Her Pov:
Alam mo ba iyung pakiramdam na naistorbo ang tulog mo dahil sa napakalakas na boses na bumalabog sa kwarto? Iyong sigaw na nakakarindi sa tainga at kahit anong pilit mong matulog ulit ay hindi ka nakakatulog dahil hindi siya tumitigil sa pagsigaw? Alam naman niyang may natutulog ay hindi parin talaga niya hininaan ang boses!
"Oh my god! Rox! Anong nangyari sa kanya?! Ang inaanak ko!" Hindi ko na kailangan pang imulat ang mata dahil sa napakalakas na boses na iyun. Alam ko kung kanino ang matinis na boses na iyun kahit na hindi ko pa naimulat ang aking mata.
"Can you lower your voice?" Suway sa kanya ng taong hindi ko inaasahan na manggagaling.
Kahit na nahihilo at kumikirot ang noo ko ay pinilit kong umupo. When they saw that I was awake, they came closer and Brikezon helped me to sit down. He bent down and adjusted the bed. Dahil sa ginawa niya ay komportable na sumandal ako dito.
"How are you feeling?" Brikezon asked and took a chair to sit near me.
"Wow ha! Himala nagtanong ka ng mahinahon sa kanya!" Hirit ni Delaney atsaka inismiran si Brikezon. "Sabihin mo nga Brikezon, anong kinain mo at hindi mo pinagalitan si Rox?!" Nakapamaywang na tanong nito kay Brikezon.
"Delaney..." I called her calmly. Nakuha naman niya ang nais kong sabihin dahil tumahimik rin siya pero bago yun ay inirapan pa niya si Brikezon.
"Labas na muna ako Rox." I nodded at her and watched as she turned around and opened the door. "...usap lang tayo mamaya kapag nawala nayang walang kwenta mong asawa." Sabi niya at malakas na isinarado ang pinto.
Napabuntong hininga nalang ako sa huling sinabi niya. Alam kong may galit siya kay Brikezon pero ayaw ko namang humantong na aawayin niya ito sa tuwing nagkikita sila. Hindi ko rin naman siya masisisi kong bakit ganito nalang ang inaasta niya.
"Bakit ka umalis ng bahay?" Maatoridad na tanong nito. Hindi ko siya tinignan, nanatili lang ang tingin ko sa pintuang nakasarado. "Hindi ka man lang nagpaalam."
"Wala akong load." Mahinang sagot ko.
"Ginamit mo sana ang utak mo at nagpaload ka! Wala bang tindahan sa subdivision!?" Napakagat nalang ako sa ibabang labi.
Heto na naman...
Hindi ko alam kong concern ba siya sakin o sadyang nagagalit siya dahil hindi ako nagpaalam.
Sabi niya nga diba, pagmamay ari niya ako.
"Hindi mo man lang sinabi sa akin na kaya ka pala nilalapitan ni Jozuke ay dahil gusto niyang bilhin ang painting mo!" Nilingon ko siya at pinigilan ang sarili na hindi umayak. "...pero yun lang ba talaga ang gusto niya kaya ka niya nilalapitan? Or maybe you're selling yourself to him so you can have money?! Pero pwede ka namang lumapit sakin Roxanne at manghingi!" Hindi ko alam pero kusa nalang gumalaw ang kamay ko para sampalin siya. He was stunned by what I did as if he couldn't believe it.
"I-is that how you really think of me?!" Sigaw ko at hindi na mapigilan pa ang mga luhang nagbabadya. "Ganyan na ba talaga kakitid ang utak mo Brikezon!? Look Brikezon..." Hinawakan ko ang mukha niya para tignan ako. "... ang laki laki na ng tyan ko!"
"Kahit buntis ka pwede parin naman kayong mag s*x!" Hinawi niya ang kamay ko at napatayo sa upuan. "Roxanne, hindi mo sinabi sakin na nakipagkita ka kay Jozuke at kilala ko ang taong yun! May sakit yan sa utak kaya hindi malabog galawin ka niya!" Agad na umiling ako sa sinabi niya.
"Bawiin mo yang sinabi mong may sakit siya!" I took a deep breath and looked at him with disgust.
Hindi ko alam, pero ngayon mas naniniwala na ako kay Jozuke. Kung si Brikezon man ang may gawa kong bakit ipinasok si Jozuke sa mental ay hindi ko siya mapapatawad.
BINABASA MO ANG
In His Painful Arms
RomanceIHPA: Mrs. Roxanne Vallico Cilligaz. It's a beautiful name and she's very lucky because she just married the owner of the biggest and successful hotel in the world. Ang kanyang asawa ay tinaguriang napaka galing na businessman sa buong mundo na tala...