IHPA 30

40 8 2
                                    

His Pov

I'm inlove.

I'm always inlove with this woman.

I can't still believe that she is now officially my wife!

And i didn't regret anything.

Ito na ata ang huling maisusulat ko sa'king diary. Yeah! Diary! Such a bakla thing right! But yeah! May diary ako. Now that I care about my life. Now that I know what's the value of life and her, I'll cherish those memories.

I carefully entered the tent after hiding the diary in my walk in closet. Roxanne is currently sleeping. Ka buwanan na niya kaya naman tudo bantay ako

Ang bilis nga naman talaga ng oras...

I kissed her on the forehead before I left the tent. I woke up early. Parati naman. Hindi ako makatulog ng maayos. Natatakot kasi ako na baka hindi na ako magising at hindi ko na makita ang babaeng pinaka mamahal ko.

Tinignan ko ang itsura sa salamin at naglagay ng conceal para matakpan ang naglalakihan kong eyebags. Ayaw kong makita niya na ang haggard haggard ng mukha ko. Wala na nga akong abs, mukha nalang ang panlaban ko sa mga lalaking umaaligid sa kanya.

Kahit na ilang beses na niya akong pinili, natatakot pa rin ako na baka isang araw... mapagod na siya sa'kin.


Nang matapos ay nagtungo ako sa kusina. Gusto ko siyang ipagluto. Sa kadahilanang dahil gusto ko siyang pagsilbihan at saka baka ito na ang huling beses na ipagluluto ko siya.

P○ta! Nakakabakla! Pero oo natatakot ako.

Ayaw ko pang mawala. Ayaw ko pa siyang iwan. Gusto ko pang makita ang anak namin.

Napabuntong hininga ako nang maalala ang usapan namin ng doktor.

'Wala na talagang lunas, Brikezon. Hindi na kaya ng katawan mo para sa panibagong operasyon. Kahit na gawin mo pa ang operasyon wala pa ring kasiguraduhan. Mas malaki ang siyansang kapag gawin mo'to ay hindi ka na magigising. You only have 4 or 5 months. Kapag namimilipit ka na sa sakit ng dibdib mo, yan na ang pahiwatig na...'

Ipinikit ko ang mata at nagsimula nalang magluto. Hindi ko pa naman nararamdaman ang pamimilipit sa sakit ng puso ko. May mga oras lang na kumikirot ito tapos namumula ang balat ko pero kapag iniinuman ko naman ng gamot ay nawawala rin.

Pero kahit na ganon, hindi pa rin ako makampanti. 4 or 5 months. It's already 4 months. Kaya nga hindi ako makatulog.

"Anong niluluto mo?" Nagulat man ay hindi ko iyun pinahalata.

Ganon na ba kalayo ang nilakbay ng pag iisap ko kaya hindi ko napansin ang presensiya niya?

"Egg and bacon." Tugon ko.

Nang matapos kong maihain ang niluto ay taka ko siyang tinignan.

"W-what?" Kabadong tanong ko dahil sa kakaibang tingin niya. Mapaglaro ang kanyang mata kong tumingin sa akin.

"Where's my good morning kiss?" Tanong niya at inginuso pa ang kanyang labi.

Napangiti nalang ako sa inasta niya at mabilis siyang nilapitan matapos kong ilapag ang pagkain na niluto ko.

"Nagpapalambing yata ang asawa ko." Sabi ko pagkatapos kong hapitin ang baywang niya para mas mapalapit sa katawan ko. "May kailangan ka no?" Tudyo ko matapos kong halikan ang mapula pulang labi niya. "Hindi ka pa nag toothbrush?" Natatawang sabi ko dahilan para manlaki ang mata niya at mabilis na nag iwas ng tingin. Sinubukan niya pang itulak ako pero mabilis ko siyang pinigilan. Natatawa naman akong napatitig sa mapula na niyang mukha. "Mabago ka pa rin naman, love." Natatawang sabi ko.

In His Painful ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon