EPILOGUE

53 7 0
                                    

~~~

Nagtataka na napatingin si Brikezon sa buong paligid. Napaaliwalas ng paligid at ang ganda ng sikat ng araw. Napapikit pa siya dahil sa nakakasilaw na liwanag.

Nagsimula siyang maglakad. Nagtataka siya dahil bakit nandito siya sa harden ng kanilang mansyon? Patay na ba siya? Ganito ba ang itsura ng langit?

Napahinto siya sa paglalakad ng makita niya ng malapitan ang paboritong puno sa kanilang harden. Nakaukit sa punong ito ang kaniyang iginuhit.

Iginuhit niya roon ang kanyang sarili, si Roxanne at ang kanilang anak. Magkawak kamay sila at nakangiti. Napangiti si Brikezon ng maalala ang naging reaksyon ni Roxanne nang makita ang kanyang iniukit sa puno.

"Hi, Brikezon." Mabilis siyang napalingon ng may tumawag sa kanya.

Hindi pamilyar ang mukha ng babaeng tumawag sa kanya. Maputi siya o sadyang maputla lang talaga.

"Ang ganda naman ng iginuhit mo." Papuri niya habang nakatingin din sa puno kong saan nakaukit doon ang dalawang taong pinakamamahal niya.

"Patay na ba ako?" Hindi alam ni Brikezon kung saan nagmula ang katanungan niyang yan, maging kung bakit sa kaniya siya nagtanong. Nagtatakang napabaling si Brikezon sa babae dahil tumawa ito.

"Why? Do I look like an angel?" Nakangiting tanong ng babae sa kanya. Hindi magawang sumagot ni Brikezon. Hindi niya nga masagot sa sarili niya kung bakit sa babaeng ito pa siya nagtanong. "Nah. Sigurado akong hindi ako anghel kaya wala ka sa langit." Umiiling na sabi nito. "Ang totoo'y hindi ko alan kong ano ako." Mahinang sagdag ng babae na nagpalito lalo kay Brikezon.

Hindi na siya muling nagtanong pa sa babae. Wala siyang interes na alamin ang pangalan nito kaya hindi siya nagtanong. Naging matahimik ang lahat. Nakatitig lang si Brikezon sa puno at inaalala lahat ng magagandang alaala na nakasama niya si Roxanne.

Lumalakbay ang isip niya. Nagtatanong siya kung ano na kayang ginagawa ni Roxanne ngayon. Saglit niya lang nasulyapan ang anak kaya nakakalungkot na hindi niya man lang magawang makitang lumaki ito.

"Kung mabibigyan ka ng pagkakataon na makabalik sa nakaaran, anong babaguhin mo?" Tanong ng babae kalaunan. Hindi lumingin si Brikezon sa kaniya. Ang kaniyang paningin ay nanatili sa inukit niya sa puno.

"Anong babaguhin ko?" Pag uulit ni Brikezon sa tanong nito. Pati siya ay napaisip. "Babaguhin ko ang naging maling desisyon ko. Babaguhin ko ang naging desisyon ko dati na ang layuan siya, na ang saktan siya. Babaguhin ko yon lahat. Kung mabibigyan man ako ng pagkakataon na makabalik sa nakaraan yun ang babaguhin ko." Madamdaming sagot ni Brikezon saka tumingin sa babaeng nakatingin na rin pala sa kanya. "Pinagsisihan ko lahat ng ginawa ko sa kanya. Pinagsisihan kong sinaktan ko siya. Pinagsisihan kong pinigilan ko ang sariling mahalin siya. Kung sinunod ko sana ang gusto ko, 'di sana marami akong naging oras para makasama siya."

Biglang umihip ang malakas na hangin. Nagsasayawan ang mga dahon at ang iba ay nalaglag. Napatingala nalang si Brikezon sa kalangitan at napapikit ng masilawan siya ng araw.

"Do you really love her?" Tanong uli ng babae.

Akala ni Brikezon ay tapos na ang pag uusap nila kaya hindi niya inaasahan na may itatanong na naman ito na bago.

"Oo naman."

"Do you want me to fulfill your request?" Tanong uli nito.

In His Painful ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon