? Maging si Mama at Papa? Alam na kaya nina Dominic at Delaney na nanganak na ako?

Tatayo na sana ako nang makitang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Dominic at Delaney. Namamaga ang mata ni Delaney na para bang kagagaling lang sa pag iyak.

"Hey, Delaney!" Bati ko na dahilan para maagaw ko ang pansin nila.

Nanlaki pa ang mata ni Delaney bago lumapit sa akin at mabilis na niyakap ako.

"Hoy! Problema mo?" Natatawang tanong ko pa dahil narinig ko pa siyang humikbi sa balikat ko. "Ang arte mo yata ngayon!" Natatawang saad ko pa. "Asan na ang anak ko? Gusto ko na siyang makita." Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at napatayo ng maayos. Maarte niyang pinunasan ang luha sa mata habang nakatingala pa sa kisame.

"Dominic." Tawag ko kay Dominic na papalapit na rin sa puwesto namin. Nginitian niya ako at nginitian ko din siya pabalik. "Paki sampal nga sa babaeng ito at nagda drama na naman ngayon. HAHAHA." Natatawang sabi ko dahil umaandar na naman ang pagiging drama queen ni Delaney. Napatigil naman ako sa pagtawa ng makita ang seryosong mukha ni Dominic.

"Ano bang problema ninyo? Ang weird niyo ata ngayon?" Tanong ko pa dahil sa hindi ako sanay na tahimik sila.

Nakasanayan ko na ang pagbubunganga ni Delaney. Kung aandar man ang pagiging drama queen niya ay walang minuto siyang papalipasin na hindi aandar ang bunganga niya habang si Dominic naman ay panay ang pagrereklamo dahil sa pag iingay ni Delaney.

"May problema ba?" Natanong ko nalang.

"Hey, makikita mo na rin ang anak mo." Agaw pansin sa akin ni Dominic nang makita ang labis na pagtitig ko kay Delaney. Agad naman akong napatingin sa kanya na tila ba naghihintay na bumukas ang pinto.

Kumarera naman ang bilis ang puso ko ng isiping makikita ko na ang anak ko. Sandali ko lang siyang nasulyapan at ngayon ay magagawa ko na siyang titigan. Labis ang pagkapagod ko kaya naman hindi na nakayanan ng katawan ko at nakatulog.

Nang bumukas ang pinto ay pumasok doon ang dalawang nurse na ang isa ay dala dala ang anak ko. Abot langit ang ngiti ko ng dahan dahan itong inilagay mg nurse sa akin.

"Oh mooo! So cute!" Nakangiting sabi ko habang napapatingin sa baby. Natutulog ito at sa tingin ko'y magigising ko ito dahil sa ingay ko.

Hinawakan ko ang maliliit nitong kamay atsaka marahan na hinawakhawakan. Maging ang maliit nitong ilong at labi ay hinawakan ko din. Napapakagat ako sa ibabang labi dahil sa sobrang panggigigil.

"Ang gwapo." Sabi ni Delaney dahilan para mapaangat ako ng tingin sa kanya.

"Syempre! Manang mana sa Daddy eh!" Natatawang komento ko dahilan para matigilan siya at napatitig sa akin. Nang titigan ko din siya pabalik ay nag iwas siya ng tingin at itinoon nalang ang pansin sa baby ko.

Nagtataka man sa inasta niya ay binaliwala ko na lamang iyon dahil naaagaw ng atensyon ko si baby.

"O tignan mo! Dahil sa ang ingay ingay mo diyan nagising ang baby!" Paninisi sa akin ni Delaney pero hindi ko siya pinansin.

In His Painful ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon