Her Pov
"B-brikezon?" Gulat na napatingin ako kay Brikezon nang pagbukas ko nang pinto ay siya na agad ang bumungad sa akin.Alam kong magsisimula na naman ang awayan sa pagitan nilang dalawa kaya naman nakikiusap na tinignan ko si Dominic.
"Why are you here at his condo?" He asked me without emotion.
He looks tired.
Ano kayang nangyari sa lakad nila?
"B-brikezon. Birthday ni Dominic ngayon kaya... kumain kami." Sagot ko at pilit na ngumiti sa kanya.
"So? Kailangan talagang sa condo kayo mag celebrate?"
"Brikezon, please..." Nagsusumamo ko siyang tinignan.
Napabuntong hininga siya at hinawakan ang kamay ko.
"Umuwi na tayo." Mariing sabi niya at hinila ako hanggang sa makarating kami sa parking lot.
Nang makapasok sa loob ng kotse ay binuhay na niya ang makina. Tahimik na binabaybay namin ang daan papunta sa bahay. Alam kong galit siya dahil dati na niyang sinabi sakin na huwag na huwag akong sasama kay Dominic pero kasi naman, kaibigan ko si Dominic at para ko narin siyang Kuya.
"Sorry." Sabi ko at naiiyak siyang tinignan.
Ayaw kong isipin na nagseselos siya dahil masakit kong mag assume pero sa inaasta at pinapakita niya kasi ay hindi ko maiwasang mag isip ng ganito.
"So, bakit nga sa condo?"
"Kase, gusto niyang ipatikim sakin iyung niluto niya. Hindi ko naman siya mahindian syempre kaibigan ko si Dominic." Hindi ko alam kong tama ba itong paliwanag ko sa kanya, wala kasi siyang imik hanggang sa makarating kami sa village.
As usual huminto kami at ibinababa ni Brikezon ang bintana at nagbigay ng card sa guard. Mahigpit ang security sa village na ito kaya naman kahit hindi nakasarado ang bahay ay walang makakapasok na magnanakaw.
"Roxanne sabihin mo, sinong mas masarap magluto si Dominic o ako?" Napatigil ako sa paglalakad papasok ng bahay ng bigla bigla nalang siyang nagtatanong ng ganyan.
Masarap naman talagang magluto si Dominic pero syempre mas masarap magluto si Brikezon kasi mahal na mahal ko.
"Ikaw syempre." Nakangiting sagot ko at nilapitan siya para yakapin. Tumugon naman siya sa yakap ko at hinalikan ako sa noo.
"Sa kusina lang ako, ipagtitimpla kita ng gatas." Nakangiting tinignan ko nalang si Brikezon ng pumunta siya sa kusina.
Ganito ang scenario namin ni Brikezon. Talagang hindi niya nakakalimutan kung ano ang dapat na inumin o kainin ko.
"Love!" Napatigil ako sa pag akyat sa hagdan ng tawagin niya ako. "Sabay na tayong pumunta sa kwarto para naman maalalayan kita." Palihim akong ngumiti sa sinabi niya. "And uhm, i love you." Hindi ko na mapigilan pang ngumiti at tumawa sa sinabi niya at inasta.
Nang sabihin niya kasi yun ay napakamot pa siya sa ulo pagkatapos ay mabilis na naglakad papunta sa kusina.
Dahil tuloy sa ginawa niya ay nakangiting naglakad ako at sinundan siya sa kusina.
"Aww. Ang Love ko ang sweet!" I teased him.
My smile grew even wider when I reached the dining area. There was food prepared there and there were also petals around. It looks like whoever decorated it really made an effort. Napaangat ang tingin ko ng marinig kong tinawag ako ni Brikezon.
BINABASA MO ANG
In His Painful Arms
RomanceIHPA: Mrs. Roxanne Vallico Cilligaz. It's a beautiful name and she's very lucky because she just married the owner of the biggest and successful hotel in the world. Ang kanyang asawa ay tinaguriang napaka galing na businessman sa buong mundo na tala...