IHPA 27

36 7 1
                                    

In His Diary


I'm freaking mad!

I heard them talking! Gusto nilang ipakasal ako kay Brettrian.

Ngayon ko lang nakilala ang babaeng anak nila Tita at Tito. Napakabait nila sa akin at hindi ko inaakalang kung gaano sila kabait ganoon din kasama ang anak nila!

She's a b*tch! I know it's too much Diary! But I really hate her!

Napakalandi niya!

Ang bata bata niya pa pero napakalandi na!

Kung magsalita akala mo nasa wastong gulang na.

And they want me to marry her?

Bakit ba gusto nilang pakasalan ko siya?! I don't want too!

Hindi ko siya gusto!

Maraming bagay sa kanya na kahit kailan man ay hinding hindi ko magugustuhan.

Nagtanong ako kay Mom, kung bakit kailangan ko pang pakasalan si Brettrian and you know what she said? She said I need to because she said so!

I don't understand! Sabihin niya nalang kaya sakin ng deretso!

Hindi ko kinausap si Mom and Dad. Galit ako sa kanila. Gusto nila akong ipakasal sa babaeng ngayon ko lang nakilala, really?! And what's worst ay gusto nilang magkamabutihan kami kaya hinayaan nila kaming magkasama ni Brettrian.

I can't stand near her! Kaunting lapit lang niya sakin ay naiirita na ako! Lalong lalo na kapag ngumingiti siya!

Kaya naman mabilis din akong umalis para iwan siya don mag isa.

She's pretty, I admit that. Pero maganda lang siya yun lang ang meron siya.

Mas maganda pa rin naman si Roxanne.

Tuloy ay namiss ko siya.


Tatlong araw daw kami magsta-stay dito sa Japan kaya wala akong magawa kundi ang magmokmok sa kwarto.

IKALAWANG araw na namin dito sa Japan. Dito na rin muna kami tumuloy sa bahay nina Tita at Tito. Ang bait bait nila sa akin kaya ang gaan gaan ng loob ko sa kanila.

Nang matanawan ko si Brettrian ay mabilis na nagbabago ang mood ko. Hindi ko alam kung anong meron sa babaeng ito at naiinis agad ako kapag nakikita ko siya.

May pinag uusapan sina Mommy, Daddy, Tito at Tita at tungkol na naman iyun sa bussiness. Habang kami naman ni Brettrian ay papunta sa silid niya.

Inutusan kasi ako ni Mommy na samahan siya. Psh! Bahay nila 'to, bakit ko pa siya sasamahan, hindi naman siya mawawala.

Mas lalo ko pa ata siyang kamumuhian diary dahil nainis ako sa sinagot niya sa akin.

Tinanong ko siya kung alam niya ba na ikakasal kami kapag tumungtong na kami sa iksaktong edad at ang sabi niya ay 'Oo'. Tinanong ko din siya kung bakit kami ikakasal at doon ako nanlumo.

We have a debt that needs to be paid and through our marriage we will be able to pay that.

Hindi kami mahirap! May pera kami kaya bakit hindi nalang namin bayaran? Nanghihirap ba ang pamilya namin ngayon? Dahil ba yun sakin?

In His Painful ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon