IHPA 29

28 6 1
                                    

In His Diary

Alam ko ang mga nagawa kong kasalanan. Hindi sapat ang sorry sa bawat ginawa ko sa kanya, pero nagpapasalamat pa rin ako kasi kahit na andami ko ng kasalanan sa kanya ay pinapatawad niya pa rin ako.

Hindi naman siguro masama na sundin ang gusto ko. Kaya naman ginawa ko kahit alam kong bawal.

Hindi ko na kaya pang pigilan ang nararamandaman ko kanya. Alam kong magiging komplekado ang lahat pero bahala na.

Gulong gulo ang isip ko sa bawat linggo na dumaraan. Pansin kong mas lumalala na rin ang kalagayan ko kaya nagpatingin ako sa doktor. Andami kong ginawang dahilan kay Roxanne para makaalis ako sa bahay.

Ayaw kong malaman niya ang totoo. Na may sakit ako kaya naman itinago ko. Siguro dahil natakot ako. Natakot ako na baka iwan niya ako. Na baka kapag nalaman niya mas gugustuhin niya pang maikasal kami ni Brettrian para lang mabuhay ako. Gusto kong ako naman ang gumawa ng desisyon para sa buhay ko. Palaging si Mom ang nasusunod sa lahat at sa ngayon gusto kong ako naman.

Mahirap. Nabigo ako. Akala ko ay gagaling na ako ng tuluyan. Akala koy hindi ko na kailangan pa ang tulong ng mga Garlico para gumaling ako.

Hindi ko matanggap. Kaya palaging umaalis ako ng bahay. Gusto kong mag isip. Bumalik na naman si Jam kaya may kasama ako at sa kanya ko sinasabi ang lahat ng mga nangyari sa buhay ko.

WALA na akong pagpipilian. Kailangan ko ng pakasalan si Brettrian. Pero ang kinaiinisan ko sa lahat ay nang malaman kong peke ang kasal namin ni Roxanne. Galit na galit ako kay Mom, hindi ko kayang tignan siya dahil akala ko'y naiintindihan niya ako.

Wala na talagang pag asa. Kailangan ng matuloy ang kasal. May parte sa akin na gustong maituloy ito dahil gusto ko pang mabuhay. Gusto ko pang makita si Roxanne at ang magiging anak namin. Alam kong kapag hindi natuloy ang kasal malaki ang posibilidad na ihihinto na ng mga Garlico ang pagbibigay ng gamot sa akin.

Sa wakas ay nalaman ko din ang tunay na ugali nila. Mapagpanggap sila kaya hindi nalalayo ang ugali ng anak nila na si Brettrian.

NAGALIT ako diary. Nagsinungaling aa akin si Roxanne. Hindi natuloy ang pagpunta ko sa Japan dahil sa pagtawag niya.

pero mas hindi ko matanggap ang sunod na nagyari.

Nakunan siya.

Kambal pala ang ipinagbubuntis niya.

Hindi ko alam kong matutuwa ba ako dahil buhay pa ang isa naming anak.

G*go ako! Alam kong dahil sa akin kong bakit nagkaganon ang nangyari.

Pinag iisip ko siya ng marami. Hindi siya nakakatulog kakaisip sa akin alam ko yun! Ako! At ako lang ang dapat na sisisihin kong kaya't nakunan siya!

HINDI ako nagpakita sa kanya. Nahihiya ako! Natatakot! Dahil hindi ko kayang salubungin ang mga mata niya.

Panibagong kasinungalingan na naman ang tinatago ko. Ako mismo ang nagsabi sa mga kaibigan niya pati sa doktor at nurses na huwag ipaalam sa kanya na nakunan siya. Ayaw ko. Siguro kapag nakapanganak na siya, diyan ko na sasabihin.

WALA na rin naman na palang pag asa. Kahit pa na inumin ko ang gamot ng mga Garlico wala pa rin iyong silbi dahil may taning na ang buhay ko. Hindi maidadaan sa gamot lahat. Talagang may limit ang kakayan ng gamot.


Hindi na rin kakayanin ng katawan ko ang panibagong treatment. Nakakalungkot isipin na lilisanin ko na ang mundo at wala na akong oras para makasama ang babaeng pinakamamahal ko.

Thanks to Jam. He help me a lot. May mga naipon na rin kasi ako at dahil napakabait niya binigyan niya ako ng pera para lang maipambayad sa mga Garlico.

He is the best bestfriend in the world. Kahit nga magkalayo kami ay gumagawa pa rin kami ng paraan para makapag usap at para makapag kamustahan.

Ngayon ipinapangako ko sa sarili ko na hindi ko na muling sasaktan si Roxanne.

Pero alam kong malabo.

Alam kong masasaktan ko siya kapag nawala na ako. Kapag iiwan ko na naman siya.

Ayaw ko ng mangako sa kanya.


Pero isa lang ang siguradong maipapangako ko sa kanya. Kahit kailan siya at siya lang ang babaeng mamahalin ko ng habambuhay. Siya lang at wala ng iba.

Gusto kong sulitin lahat ng katiting na oras para sa kanya. Kaya naman ipinahabilin ko ang kompanya kay Dad. Alam kong naiintindihan niya ang desisyon ko at masaya ako dahil palagi niya akong sinusuportahan.


Walang araw na hindi ko sinulit ang pagsasama namin ni Roxanne. Ang ganda...


Ito ang klase ng buhay ang pinapangarap ko. Alam kong hindi ito magtatagal dahil kukunin na rin naman ako ni lord pero kahit na ganon ayaw kong mag isip ng negatibo.


Alam kong nakakahata na siya sa akin. Alam kong nakakahata na siya na may...

sakit ako.

Alam kong kahit hindi niya sabihin nakikita niyang mas pumapayat na ako ngayon. Na nanghihina na.

Nahihiya ako sa kanya. Ang ganda niya tapos heto ako masakitin. Nakakahiya na isang masakitin ang napangasawa niya.

Naiisip ko nga na baka hindi ako nararapat sa kanya. Sakit lang ng naidulot ko sa kanya.

Alam kong masyado ng huli ang lahat. Kaunti nalang ang oras na binigay ng diyos sa akin pero naniniwala akong hindi pa naman huli ang lahat.

Hindi pa huli na maitama ko lahat ng pagkakamaling ginawa ko kay Roxanne.


Gusto kong iparamdaman sa kanya na mahal na mahal ko siya. Sa sobrang mahal lahat yata ng hugis puso ay ibibigay ko sa kanya para lang maipadama sa kanyang mahal ko siya.

Tinatawag ko siyang love hindi lang dahil love ko siya, kundi dahil siya ang simbolo ng puso ko. Siya ang dahilan ng bawat pagtibok nito na kahit pa gaano ito kasakit kapag umaandar ang sakit ko ay paunti unti din namang nawawala kapag nakikita ko ang magandang imahe niya.

Ang hirap kong mahalin. Masyado akong matigas pero natutunaw iyon ni Roxanne. Iyun ang isang katangian na mayroon siya.


Iba ang tama ko sa kanya.

Mahal na mahal ko siya diary. Hinding hindi ako magsasawang iparamdam ang pagmamahal ko sa kanya kahit na maikling sandali nalang ang ibinigay sakin ng panginoon. Mamahalin ko siya kahit sa aking huling hininga.





ALEJANAXIS

In His Painful ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon